NJM.
sinong partner mo?
tanong na parati kong naririnig sa tuwing dadaan ako sa hallway ng building na'to.
sarap sapakin ng mga nagtatanungan na mga to eh. umagang umaga kung ano-ano inaatupag. tapos pag nag-umpisa iyong klase wala silang mga assignment? kainis.
"jaemin!" tawag sakin ng taong nasa likuran. si genina. "nay partner ka na ba para sa prom?" bungad niya. ayan eh, ayan iyong nakakainis, bakit kasi babae pa yung pipili ng kapartner?
ayan tuloy, sabog sched ko, ang daming nag me-message sakin sa messenger tapos yung iba nag-email pa.
"meron na eh," sabi ko sakanya, "hanap ka nalang iba," ngiti ko sakanya tsaka ko siya tinalikuran, hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya dahil wala ako pakealam.
pagkatalikod ko ay nagulat ako sa mukhang bumungad saakin, bumilis ang tibok ng puso ko.
sino iyon? si jiyeon, malamang.
"may kapartner ka na pala? sino? hehe," nahihiyang tanong niya, teka bakit siya nauutal? nagseselos kaya siya- ay hindi. bakit siya magseselos eh may jungwoo siya?
"si eunji lang," ngiti ko sakanya.
pagkatapos ay nagsalita siya, "ah ganon ba? ngapala, nilapitan lang kita para ipaalala iyong plano hehe," na siyang dahilan ng pagbagsak ng ngiti ko. oo nga pala, si jungwoo ang pakay niya saakin.
nako, jaemin, tama na kasi kaka-asa mo. Kaya ka pumapangit eh.
"oo, sige." sabi ko sakanya. "sabay na tayo pumasok?" aya ko sakanya bilang nasa dulo palang naman kami ng building, sa gitna kasi ang classroom namin.
"sige," sagot niga kaya naglakad na kami papuntang classroom.
padaan kami- ay wala palang kami- padaan ako at si jiyeon sa pang-apat na room nang tawagin ni jungwoo si jiyeon. ayan nanaman sila, sasaktan nanaman nila ako.
"ay, jiyeon, una na ako ha?" sabi ko sakanya at di ko na hinintay ang isasagot niya.
dumeretso na ako sa classroom namin. dahil kung mananatili pa ako doon ay di ko kakayanin at baka makapatay ako.
"ah! jaemin!" narinig kong tawag ni jiyeon saakin.
aba? iniwan niya si jungwoo? himala?
"iniwan mo si jungwoo?" tanong ko.
"obviously," sabi niga at pinanliitan ako ng mata, ang liit na nga ng mata niya ililiit pa eh Jisung na Jisung. "ngapala, wag mo na ako tutulungan kay jungwoo."
"bakit naman?" ano naman ang dahilan ng pagback out niya sa pagtatanong kay jungwoo para maging partner niya?
"nasabi ko na kasi, tsaka parang wala namangzsxdcf" pahina nang pahina ang boses niya habang sinasabi niya iyon.
"ha? anong tsaka parang wala?" tanong ko, gwapong chismoso ako eh bakit ba?
"wala, wag mo na pansinin yung ganun," sabi niya at hinila ako papasok ng room.
napano to? nanghihila na. pero, kinikilig ako. call me gay, i don't care. basta kinikilig ako, period.
pagkapasok namin sa classroom, pinagtitinginan kami ng mga chismoso, inggetera at insecure naming mga kaklase.
nagbubulungan pa sila ng kung ano ano pero wala na akong pakealam. ang mahalaga, hawak ako ng babaeng mahal ko. iyon lang dapat ang isipin ko sa mga ganitong sitwasyon. kelangang damhin dahil ngayon lang to mangyayari sa tana ng buhay ko.

BINABASA MO ANG
ephemeral
Teen Fictiontypical playboy falls in love with a girl he just met. ✹ nct dream taglish fanfiction ✸ na jaemin ✶ completed | revised & unedited byr - this story might make you wanna throw up so dni if you can't handle over the roof typa cringe. i wrote this w...