NJM.
ngayong araw na ang debut ni jiyeon at ngayong araw ko na rin siyang gagawing akin.
"okay na po ba lahat, sir?" paninigurado ng nag mamanage sa lights & music.
tinanguan ko naman siya bilang pag sang-ayon at umalis naman siya kaagad.
medyo kinakabahan ako pero di ito ang tamang oras para magpakain sa kaba, kelangan kong lakasan ang loob ko. ngayon pa ba ako titiklop?
nasa dulo ako ngayon ng hagdan kung saan bababa si jiyeon, maghihintay ako dito hanggang sa ready na siya bumaba. syempre, ako ang escort niya ngayon.
pero sa susunod, sa altar na ako maghihintay, kasi paninuguraduhin ko na ako ang groom niya at siya ang bride ko.
kahit anong mangyari, kahit anong problema man ya'ng dumating, kakayanin ko, para sakanya, para samin.
ano kayang mangyayari nun? ilan magiging anak namin? ano ipapangalan namin sakanila? ilan yung babae? ilan yung lalaki?
kaagad namang namatay ang mga ilaw at ginising ng kantang nagumpisa ang nag iimahinasyon kong diwa.
bumaling ang tingin, hindi lang ako, kundi ng lahat ng tao sa babaeng pinaiilawan ngayon ng spotlight, ang babaeng bumihag sa puso ko.
pagkababa't pagkababa niya ay inialok ko na ang braso ko sakanya at kaagad naman niyang isinabit ang kamay niya rito. kitang kita ko rin ang simangot sa mukha niya.
"bakit ka nakasimangot? birthday na birthday mo eh," bulong ko sakanya.
"una, pumayag akong mag gown kahit sobrang bigat ng gown na to kasi may bakal pa, pa bakal bakal pa kasing nalalaman," inis niyang sabi
"pangalawa, itong nakakairitang makeup na nasa mukha ko. di naman ako sanay ng naka makeup," dagdag niya.
"pangatlo, pinilt ko pa sina mama na mag sneakers nalang at hindi magheels, kasi ayoko ng heels at baka mahulog pa ako sa hagdan. at hindi rin naman kita dahil nattaakpan sa gown," inis niyang pag explain.
"at pang-apat, wag mo akong titignan mula mata hanggang sa labi kundi tatadyakan kita," sabi niya at umupo na sa uupuan niya nang makarating na kami roon.
anong magagawa niya eh ganoon naman talaga ako tumitingin sa mga nagsasalita? may spark nga lang pag siya yung tinitignan ko, idagdag mo pa iyong mga paro-paro sa tiyan ko na nagwawala tuwing nakikita ko siya.
nagumpisa ang debut niya sa pagkain ng mga bisita at sa gitna ng pagkain ay sumabat ang host.
"while our guests seems to like the food our chefs prepared, can we have them some comoany?" pagtanong ni mark hyung sa dalawa niya pang kasamang host.
"can we dance like poppin'?" tanong noong lalaki, seongwoo, in fairness, magaling siya mag pop.
"how funny of you, seongwoo-ssi. we can dance but we won't be poppin. but for now, let's start this precious celebration with some precious messages from people who are treasured by our debutant, let's start the eighteen cupcakes," sabi noong babae na mina daw ang pangalan, may names kasi mga microphone nila wag kayong ano.

BINABASA MO ANG
ephemeral
Teen Fictiontypical playboy falls in love with a girl he just met. ✹ nct dream taglish fanfiction ✸ na jaemin ✶ completed | revised & unedited byr - this story might make you wanna throw up so dni if you can't handle over the roof typa cringe. i wrote this w...