06

1K 47 58
                                    

NJM.

"so i'll give your pairs for your upcoming paired project in my subject," kuda ni miss. choi. wala naman akong pakealam sa mga project na yan eh. mahpapa project pa eh kapag hindi ako pumasa, isang bayaran lang sakanila, makaka graduate ako.

nilabas ko ang cellphone ko upang maglaro ng games, good pizza great pizza yung nilalaro ko, nialaro namin to ni eunji nung bati pa kami eh. nag-uunahan kaming yumaman.

naglaro lang ako nang naglaro hanggang umabot ng $12,528.63 ang pera ko at kasabay noon ang pagtunog ng bell na nagpahiwatig na breaktime na.

bagk pa ako makaytayo ay kinausap na ako ni jiyeon. talaga nga namang crush ako neto, di siguro maka move on sa ginawa ko sakanya kahapon.

"anong plano mo?" aba- talagang tinanong pa ako ng plano ko.

"una sa lahat, jiyeon. wala akong ginawa sayo, kaya di kita kailangang panagutan okay? di kita binuntis, nahalikan kita, pero di naman yun sa labi hindi ba? di rin kita pinagsamantalahan at hinding hindi kita pagsasamantalahan dahil di kita type, kaya if you'll excuse me, aalis na ako't kakain," talumpati ko sakaniya.

tatayo na sana ako pero tinulak niya ulit ako paupo, malnourished ba ako? bakit ang dali lang sakaniya na itulak ako? sabagay ganon naman talaga, napakadali para sakanila na ipagtulakan ako.

magsasalita pa sana ako nang inunahan niya ako.

"una sa lahat, na jaemin, di rin kita type at di kita pagpapantasyahan, never akong magpapabuntis habang nag-aaral at never akong magpapabuntis kung ikaw ang ama. pangalawa, wag mo nang paulit-ulit ipaalala iyong nangyari kahapon, dahil di ko iyon ginusto, malay ko ba na totoohanin mo hindi ba? pangatlo, napakamalas talaga nating dalawa, ay hindi, ako lang pala. napakamalas ko naman at ikaw pa ang partner ko sa project natin. at pang-apat, ang tinatanong ko sayo'ng plano kanina ay kung ano ang plano mo para sa project, kung makapagsabi ka na di mo ako type, ikaw naman iyong napaka defensive na di pa nan alam kung among sinasabi ko e todo react kaagad," sabi niya at inirapan ako

"kung ayaw mo'ng tumulong sa project, okay lang sakin kasi di naman kita kailangan," sabi niya pa at lumakad na siya palayo.

nagbibiro lang naman ako eh!

tumakbo ako papunta sakanya, mukhang naging interisado na ako sa project, favorite subject ko pala ang sociology.

talaga ba jaemin? paborito mo ang sociology?

sabi yan sakin ng alter ego ko. sabi ko nga't di ko paborito yun, sayang din kasi iyo'ng pera kung magbabayad pa ako ng grade hindi ba?

pera nga ba o gusto mo lang makasama si Jiyeon?

inalog-alog ko ang ulo ko para umalis ang kung sino mang nagsasalita sa utak ko.

"nagbibiro lang ako kanina, jiyeon," sabi ko kaagad nang mahabol ko na siya.

"tss, takot," bulong niya. ang bango ng hininga, strawberry flavored toothpaste maybe, ganon gamit ni eunji e.

"anong sabi mo?" bulong ko sakanya at nilapit ko ang mukha ko sakanya'ng mukha para dama niya.

"w-wala! dun ka nga! ayan ka nanaman sa paglapit mo ng mukha eh!" pagsisigaw niya habang tinutulak ako palayo.

"kinikilig ka lang niyan eh, okay, this is my number, let's do some brainstorming tonight okay?" sabi ko sakanya at binigiyan siya ng piraso ng papel kung saan nakasulat ang numero ko, "text ya," kindat ko sakanya

"tss," sabi niya at nisnob pa ako. akala mo talaga di siya kinikilig eh.

lumakad ako papuntang stall ng nagtitinda ng cakes, bumili ako ng cheese cake at ng coke zero at pumunta na sa table naming magbabarkada ng nakangiti.

pagkarating ko ay nagkukwentuhan na sila.

"kahapon, sabi ni mama, baka pumunta ako ng la kapag pumasa ako sa audition na pinasukan ko dun." sabi ni jisung samin. "nagsisisi nga ako na sumali pa ako eh."

"mabuti na yun, atleast hindi ka na makikisali pa sa agawan namin ni chenle kay eunji." sagit sakanya ni haechan. galit naman siyang tinignan ni jisung.

kung nasa anime series lang kami, may usok na na lumalabas sa ilong ni jisung.

"joke lang kasi." sabi ni haechan na may kinakain na cheesecake. napakunot naman ang noo ko.

"bakit yan yung inorder niyo? bakit hindi yung fruit cake?" sabi ko sakanila.

"wala na eh.." mahinang sagot nina jeno.

"alam niyo namang lactose intolerant ako tapos bibili pa kayo cheesecake?" inis kong sabi sakanila.

"akala ko kasi-"

"madaming namamatay sa maling akala." sabat ko kay renjun bago pa siya makapag explain.

naiinis talaga ako sakanila. pag sila yung may sakit ginagawan ko ng paraan para hindi ma trigger yung sakit nila. pag inuubo, hindi ako bumibili ng ice pops.

"ayie~" rinig naming asaran nina eunji at ng mga kaibigan niya sa table nila habang nakatingin kina jungwoo at jiyeon.

"at maraming nasasaktan sa pagmamahal ng maling tao," pagsingit ni jeno.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon