NJM.
si jaemin ang nag drive papunta sa malapit na grocery, salamat kay google maps at sinabi niya na may grocery malapit dito. kundi, we'll starve to death.
"turn right daw, tapos diretso nun. pagkatapos ay nandon na tayo," sabi ko kay jaemin, ako ang navigator at siya ang driver.
"okay," sabi niya at marahang ipinaikot ang manibela, napakabagal nito mag drive, ganito ba talaga siya oh ano?
"mabagal ka ba talaga mag drive? kasi lagpas kalahating oras na tayo. kelangan nating dalian, gutom na niyan yung mga yun," sermon ko sakanya.
"binabagalan ko kasi baka ma- aksidente tayo." sabi niya, ramsam ko ang kaba niya sa boses niya.
"talaga lang?" pag-usisa ko sakanya.
"okay. first time ko kasi sa highway, i am kinda nervous." pag-amin niya.
"pft." pigil ko sa tawa ko.
"sabi ko na eh, pagtatawanan mo lang ako. kaya nga nananahimik nalang ako eh."
***
"unbuckle your seatbelt, because we're already here," sabi niya at inabot ang seatbelt at siya ang nag unbuckle. utos niya gawa niya.
bubuksan ko na sana ang pintuan nang magsalita siya. "wait!" at dali daling bumaba at pumunta sa side ko at siya ang magbukas ng pinto.
"baba na." sabay ng pag-abot niya ng kamay niya para alalayan ako sa pagbaba. kaagad ko namang tinanggap ang tulong niya, kawawa naman kasi siya eh.
"di mo naman kelangan gawin yun, kaya ko naman, eto oh, wala naman akong sakit," sabi ko sakanya at pinakita ang mga daliri ko'ng kumpleto sakanya.
"yun kasi yung sabi nung-"
"librong binabasa mo? ano nga ulit title nun??" tanong ko sakanya, nakita ko iyon kanina na hawak niya eh, habang nasa biyahe.
"yung, how to court a girl right," nahihiya niyang sabi, yumuko pa ang bwiset. ang cute niya mahiya, minsan lang kasi siya mahiya eh, medyo makapal rin kasi ang balat niya.
"ikaw ha, pabasa basa ka pa eh, okay lang naman sakin kahit anong gawin mo," nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya
"all you need to do is be you. prove that your intentions are pure at maging sincere ka sa feelings mo sakin, sapat na saakin iyon." tinignan naman niya ako, kaya hinila ko na siya.
baka hanggang mamaya ay nandito lang kami e. "tara na,"
pumasok na kami sa grocery at di ko naman ni-expect na ganoon pala kasikat si jaemin, kilala siya ng mga tao dito.
"sorry, i really can't take pictures right now so please if you'll excuse-"
"anobayan! ikaw pa naman paboritong member ko sa nct tech! ganiyan pala ang ugali mo?" pag-complain ng babae kay jaemin.
ano bang problema niya?! di niya ba maintindihan na nagmamadali kami?
"oo nga! ganyan pala ang ugali mo kaya nagawa kang ipagpalit ng girlfriend mo dati para sa kaibigan mo! ano nga ulit pangalan nun?"
"don't you ever say her name again, especially when you're in front of me. i'm sorry kung ganiyan ang tingin ninyo sa ugali ko. i don't care, it's your opinion anyway. and you're not the only one who knows us, there are lots of you," pag i-ingles ni jaemin,
"at ano ulit? pangit ang ugali ko? sige nga, sino ang pangit ang ugali saating dalawa? ako na nanghingi ng maayos na pasensya dahil di ako puwedeng makipag picture sainyo o ikaw na nagpupumilit at di mapakiusapan?" mahinahon niyang sabi.
"so, if you'll excuse us," sabi niya at lumakad na kami palayo dun sa dalawang babae.
"anong nangyari dun?" tanong ko sakanya, i'm confused as hell. i don't have any idea what is happening.
"well, kung nagtataka bakit sikat ako, dahil yun sa dance group naming magbabarkada dati." pag uumpisa niya.
"nct that stands for neo culture technology, may tatlong unit. nct neo, nct culture, nct tech."
"nakikipag compete kami sa national competition tapos makikipag compete nun kami dapat international, first time namin yun kaya super naghahanda kami kaso biglang may kaahasang nangyari," pagkatapos niya sabihin yung kaahasan part ay natawa siya.
"yun lang, gwapo ko parin," biro niya, oo biro yun, di naman siya gwapo eh, "tara na nga," pagkatapos ay hinila niya ako, hilaan kami eh.
"min, bili na tayo ng ointment para sa sugat ni sana," sabi ko sakanya.
"sige, tapos, bili na rin tayo ng mineral water," suggest niya, eh?
"sa grocery nalang, baka lasang gamot tubig dito," binulong ko pa sakanya kasi papasok na kami ng drug store.
"sige, sabi mo eh, kung anong gusto mo," sabi niya at nakangisi pa, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ha?
usually kaya ganun. syempre nakapaligid yung gamot kaya maglalasang gamot.
"miss, ointment para sa cat scratch, meron kayo?" tanong niya dun sa pinakaunang trabahador na nakita niya.
"Opo sir sandali lang po," sagot nung babae at naghanap doon sa may cabinet nila. "ito po sir, isa lang po ba?" sabi niya at abot ng isang rectangular na maliit na box.
"dalawa mo na, magkano lahat?" taning ni Jaemin at nilabas ang wallet niya, aba mayaman ang lolo ninyo.
"P150.64 po sir," sabi ng babae at nag abot naman ng dalawang daan si Jaemin, "i recieved P200 po sir," ngiti noong babae.
kinuha na ni Jaemin yung plastic ng ointment, "keep the ch-"
bago niya pa masabi yun ay inunahan ko na siya, "ano ka ba? Sayang naman yung P49.36. every peso counts no! kung ayaw mo yung sukli mo, sakin mo nalang ibigay," pagsermon ko sakanya.
slight namang natawa iyong cashier sa sinabi ko, "oo nga naman po sir, tama naman po girlfriend niyo eh," sabi niya tsaka binilang ang sukli namin.
"eto po ma'am, ayaw po kasi ni sir kaya sainyo ko nalang ibibigay," sabi sakin nung cashier at binigay ang sukli kong nakapatong sa resibo.
"thank you," sabi ko dun sa babae at hinila ko na si Jaemin palabas.
wala na kaming pinalampas na oras at kaagad na kaming dumetetso sa grocery upang mamili ng makakain. Pumipili kami ng products nang biglang may tumawag saakin.
"yi!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa nickname ko, isang tao lang ang tumatawag sakin niyan.
umikot ako upang makita siya, "blake?"
![](https://img.wattpad.com/cover/142201057-288-k819434.jpg)
BINABASA MO ANG
ephemeral
Novela Juveniltypical playboy falls in love with a girl he just met. ✹ nct dream taglish fanfiction ✸ na jaemin ✶ completed | revised & unedited byr - this story might make you wanna throw up so dni if you can't handle over the roof typa cringe. i wrote this w...