19

596 22 58
                                    

PJY.

"eonnie!" rinig kong sigaw ni eunji at tumingin sakin.

nasa likod sila ng van ni jisung at ayun nilapit niya ang mukha niya sa amin.

"free ka ba tomorrow?" tanong niya. ano nanaman kelangan nito?

"bakit?"

"yung kaibigan ko kasi sa ibang bansa dumating!" excited niyang sigaw.

"ibang bansa?" tanong ko sakanya.

"nag-aral ako dati sa england nung sixth hanggang eight grade kasi parati kaming nagaaway niyan." sabi niya sabay nguso kay jaemin na ngayo'y mahimbing ang tulog,pareho sila ni renjun.

"kaya ayun, dun ako nagaral kasama yung tita at tito ko na walang anak," explain nya.

"tapos nag-dm sakin yung kaibigan ko sa england na dumating na daw siya. kaya magkikita kami."

"ikaw nalang pag asa ko kasi si sana aalis, kasama si jeno. si jalene naman may tutor sa english bukas ng hapon hanggang seven ng gabi."

"sabi ko kasi the other day nalang eh," sabat ni sana.

"oo nga, kaso ayaw niyan. atat na atat na kasi makita yung payatot na taga england," pag cat-call ni jalene dun sa kaibigan ni eunji.

"oo nga, nakita ko yun once nung nag video call tayo eh, ang cute ng tawa niya," pagkasabi na pagkasabi ni sana nun ay tumikhim naman si jeno, "pero mas cute ka,"

"oo tapos yung ngipin niya pa parang si jungwoo," sabi naman ni jalene.

okay so ako lang pala di nakakakilala dun sa lalaking iyon. "ano nga ulit pangalan nun?" tanong niya kay eunji.

"hoy, may mga lablayp na kayo ha, wag kayong ano diyan," pagtataray ni eunji sakanilang dalawa, "blake kasi, masyado niyo kinakalimutan eh," sabi niya.

"ay oo nga pala! blake," sabi ni jalene nang maalala niya ang pangalan ng lalaki.

"blake?!" napasigaw ako ng wala sa oras ng mag sink-in sakin ang pangalan ng kaibigan niyang taga england. "blake as in blake kim?!" triggered ko'ng sigaw.

"yes po, bakit mo siya kilala?" curious na tanong niya.

"pinsan niya yun, yun pala iyong ayaw mo ipakita saakin ha?" sabi naman ng nagising na si na jaemin.

"paano mo naman nalaman?" mapang-imbestiga na tanong ni eunji sa kapatid.

"kasi gwapo ako," walang kwenta niyang sagot.

"ahh, edi hindi totoo?" sabi ni eunji at sumandal nalang sa upuan.

"totoo yun," sabi ko, "magpinsan kami."

"magkapatid ang mommy ko at ang daddy niya, tapos magkapatid naman si daddy at ang mommy niya," pag explain ko sakanya.

"really?! kaya pala park middle name niya," may pa sudden realization si eunji at tinanguan ko siya.

"ang cool naman noon?" Nabibilib niyang tanong, "i have never knew that kind of a family tree, until now."

"edi pakasalan mo ako," pagsabat ni jisung sakanya.

tinignan naman sakanya si eunji "luh? anong connect?" tsaka niya inirapan si jisung.

"ganon din kasi kami ni jisung."

"pero siya naman, magkapatid ang daddy ko at daddy niya tapos mommy ko at mommy niya ang magkapatid."

"nag-iisang babae ang mommy ni blake sakanilang magkakapatid at nagiisang lalaki naman ang daddy niya, tapos only child pa siya," sabi ko.

"ah ganon ba."

tumango naman ako.

"sige tulog muna ako," sabi ni eunji at sumandal sa upuan.

kinuha niya ang unan kay jisung at yun ang pinagpatungan niya sa ulo niya.

"wag ka sasama ha," sabi bigla ni Jaemin.

"ha? anong wag sasama?" tanong ko, napaka random naman kasi ng tanong niya.

"sag ka sasama sa pagalis ni eunji. si jisung nalang pasamahin mo, ako na bahala," demanding rin to eh.

"bakit? nagseselos ka nanaman kay blake? nako jaemin ha, immaturity na yan," sabi ko.

"di ako nagseselos," sabi niya at tinalikuran ako.

di daw pero halata naman na nagseselos. "oo nga pala," sabi niya at bigla biglang humaharap saakin, "may load ka ba? pa-text ako," sabi niya at kukunin sana ang cellphone ko pero pinigilan ko siya.

"teka, teka, full storage na ako, kaka selfie niyan si jalene, mag dedelete muna ako ng videos," sabi ko at pinunta sa file manager ang cellphone ko.

nagbura na ako ng mga kung anong videos at binigay ang cellphone ko sakanya.

"subukan mo lang mag text ng babae mo diyan. di ka na aabytin bukas."

"si mama po ying itetext ko boss." sabi niya sakin. "tsaka, i am a changed man."

"i changed since you came."

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon