20

735 24 75
                                    

PJY.

pagkatapos ko tanungin si jaemin kung saan kami pupunta ay kaagad na akong nag ayos. ang sabi niya kasi aalis kami ngayon kaya heto.

bag t-shirt ako at nag trackpants upang komportable ako saan man kami pumunta. mag-aalmusal na rin ako para di ako masyadong gutom pagka umalis kami.

pumunta na ako ng kusina at gumawa ng waffles at gatas. kakainin ko na ang waffle ko nang biglang maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

kita ko namang tinatawagan ako ni eunji kaya kaagad kong sinagot dahil baka umiyak pa siya.

"aalis ka talaga? ayaw mo talaga akong samahan?" bungad niya saakin.

wala manlang good morning o ano.

"sorry na. may lakad talaga ako eh. kasama mo naman si jisung diba?"

"nakakainis kasi! ayaw niya umalis. dito nalang daw kami sa bahay! kung marunong lang talaga ako mag public transpo."

"hay nako, bahala na kayo diyan." sabi ko bago siya babaan ng tawag.

pagkapatay na pagkapatay ng tawag ni eunji ay sumunod naman ang tunog ng doorbell ng bahay namin.

binuksan ko ang pinto upang makita si jaemin na naghihintay sa labas ng bahay namin. nakapolo at naka jeans siya pagkatapos ay naka eyeglass pa, anong trip neto?

nilapitan ko siya at pinagbuksan ng gate, "ginagawa mo?" pang-aasar ko sakanya.

"hinihintay future girlfriend ko," sagot niya rin sabay bigay ng bouquet ng bulaklak saakin. sinong inaabangan nito? maid namin?

"ikaw ha, di ko alam na crush mo pala si patie," sabi ko sakanya referring to our house's maid.

"ikaw kasi," naaasar niyang sabi "eh ni di ko nga alam itsura nung patie eh," dagdag niya.

"pasok ka muna," pag-change topic ko.

kaagad naman siyang sumunod at pumasok na rin sa bahay. tumingin-tingin siya sa paligid na parang namamangha sa bahay namin. eh wala namang kamangha mangha sa bahay, wala namang espesyal.

"wow, your house is so simple yet elegant," sabi niya at tumingin saakin.

"well, thanks. si mama ang nag design," sabi ko. interior designer kasi si mama kaya ayan, siya lahat nasunod sa pagpapagawa ng bahay.

"sandali lang at magpapaalam na ako sa maids namin para di na mag-alala si mama pag umuwi siya," sabi ko at pumunta sa kwarto ng mga maid namin at nagpaalam.

pagkatapos kong magpaalam sakanila ay kaagad ko'ng binalikan si jaemin.

sana all binabalikan diba.

pagkakita ko'y tumitingin na siya ng mga litrato na naka design at naka picture frame, tumitingin lang siya ng litrato pero bakit ang gwapo parin?

"nasaan ang daddy mo?" tanong ni jaemin nang matapos siyang tumingin ng litrato at nang makita niya rin ako.

"may ibang pamilya na." sagot ko.

medyo lumungkot yung tunog ng boses ko. i don't wanna sound bitter but the mere fact na alam ko'ng buhay pa siya pero di ko siya nakakasama't di rin siya nagpaparamdam saakin, ang sakit sa feeling.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon