special chapter 02

666 21 98
                                    

NJM.

"ano ba naman kasing ginagawa natin dito." inis na bulong ni eunji.

"birthday nga ni xiana tsaka sage diba?!" sagot ko sakanya.

"alam ko. pero ang yaman yaman niyan ni jeno tapos gagawa gawa ng party dito sa may garden nila. parang ewan naman." inikot niya pa ang mga mata niya saakin.

gusto kasi surpresahin ni jeno yung mag-ina niya. pero dahil matagal na daw gusto ni sage ng treehouse. nagpagawa siya sa may garden bila habang nagbakasyon sina xiana sa magulang niya.

"nako, ang daming reklamo." parinig sakanya ni jiyeon.

"pinanganak talaga yang reklamadora." dagdag ko sa sabi ni jiyeon kaya inirapan kami ni eunji.

kinuha niya sa kamay ni jiyeon si jimin na mahimbing na natutulog sa kamay ng nanay niya.

"ako na dito sa mga bata, kayo na dyan." utos niya saamin at pumunta sa may baba ng puno kung saan may picnic set-up.

"malapit na daw sina xiana!" pag-alerto ni jeno saamin.

chill lang naman kami, kasi sanay na kami dito sa mga surprise surprise na to. ginagawa na namin to sa isa't isa magmula highschool.

***

narinig naming bumukas ang gate sa harap kaya nag-ayos na kaming lahat.

"mommy, why is there no light po? brownout po?" tanong ni sage sa nanay niya.

"i don't know baby. daddy said he's already at home na-"

bago pa matapos ni xiana ang sentence niya, pinutok na namin ni renjun ang mga party poppers at kasabay noon ang pagbukas ng mga christmas light na nakapalupot sa treehouse.

"happy birthday!" sigaw naming lahat.

"wow!" sigaw ni sage at lumapit sa treehouse niya.

nilapitan naman ni jaeyeon si sage, "uncle jeno gave that to you! isn't that awesome?!" sigaw niya sa harap ng kaibigan.

nagulat naman si sage sa sigaw ni jaeyeon kaya hinarap niya ito, "jaeyeon!!!" yakap niya sa anak kong panganay na mana saaking gwapo.

"i missed you!" sabi ni sage.

"i missed you too." niyakap rin siya ni jaeyeon.

"ops ops. tama na pagtingin niyo sa maga bata! hayaan niyo silang gumawa ng love story nila diyan, kain na tayo!" pagsisigaw ni jalene.

"shh! ang ingay!" mahinang sigaw ni eunji para hindi magising si jimin, pero nag-umpisa na itong umiyak.

"ayan tuloy." irap ni eunji sakanya. sinubukan niya itong patahanin sa pag-iyak pero hindi niya kaya.

"akin na, ako na diyan." kinuha na ni jiyeon si jimin kay eunji para siya na ang mag-patahan sa bata.

***

nag-ayos na kaming lahat ng upo sa lamesa. sayang at wala si chenle ngayon dahil nasa china siya sa buong buwan. si haechan naman, may sakit kaya hindi nakapunta.

"may i get your attention please." sabi ni jeno sa microphone.

"i want to get this opportunity to greet the two important girls in my life, my wife and my daughter." tinignan niya ang mag-ina niyang magkatabi sa lamesa.

"i don't know if there's even a word that can express exactly what i feel whenever i see the both of you in my arms. let's see..." he trailed off.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon