03

1.3K 52 99
                                    

NJM.

minulat ko ang mga mata ko a sumalubong sakin ang siyam na nakagugulantang na pagmumukha.

sino ako?

bakit ako naririto?

bakit ang papangit ng mga nasa harapan ko?

bakit ang gwapo ko?

mga tanong na umiikot sa isipan ko habang di pa ako nagigising sa katotohanan, hanggang;

"okay ka na ba?" tanong saakin ng kapatid ko.

wow, new life sis? buti naman at kinamusta mo ako?

"i'm fine, gwapo parin naman ako," pagsagot ko sa tanong niya, sagot, hindi biro, kasi totoo namang gwapo ako.

"tss, ang sabihin mo, malandi ka parin, makati ka parin. ayan napapala mo sa kaka-babae mo eh, kung hindi ikaw yung nasasaktan, ibang tao. bakit ba hindi ka natututo ha? naiinis na ako sayo, konting konti ka nalang sakin." pagsermon niya tsaka siya lumabas ng clinic.

ako? bakit ako? ako nga tong inggit na inggit sainyo eh. wala lang gaya lang kay bobby ng four sisters and a wedding.

ayan nanaman po siya, mommy mode on, minsan na nga lang kami magkausap ganyan pa sasabihin niya sakin, suweg.

"tsk, ayan kasi," sabi ni haechan at sinundan si eunji. edi wow, gwapo ko parin.

pagkaalis niya ay naging tahimik na bigla at bulungan nalamang ni renjun at jalene ang maririnig.

"makati mo 'to." sabi ko para lang matanggal ang awkwardness dito.

"ayan! ayan hirap sainyo eh, pinagsasabihan kayo pero di parin kayo nakikinig, pasok dito labas dun!" sigaw ni sana, oops, triggered ko ba siya?

"uy, babe, chill," pagpigil ni jeno hyung sa jowa niya.

"babe?! babe mo mukha mo! Isa ka pa'ng jenose ka!" sabi ni sana at nagdabog palabas ng clinic kasabay naman ang pagsunod sakanya ni jeno.

"shit!" sigaw ni jalene noona at tumayo pa siya.

malakas feeling ko na aalis sila ni renjun, feelingero ako e, bakit ba?

"min, iwan na namin kayo, late na kami ni injun sa english class natin e, kung di lang kami pinag-iinitan ng teacher natin sa sub na yun, dito muna sana kami. kaso mainit dugo nun samin eh, sige bye!" mahabang explanation ni jalene. edi kung nagpaalam nalang sila at di na siya nag explain, edi nasa classroom na sila ngayon?

"dorks." rinig ko'ng sabi ng kasama ko. ay, oo nga pala, may kasama pa pala ako. "oops, sorry." sabi niya nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya. "aalis nalang din a-" tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya sa pagalis.

"jaemin. na jaemin," ngiti ko sakanya.

"i know you, you're the person eunji hates." Edi wow, noseblood ako. "heartbreaker, huh?"

"gwapo lang." sagot ko.

"pft." pigil niya sa tawa niya. "alis na ako." at tuluyan na nga siyang umalis.

aba? sinasabi ko lang naman kaya yung totoo! iniinis ako ng jiyeon na yun ah. magpapasalamat pa sana ako dahil sa ginawa niya kanina. wag nalang. pangit ugali.

tatayo na sana ako sa higaan nang may dumating na chick.

"min! okay ka lang ba? were you hurt?" sabi ni haina habang hawak ang mukha ko

"okay lang, gwapo parin." sagot ko sakanya, kasabay ang pekeng tawa.

"awe, look at those bruises! you don't deserve to be treated like that, min. right girls?" tanong niya sa mga babang nasa may bintana.

"yes!" nakakagulat, nagsama pa talaga ng alagad niya.

hinahamplos-haplos lang ni haina yung mukha ko hanggang mahawakan niya yung parteng may pasa.

"ouch!" sigaw ko nang madiin niya iyong pasa ko.

"sorry," ngiti niya.

nagawa pa talaga niyang ngumiti kahit nasaktan na ako? ano masaya siya sa pananakit ng tao?

"bakit ba kasi kayo nandito? wala ba kayong klase? kaya ko naman sarili ko." sabi ko sakanya. "geography niyo ngayon diba?" dagdag ko, alam ko kung anong klase niya sa oras na 'to kasi yung kaklase niya na si jenna, naging girlfriend ko last week, siguro.

"oo pero mas gusto ko na tignan if you are okay. acads is life, but you are lifer," biro niya.

"ah." sagot ko sakanya.

matagal nang nagpaparamdam itong si haina na may gusto siya sakin. thankful naman ako sakanya but i don't want her. she isn't worth my time.

i want girls who wouldn't like me at first but would suddenly feel like i am already a part of their life. yung bang, hindi nila kaya mabuhay nang wala ako.

yun, pagdating ng oras na yun, iiwan ko na sila. the end, end na ng presentation.

pero dahil nakakaawa siya, kahit isang araw manlang kami maging magkaroon ng relasyon, pagbibigyan ko na para tumigil na.

"are you free this dismissal?"

"yes, ofcourse! you know i will always find a time just to be with you." sagot niya ng walang pagdadalawang isip.

baliw na baliw talaga sa kagwapuhan ko.

"then let's go out. you know, date." nanlaki naman ang mata niya. then,

she squealed. even the girls outside squealed with her.

"really?!" tanong niya ulit. gusto ba niya o hindi??

"yes, cause you're my girlfriend now." sagot ko sakanya.

"oh my gosh!" tili niya at niyakap ako bigla.

napatingin naman yung school nurse samin at kumunot ng noo.

nag thumbs up lang ako sakanya para sumnyas ng okay lang ako.

ngumiti naman siya.

nice, di ko man nakuha si cherry, atleast may bago akong girlfriend.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon