05

1.1K 41 108
                                    

NJM.

"napapadalas ka yata dito sa clinic, jaemin." sabi ng school nurse namin na si miss rina.

"medyo nga po, pero kapag hindi na makulit tong babaeng to, baka mapatagal pa bago tayo magkita ulit." ngiti ko sakanya. close si miss rina pati si mama, kasi nung hospital nurse pa si miss rina, assistant siya ni mama.

"anong ako? eh kung hindi ka na sana humarot kanina?" bulong saakin ni jiyeon, galit pa.

"nako, mukhang lq kayo ah." sabi ni miss rina na may hawak nang cotton, alcohol at bandage.

"hindi po!"

"mukha nga po."

"aba, mukhang complicated pa ah." natatawang sabi ni miss rina samin at nag umpisa nang linisan yung gasgas ni jiyeon.

***

dinilaan ko ang ice pop na binili ko sa canteen.

"salamat, pero galit parin ako sayo." sabi ni jiyeon.

ngumiti naman ako. okay lang kung galit siya sakin. mahalaga, kasama ko siya ngayon.

sabay kaming naglakad pabalik sa calssroom. kitang kita mo talaga yung tinginan ng mga tao saming dalawa eh. pero wala akong pakealam, tingin lang yan. na jaemin ako.

pagpasok namin sa classroom, hinatid ko siya sa upuan niya. "back off. may sugat yan, baka matamaan niyo." sigaw ko sa mga kaklase ko.

"baliw." bulong saakin ni jiyeon.

"kayo na ba, hyung?" tanong ni chenle sakin. issue to.

"kung pwede lang," bulong ko.

"kung pwede lang? type mo siya 'no hyung?" pangaasar ni chenle. ayan nanaman, nawawala nanaman mata niya pag ngumingiti.

"pft, hindi kaya! baka may demonyo lang na bumulong sayo!" depensa ko sa sarili ko.

"wushoo" pangaasar niya at humarap siya kay Jiyeon, "noona! asdfghjkl," di niya nasabi ng maayos ang sasabihin nya dahil tinakpan ko na ang bibig niya.

"ha?" curious na tanong ni jiyeon.

hahahahaha! bahala ka magisip, curiosity kills pa naman.

"wala noona, itatanong ko lang sana kung napano yang sugat mo," pagpapalusot ni chenle na nagpahinga naman saakin ng maluwag. pesteng dolphin na to, kung anu-ano pa ang balak eh.

"aba itanong mo diyan sa pangit mo'ng katabi," taray mode on nanaman siya, yung totoo? may period ba siya araw araw?

"ay hyung pangit ka daw oh," pang po-provoke sakin ni chenle.

"pangit ka diyan, crush mo naman," sabi ko sakanya.

"crush?! baka ako crush mo!" sagot niya.

"paano ko naman nasabi?!"

"araw-araw mo kaya akong inaasar! pagkatapos panay pa lapit ng mukha mo sa mukha ko! chansing ka masyado!"

"hindi pwedeng pinag ti-tripan ka lang?!"

"palusot ka pa diyan! aminin mo nalang na crush mo ako!" aba, mahangin din tong isang to ah.

sisigaw pa sana ako nang si chenle na ang sumigaw.

"sigaw kayo nang sigaw! ganyan din nangyari sa lolo at lola ko kaya nagkatuluyan! hinay hinay sa pag-sigaw, baka bukas kayo na." namumulang sabi niya. parang tinapos lang niya yung rapping career ni taeyong hyung ah.

"ikaw kasi," sisi ko sakanya.

"anong ako?! ikaw!" pag-turo niya saakin.

"alam mo? sigaw ka ng sigaw, isa pang sigaw, hahalikan na takaga kita, totoo na!" pag babanta ko sakanya.

"as if naman na magagawa mo?!" sigaw niya pa, talagang hindi siya natatakot ha?

"ah. di ka talaga natatakot ha?" sabi ko sakanya at nilapitan ko siya.

nilapit ko nang nilapit ang mukha ko sakanya, hanggang maramdaman ko nalang ang labi ko na nasa balat na niya. hindi ko siya hinalikan sa mismong labi niya kundi sa tabi lang, ang swerte naman niya kung ako ang first kiss niya diba?

thirty seconds, di ko parin tinatanggal, di rin naman niya ako tinutulak eh.

"jiyeon- oh," shooketh na pagpasok nina eunji, na naging dahilan ng paglayo ko ng mukha namin sa isa't isa.

tumayo ako at pumunta sa upuan ko. habang nakaupo, tinitignan ko si Jiyeon. pulang pula siya. ganoon talaga ang epekto ko sakaniya ha?

pero- pero bakit mas malakas ang impact niya sakin?

oy, puso, maging normal naman beat mo oh.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon