15

800 43 38
                                    

PJY.

"gising na! may bacon and eggs! waffles tsaka pancakes!" gandang bungad sa umaga, dapat talaga ganiyan parati yung bungad pag umaga eh.

"ayan na!" sabi ko at nag stretching muna tumayo papunta sa kusina namin.

naubos namin yung pizza kagabi. dahil di kami makatulog, nanood kami ng movie at lumamon.

tapos yung ice cream lalo lang daw natutunaw sabi ni eunji kaya kinain na namin, paano ba titigas yun kung oras-oras tinitignan niya sa freezer?

sinuot ko na ang tsinelas pambahay ko at pumunta na ako sa kusina namin.

"ano to?!" sigaw ko na ikinagulat nilang lahat.

"eh? hehehehe," sabi nilang tatlo.

paano ba naman eh, parang binagyo yung kusina namin! nagkalat yung egg shells, yung plastic na lalagyan ng bacon, yung boxes.

tinignan ko naman yung ref namin, wala nang laman, pati yung cabinet namin wala nang stocks, "inubos niyo?"

mama, mahihimatay na yata ako.

"yan nalang pagkain niyo eh," sabi ni sana.

"kaya niluto na namin, hehe," ayan nanaman reasons ni eunji eh.

"pwede naman tayo mag grocery eh. sabi rin ni tita, matatagalan siya sa taiwan kaya dito muna daw kami, tsaka bakasyon na rin naman eh," sabat ni jalene.

"sige," sabi ko at umupo na.

napansin ko naman yung mga suot nila. si sana, naka de-tali na shorts na ewan, color navy blue tapos naka plain white t-shirt siya.

si jalene naman ayun, naka jeans tapos naka plain white t-shirt din.

si eunji naman naka white polo shirt na may unicorn patch, unicorn daw siya eh tapos naka shorts din.

san punta ng mga 'to? naka white pa, may lamay ba?

"naligo na kayo?" tanong ko sakanila at sabay sabay naman silang tumango, wow ha.

"nakaligo kayo pero malinis manlang yung kusina namin di ninyo magawa?" sabi ko sakanila at kumain na, nag usap pa sila pero di na ako nakinig sakanila, kumakain ako eh.

sabay sabay kami natapos kumain, "ako na maghuhugas ng plato at maglilinis sa kusina, sayang naman mga outfit niyo eh," sabi ko at nagdiwang naman sila, sino bang may gustong naghuhugas ng plato diba?

pagkatapos ko maglinis, sunod ko namang lilinisin ay ang katawan ko, kaya umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

***

simpleng damit lang ang sinuot ko. nag high-waisted jeans ako at sweater.

nag tuck-in ko para di naman ako mukhang construction worker. di rin naman masiyadong mainit niyan, magdadala nalang ako ng extra t-shirt sa bag para if ever mainitan ako, may reserba.

parang siya, may reserba.

pababa na ako nang may narinig ako'ng may nag aaway sa kusina ng bahay. si eunji at jisung.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon