23

489 20 57
                                    

PJY.

"thank you!" pagpapasalamat ni jiral bago bumaba ng stage at lumapit saakin.

"yeon-ah!" sigaw niya at niyakap ako. "it's been what? 3 years?"

"thank you for coming." sabi ko sakanya.

"tampo ako sayo, we've been friends ever since tapos hindi mo manlang ako invite sa birthday mo?" nakapout niyang tanong.

i smiled at her, still the baby jiral i grew up with.

"saan yung escort mo?" tanong niya saakin.

"nag cr lang, baka mamaya babalik na rin yun, papakilala kita." sabi ko sakanya.

tumaas naman ang mga kilay niya, "kayo na?"

napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "ha?"

"a-ah nothing, wag mo nang pansinin yun." tawa niya, "sino nga ulit yung escort mo? i wasn't able to read the invitation. sinend lang kasi sa mail saakin ni tito." sabi niya.

"ah, si jaemin. boyfriend ko."

"ahh, jaemin..." sabi niya at nakangising sinasabi ang pangalan ni jaemin.

may nakakatawa ba?

"pupunta muna ako sa table ha? i will talk to you later." sabi niya at muli akong niyakap bago umalis.

bumalik naman si jaemin at umupo sa tabi ko.

"ano, success ba?" tanong ko sakanya.

tinignan naman niya ako ng questioning look.

"ahh akala ko kasi tumae ka." biro ko, he chuckled.

"umihi lang ako. and i also fixed myself." sabi niya saakin.

"no need to fix yourself, wala namang magbabago, pangit ka parin."

"baka gusto mong halikan ka ng pangit na to?" ngisi niya saakin.

nanlaki naman ang mata ko, "pwede ba? mamaya mo nalang ilabas yang kaharutan mo."

"di ko mapigilan eh. lalo na, nandito ka sa tabi ko." sabi niya, kinurot ko naman siya sa tagiliran.

***
saktong ten o'clock ng gabi ay natapos ang birthday celebration ko. nakita ko naman na papalapit saakin ang mga kaibigan ko.

masiglang lumapit saaming dalawa ni jaemin sina sana at jalene.

habang ang iba naman at si eunji ay parang wala nang enerhiyang papalapit saamin.

"congrats," pag-ngiti ni renjun samin, ang gwapo- joke lang.

"pahiram muna kay jaemin ha?" paalam saakin ni jeno.

sasagot na sana ako ng oo nang si sana ang biglang nagsalita, "kakasagot lang sakanya ni jiyeon, kukunin niyo nanaman." pagtataray niya sa lima

natawa naman ako sa sagot niya, "sige lang," sabi ko kay jeno at umalis naman sila kaagad.

"bakit ka pumayag? kapag sila kung ano ano ang sinabi kay jaemin! pag yan nangaliwa! nako! nako lang talaga!" pagthreat saakin ni sana.

ephemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon