07

995 41 60
                                    

PJY.

saturday. gagawa kami ngayon ng project ni jaemin.

bakit kasi sa lahat pa ng taong puwedeng makapartner eh, siya pa? nakakainis siya eh. halos araw araw nagpapalit kami ng concept para sa project kasi paiba iba siya ng isip, di na nga makuntento sa iisang babae, di pa makuntento sa iisang concept para sa project, ginigigil niya talaga ako.

tapos ang gulo pa niya, hindi tuloy namin kaagad nadecide-an kung sinong gagawa ng powerpoint, kaya kailangan ko munang pumunta sakanila ngayon.

dapat pala sa stem two nalang ako, andun si jungwoo eh. pero okay na rin yun, atleast may mga kaibigan ako ngayon.

tawagan ko nga muna sandali si eunji.

"yes po?" sagot ni eunji sa tawag.

"gising na ba kuya mo?" tanong ko sakanya.

"wait, lemme check."

"okay."

"gisingin ko lang sandali."

"gege."

narinig ko naman na binaba niya yung cellphone niya somewhere.

"hoy jaemin! gumising ka na! hindi mo ikakagwapo yang pagtulog ng twelve hours!" rinig kong sigaw ni eunji.

ang harsh amp.

"maliligo na daw."

"ah sige."

"oo nga pala, dalian mo daw sabi ni mama. nagluto kasi siya eh, hehe."

"luh, nag-abala pa si tita. pero sige, gusto ko yan." sagot ko sakanya.

"sige babye, ingat." sabi niya bago patayin ang call. talagang bastos na bata to eh.

"ma! alis na po ako." sabi ko sa nanay ko at nagmano bago lumabas.

"hi!" bungad bi jungwoo. at kelan pa siya natutong manggulat?

pero sabagay, kung ganto naman ka gwapo manggugulat sakin araw araw eh why not? "saan punta mo?" sabi niya sabay ngiti, litaw nanaman bunny teeth niya, kainis. bakit ang cute masyado?

"kina eunji lang, bakit?" aagot ko sakanya.

"ah, papasama sana ako sayo eh," nahihiya niyang sabi na may pakamot pa sa batok.

"saan?" tanong ko, pwede ko naman kasi ipagpaliban muna yung pagpunta ko kina eunji para sakanya hihi.

"mall, inutusan ako ni mama," sagot niya. "okay lang naman kung hindi ka pwede e, ako nalang magisa." sabi niya at umaalis na.

pero pinigilan ko siya, hinila ko yung wrist niya kaya napaharap siya ulit.

"sama na ako." sabi ko at ngumiti naman siya, kitang kita nanaman yung bunny teeth niya, okay lang ako, promise.

"talaga?" tanong niya.

"oo nga," sabi ko "kunin ko lang bag ko, para pag may gusto akong bilhin, mabili ko." paalam ko sakaniya.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon