04

1.2K 51 121
                                    

NJM.

tatlo. tatlong araw ko nang tinitiis ang pagkuda ng babaeng ito lalo na ang parati niyang pagsabi saakin ng tatlong salitang i love you.

parang walang araw na hindi niya iyon nasabi saakin. ganon yata talaga siya kabaliw sa kagwapuhan ko.

pero infairness, siya ang naging pinakamatagal kong girlfriend, yung iba kasi isa o kalahating araw lang eh. pero eto matagal-tagal na kung titignan.

"huy!" panggugulat saakin ni renjun, isip bata to e mana sa jowa niya. "iniisip mo nanaman si-"

"hahahaha!" malakas na tawanan ang narinig ko nang dumaan ang kapatid kong si eunji kasama ang mga kaibigan niya. kasama rin nila yung bagong sali sa dance group namin. ano nga ulit pangalan niya? ah, oo. jungwoo. kilala siya ni eunji kasi kinakapatid niya. edi sila na close. sana sila nalang magkapatid diba?

"jalene ko!" tawag ni renjun sa babae niya. babae, kasi papalitan rin niya yan, magsasawa rin siya no. kunwari nga ako lang yung ganun. pero duh, boys will always be boys.

"ano ba? bakit ko kashi ako ginagalit?" pabebeng galit na sabi ni jalene kay renjun. ah, sana all.

tinitignan ko lang sila at iniisip na sana all talaga nang biglang tumunog ang cellphone ko.

iniinis ba ako neto? ako nga naka-asa lang sa wifi ng dorm at university eh! tapos sa akin pa magpapaload? at higit sa lahat tatawagin akong nanay, eh ang gwapo gwapo ko?

pagkatapos nun ay kaagad kong ni-block ang number na yun. baka mamaya madahdagan pa ipaload nun.

pabalik na ako sa classroom nang may natinig akong nag uusap na babae sa women's cr. hindi ako pervert no. eavesdropper lang.

"sis, ano na??" tanong ng isang babae.

aalis na sana ako kasi panigurado namang wala akong mapapala dito, pero bigla kong narinig ang gwapo kong pangalan.

"hindi ba, si jeno yung gusto mo? bakit bigla si jaemin yung jowa mo? sis, yung totoo?"

"sis, nakalimutan mo na ba? i am only using that boy for popularity, para maging prom queen ako! di hamak naman kasi na mas known yung jaemin na yun, kaysa kay jeno." sagot nung babae sakanya. halatang si haina yun. the way the girl speaks? it is irritating. "tsaka, nakakatakot kaya yung jowa ni jeno. balita ko malakas daw mang sampal yun, athlete daw eh."

di ko na pinakinggan yung iba pa nilang usapan. dumeretso na ako sa calssroom at hinintay mag break. dahil mamayang break, break na rin kami ni haina.

***

as i've said, break time. break time na rin namin ni haina.

as i've also expected. before pa ako makalabas ay nasa pintuan na si haina. hinihintay ako.

"hi!" sigaw niya at niyakap ako. napangiti naman ako. this is my time.

i hold her wrist, tightly. then i put it up.

"everybody, can i have all of your attention? this won't take long." sabi ko sa lahat. napatigil naman sila at tumingin sa direksyon ko.

"this girl right here, xin haina." i started. "is a user." i said. people looked confused then they started whispering to eachother.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon