NJM.
"kamusta na kayo nung ano, ano nga ba ulit pangalan nun?" tanong ni jeno habang naglalakad kami sa corridor ng eleven, stem.
"jannica?" pagsabi ko sakanya ng nakalimutan niyang pangalan. pangalan ng naging girlfriend ko nung isang araw.
"oo iyun nga, so ano nang nangyari?" curious na tanong niya.
"wala na." cool ko'ng sabi. cool ako e bakit ba?
"what do you mean, 'wala na'?" tanong niya.
"wala na, break na kami." sabi ko sakanya at pumasok na kami sa classroom. buti na lang at kami palang ang tao sa university kaya di kami nahirapang makapunta sa classroom, dahil kapag nandito na ang mga fangirls namin bago pa kami pumasok ay ubos na kami. hirap maging gwapo diba? sayang, yung nagbabasa ne 'to di yun na e-experience
bago pa makapagsalita si jeno, sumingit na ang lalaking hindi nakikita sa dilim.
"wala naman nang bago diyan kay jaemin e, araw araw paiba-iba ng babae, tsk." sabi ni haechan.
"problema kasi sayo, walang nagkakagusto, hirap mo kasi makita pag pinatay yung ilaw e." pambabara ko sakanya.
"inano ba kita ha?!" sigaw niya at akmang susuntukin ako.
"ops. tama na yan, pareho lang naman kayo'ng pangit dahil--"
hindi natuloy ang sasabihin ni jeno nang may dumating na daga'ng maliit ang mata.
"oo, dahil ako lang naman ang pinakagwapo dito." singit ni jisung.
at nakarinig naman ako ng tawang napakasakit sa tainga, ang tinis ng tawa na parang may dolphin na naglalakad sa lupa.
"hahahaha! paro-paro, shrimp-shrimp?!" tawa'ng tawa na pagpasok ni chenle sa classroom kasabay si renjun, na paniguradong nag-joke nanaman kaya suportado siya nitong si dolphin laugh.
"diba?! nakakatawa! hahahaha!" Sabi ni renjun na tinatawanan ang sarili niyang joke, siya na, siya na mapagmahal sa sarili.
"manahimik nga kayo'ng mga pangit kayo." sabi ko sakanila.
"wow, nagsalita." sabay nilang sabi.
"talaga?!" rinig ko'ng sigaw ng isang boses papasok sa classroom namin.
nakita ko'ng papasok ang kakambal ko'ng si eunji na may kasamang di pamilyar na babae, transferee siguro kaya ngayon ko lang nakita.
"oo, pero shh ka lang ha?" sabi naman sakaniya nung babaeng kasama niya.
"halika, dito ka umupo sa tabi ko, para mamaya, pagdating nung dalawa ko pa'ng kaibigan, maipakilala kita." aya ni eunji, doon sa babae.
"sige, salamat." pagpapasalamat niya sa kapatid ko.
"pst, eunji." pagkuha ko ng atensyon niya, ay nila pala, dahil sa sobrang kagwapuhan ko, pati yung kasama niyang babae ay napaharap.
"oh! noona! nandito ka na pala." sigaw ni jisung sabay lapit sa babaeng kasama ni eunji.
"jisung.." tawag sakanya nung babae.
"noona, mga kaibigan ko." sabi ni jisung sabay turo saakin.
"ahh.. kaibigan mo pala sila." ngiti noong babae saamin.
tinignan ko naman ang kapatid ko. nakita ko ang pagmamataray niya.
dati rati, ayaw niya mahiwalay saakin. ngayon, ni langhapin ang parehong hangin na nilalanghap ko, ayaw na niya.
"ano?" walang gana niyang tanong.
"bakit di ka nalang sumabay sakin kanina?" tanong ko.
"nakikita mo to?" sabi niya at tinuro ang mga paa niya. tumango ako dahil nakikita ko naman talaga, di naman ako bulag diba? "meron din ako diba? kaya ko'ng maglakad papunta dito at hindi ko kelangan ng tulong mo, at isa pa, ayaw rin kitang nakakasama, alam mo kung bakit? dahil baka mahawa pa ako, sa kalandiang taglay mo." sabi niya saakin at iniraoan ako, at nilagay ang earphones niya sa kaniyang tenga.
ang sakit, tagos sa bones. pero okay lang, ganyan naman yan e, sanayan lang.
"boom!" pang-aasar ng limang pangit saakin.
"meron yata si eunji ko?" tanong ni jisung habang nakatingin sa kapatid ko na ngayo'y busy sa cellphone niya.
"baka nga meron siya." sagot ni haechan.
"sana may magawa ako para makatulong sa buwan buwan niyang paghihirap." sabi ni jisung habang naka salumbaba at nakatitig sa kapatid ko.
"drama ka pa diyan, torpe ka naman." asar sakaniya ni jeno.
"yabang neto under naman kay sana." sabat ni renjun.
"wow, eh kung tawagan ko kaya si jalene ngayon para sabihin yung kaanuhan na ginawa mo kanina?" pang black mail sakaniya ni jeno.
"wala naman akong ginawa ha? natural lang na tutulungan ko yung babae kasi natapunan ko siya ng frappe ko!" pagsigaw sakaniya ni renjun.
"anong sinabi mo renjun?!" sigaw ni jalene papasok ng classroom.
"paktay na!" sigaw ko.
"takbo na!" sabi ni jeno, at sumunod naman si renjun sakaniya.
parang bata silang nagtatakbuhan sa loob ng classroom.
"sana!" tawag ni jeno sa gelpren niya.
"heh! dun ka nga! di mo ako sinundo! paliitin ko ilong mo eh!" tampong sabi ni sana kay jeno.
"babe naman e, si jaemin kasi nakiusap."
"edi dun ka kay jaemin! jaeno naman diba? nomin?!" paselos na sabi ni sana.
"kayo na may lablayp." sabi ko sa sarili ko, hindi ako nag ha-hallucinate. feel ko lang kausapin sarili ko.
"edi kung hindi ka nagloloko may lablayp ka rin?" pag thought crash ni jisung sakin. thought crash, kasi iniisip ko lang yun.
"edi kung di ka torpe kayo na ni eunji ngayon?" karamahan lang par.
"sabi ko nga, mananahimik nalang ako," sabi niya at umupo na sa designated seat niya.
nagsidatingan na rin ang iba pa'ng pangit naming kaklase kasi syempre, di naman pwedeng kami kami lang yung magkakaklase diba? ano kami sinuswerte?
dumating na rin ang prof kaya nag goodmorning kami.
"good morning, mister. kim chi." sabi naming lahat, in chorus.
"good morning, all of you can take your seat now, except for miss. jiyeon park. please introduce yourself to everyone." sabi ng prof.
nakita ko namang pumunta sa harap iyong kausap ni eunji kanina. jiyeon pala ha.
"er- good morning, everyone. i am park jiyeon, but you can call me yeon. i am already seventeen years old, but will turn legal this coming october. i hope to be friends with all of you and.... thats all." sabi niya at akmang babalik na sa upuan niya nang tawagin siya ulit ni mr. kim.
"any hobbies miss park?" dagdag na tanong ni sir.
"uh- i love reading books, i also like playing the guitar and i kinda like dancing too," sabi niya na parang kinakabahan pa.
"oh, hope to see those talent of yours, you may now take your seat." sabi ni sir sakanya.
i don't know what's up or what the heck is happening but i can't take my eyes off her.
buong klase ata siya lang tinignan ko. ano, nabaliw na jaemin? nabaliw?
BINABASA MO ANG
ephemeral
Teen Fictiontypical playboy falls in love with a girl he just met. ✹ nct dream taglish fanfiction ✸ na jaemin ✶ completed | revised & unedited byr - this story might make you wanna throw up so dni if you can't handle over the roof typa cringe. i wrote this w...