18

642 26 70
                                    

PJY.

"yiyeon!" sigaw niya at tumakbo papalapit sakin.

"kelan ka pa nakauwi? kamusta england ha?" tanong ko sakanya.

"well, it's fine. if you'll ask love," biro niya at nagbritish accent pa.

"kaso nakakabagot kasi wala akong kasama, wala ka kasi eh." sabi niya at kinindatan ako, di niya ba alam na nakakadiri?

"nakakadiri ka alam mo yun?" at pinagikutan ko siya ng mata.

"sino kasama mo?" tanong ko sakanya, mukha rin namang magisa siya dahil wala akong nakikitang kasama niya. sa tingin niyo ba iisipin ko na magisa siya kung may kasama siya?

"ako lang eh, how 'bout ya?" tanong niya sakin.

"well, i'm here with..." umikot ako para maituro si jaemin nang makita kong wala na siya sa likod ko, saan pumunta yun?

"teka? asan na?" tanong ko at naghanap.

"you mean the guy that was behind you all this time?" ayan nanaman siya sa pag english niya.

tumango nalamang ako sa tanong niya. "umalis siya e, lumiko yata dun," sagot niya at may tinuro turo pa.

"ah sige, next time nalang blake! hahanapin ko pa yun eh! bye!" sabi ko bago iwanan si blake.

"see you around love!" napailing nalang ako sa endearment niya sakin, hanggang ngayon talaga'y iyon ang tawag niya saakin nako.

ngayon, abala ako sa paghahanap kay jaemin. halos lahat ng madaanan ko na corridor, tinitignan ko kung andoon ba siya, san ba nagsususuot yun?

"done talking with your love?" biglang salita ni jaemin na sumulpot sa likod ko.

"ha? ano ba'ng pinagsasabi mo ha?" nalilito ko'ng tanong sakanya.

dina naman siya sumagot at hinila ang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay habang ang kanan naman nakahawak sa cart.

sa tingin ko, nakakuha na siya ng lahat ng pagkain na kakainin namin at magbabayad nalang.

pagkarating namin sa tapat ng counter ay di niya parin tinatanggal ang hawak sa kamay ko.

kinukuha niya yung wallet niya na nasa kaliwang bulsa kaya kitang kita ko na nahihirapan siya.

tatanggalin ko na sana yung paghawak niya sa kamay ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak rito at pinagsikapan talagang kunin ang wallet niya.

sinabi ng cashier kung magkano lahat at ayun, hirap siya sa pagkuha ng pera pero di siya nag-abalang bitawan ang kamay ko, parang ewan eh, pinapahirapan yung sarili.

kumuha siya ng cart para di kami mahirapan sa pagbitbit ng mga pinamili namin palabas ng grocery.

pero, kumuha nga ba kami ng cart para di kami mahirapan sa pagbitbit kahit mukhang magaan lang naman ang mga to o ayaw niya lang talaga bitawan ang kamay ko?

ayan, asa nanaman eh jiyeon.

sa isang iglap ay nakarating na kami kaagad sa harap ng sasakyan, nilagay niya iyong mga pinamili namin, gamit ang isang kamay kasi nga, hawak ng isa ang kamay ko.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon