25

517 25 61
                                    

NJM.

pinuntahan ko kaagad si jiyeon sa bahay nila pagsapit ng alas dose ng hapon. dadalhin ko siya sa safe haven ko.

pagbukas ng pinto, kaagad na bumungad saakin si tito.

"hello po." sabi ko at nag bow sa harap niya.

"pasok ka muna, nag-aayos pa yung prinsesa ko." ngiti niya. sumunod naman ako at umupo sa may sofa.

"pa! nasan po ba yung-" sigaw ni jiyeon habang pababa sa bahay nila.

nakita ko namang suot niya yung sweatshirt na bigay ko sakanya.

"ang aga mo naman. sandali lang, may hinahanap lang ako." sabi niya. tumango naman ako at sinabihan siya na ayos lang.

***

"saan mo ba ako dadalhin?" tanong saakin ni jiyeon.

"mamaya ka na magtanong, tingin ka nalang sa daan. tignan mo oh, kasing ganda mo." sabi ko sakanya. at nanahimik naman siya.

nag-focus lang ako sa pagmamaneho dahil gusto ko nang makarating kami ni jiyeon doon. gusto kong makita niya ang lugar na parati kong pinupuntahan tuwing malungkot ako.

"oo nga pala..." biglang sabi ni jiyeon, napatingin naman ako sakanya.

"hmm?"

"si eunji..." she trailed off, "hindi ko naman sinasadya na-"

"okay lang yun, kailangan niya lang ng oras para kumalma. hayaan muna natin." sabi ko sakanya.

kinuha ko ang kamay niyang nakalagay sa thigh niya at in-intertwine ang mga ito.

"sabi mo sakin, day ko to."

"oo nga."

"ako muna isipin mo, wag yung ibang tao." sabi ko at hinalikan ang likod ng kamay niya.

***

pagdating namin sa beach ay kaagad akong nag check-in sa isang hotel dito.

"thank you po." sabi ko sa mga staff na naghatid ng mga gamit namin.

"since fully booked sa hotel na to. i was only able to get one room." explain ko kay jiyeon, "kaya matutulog nalang ako sa living room, ikaw na sa kwarto."

magsasalita pa sana siya pero, "no more buts." sabi ko at pinapunta ko na siya sa banyo para magbihis.

nagpunta na rin ako sa isa pang cr at nagbihis. naka rashguard ako at biking shorts.

paglabas ko ng cr ay nakaupo sa sofa si jiyeon na naka rashguard rin at leggings.

napangisi naman ako, buti nalang at hindj na kailangang bawalan tong girlfriend ko, kasi kahit siya ay ayaw sa mga damit na masyadong nagpapakita ng balat.

"tara?" tanong ko sakanya at iniabot ang kamay ko. tinanggap niya yun at tumayo na kami.

paglabas namin ng hotel ay sumalubong ang mukha ng babaeng gustong gusto kong pataying magmula nung makita ko siya nung birthday ni jiyeon.

"hi ji!" ngiti niya samin, tinignan ko naman ang suot niya, naka swimsuit na kaunti nalang, kitang kita na yung kaluluwa niya.

"jiral? anong ginagawa mo dito?" tanong ni jiyeon sakanya.

"ah, wala lang. feel ko lang mag reminisce ngayon, kasi may isang tao na palaging sinasabi saakin na masaya daw dito eh. kaya tinry kong pumunta. coincidentally, nandito rin pala kayo." sabi niya.

isang salita pa nito, sasapakin ko na talaga siya.

"tara na yeon yeon, mag lunch muna tayo sa buffet." sabi ko at hinila si jiyeon papunta sa elevator.

magsasara na ang pintuan pero biglang humabol pa si jiral. bagay talaga ang pangalan niya sakanya eh. jiral, fuck. fuck her and her itchiness.

"puwede ba akong sumabay sa pagkain?"

"no."

"yes!"

tinignan naman ako ni jiyeon at parang sinasabi na, pumayag ako.

well, "actually, us day namin ngayon eh. pero if you insist sige lang. kung kaya mong sikmurain yung sweetness namin." sabi ko at tinignan si jiral, "wag mo kaming sisihin pag nagka diabetes ka ah." sabi ko sakanya.

tinignan naman ako ulit ni jiyeon kaya tinignan ko rin siya, nilapit ko ang mga mukha namin sa isa't isa.

ngumuso ako at hinalikan ang noo niya. kasabay noon ang pagbukas ng elevator at lumabas na kaming dalawa.

"anong gusto mong kainin?" tanong ko sakanya.

"ewan, ano bang madalas mong kainin dito?" tanong niya pabalik saakin.

"kung hindi pa sila nagpapalit ng menu, puwede kitang tulungan." sabi ko at inabutan siya ng plato, spoon and fork. "pero kung oo. it would be a pleasure to discover new rhings with you."

"pft. corny mo talaga." sabi saakin ni jiyeon.

"kilig ka lang eh." sabi ko at sinundot ang tagiliran niya, masamang tingin naman ang sagot niya saakin.

"bakit ba?" tanong ko sakanya.

"ang harot mo." sabi niya saakin.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon