14

958 38 80
                                    

PJY.

pagkatapos ko maghilamos at mag pajama ay hinanda ko na ang sarili ko upang matulog.

gabi na rin, at napagod rin ako sa prom kanina. pero, di ko parin makalimutan yung pag confess namin ni jaemin sa isa't isa kanina.

mga nine natapos iyong prom at kasabay ko'ng umuwi sina eunji, haechan... pati na rin si jaemin. dapat talaga ay papasundo ako sa driver namin, pero nagpumilit si jaemin na isabay ako.

ayos sana eh, ayos lang sana kung sasakyan nila, pero sasakyan nina haechan yun, tapos nakisakay na nga lang, magsasakay pa ng iba. makapal din balat nun eh.

pagkatapos ko i-set ang alarm ko ay humiga na ako sa kama, at naghanda na sa pagtulog ko nang biglang may tumawag sa cellphone ko, si eunji.

"eonnie, pagbuksan mo kami ng gate please, di ko na kinakaya yung dalawang to, iba yung asal kapag madaling araw, mas nagiging wild!" sabi ni eunji pagkasagot ko sa tawag. naguguluhan ako, anong wild?

"ano?"

"anong "ano" eonnie? dalian mo eonnie, bago pa ako anuhin ng mga to!" nag freak out niyang sabi.

may bigla naman akong narinig na nagsasalita sa kabilang linya.

"hahahaha! tignan mo yun oh! ang pangit mo! bakit kulay green ka? puro wrinkles ka pa! recommend ko sayo si dra. belo. kasi, only belo, touches my skin! who touch yours?" boses ni jalene ang naririnig ko.

"oy! dahon yan eh! wag! wag mo kainin, jusko!" rinig kong bawal sakanya ni eunji.

"jusko. nagmamakaawa ako. alam kong walang pakealamanan sa subdi pero manahimik naman kayo, mag-unos dili kayo ha, hintayin niyo alo diya'ng mga bwiset kayo," sabi ko sakanya at pinatay ang tawag bago bumaba at magpunta sa labas.

pupunta sila nang di magsasabi eh no? tapos, parang di pa sila napagod sa prom kanina. ay sabagay, wala naman silang masyadong ginawa, umupo lang. ako kasi, may kung ano pang pinagawa sa mga nanalong queen and king.

pagkababa ko sa may living room, tumakbo na ako kaagad para pagbuksan sila ng gate.

"ayan! salamat naman at dumating ka!" pagpapasalamat ni eunji na may bitbit na punong punong bag at ng mga pagkain.

may dala pa siyang ice cream na paniguradong lusaw na sa mga oras na 'to, kawawang ice cream.

pagkabukas ko sa gate, kinuha ko kaagad sakanya yung pagkain, "ay ganon, so pagkain lang talaga di mo ako tutulungan?" pagmamaktol ni Eunji.

"sorry," pag peace sign ko pa sakanya. "hoy pumasok na kayo," pagtawag ko sa dalawang bangag na kung ano ano ginagawa.

"yay-"

"ano ba, wag ka maingay okay, di niyo block to," sabi ko kay jalene habang tinatakpan ko yung bibig niya.

parang ewan kasi e, alas onse na ng hatinggabi tapos sisigaw pa siya? aba sino niloko niya? buti nalang at wala si mama ngayon, kung hindi ay mapapagalitan kami, "teka nga, bakit ba kayo nanditong tatlo?" pagkuwestiyon ko sa biglaan nilang pagpunta sa bahay.

sabay namang tinuro nina sana at jalene si eunji, "hala ako? bakit ako?" sabi niya na tinuturo pa ang sarili niya.

"ako nanaman ba? ako nanaman iyong may kasalanan sa nangyayari?" pag-iinarte niya.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon