Chapter 1

520 58 15
                                    

ALISHA

The wind slowly blows my long black hair. The floral headdress was blown by the wind. Everyone laughed but he stops and looks at me firmly as he put the headdress back in my head. I smiled again as he held my hand. But that smile turns into tears after he slowly releases me.

"Don't leave me, please. No! Don't leave me! No—"

"Alisha!"

Naimulat ko ang aking mga mata nang makaramdam ako ng hampas sa aking balikat. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang kaibigan ko na nakakunot ang noo at tumingin sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.

Dahan dahan akong umupo at napayuko sa sakit ng ulo ko. Bullets of sweat trickles on my face.

"Masama panaginip mo?"

Panaginip ko? I...don't know... Hindi ko maalala.

"Napaniginipan mo si Blake no? Sus! Miss mo na ba?"

Nilingon ko siya habang nakakunot ang aking noo. Napangisi siya at mabilis na tumakbo sa may bandang pintuan ng aking kuwarto.

"What are you saying, Shauna?" tanong ko habang humalukipkip sa kaniya.

Nagpeace siya at lumabas na ng aking kwarto.

"Alisha, bilisan mo riyan! Si Miss Reyes ang prof ngayong umaga!" sigaw niya pa mula sa labas.

Napabaling agad ako sa oras at agad nanlaki ang mga mata.

Oh, shit!

Mabilis ko na kinuha ang mga gamit ko para makaligo na. Pagkatapos ng orasyon ko ay lumabas na ako ng kuwarto ko.

Pagkababa ay agad akong sinalubong ni Megan. She's holding the plates. Hinahanda na rin nila ang mesa para sa agahan.

"Ay nandito na pala ang disney princess," asar ulit ni Shauna sa akin. Sinimangutan ko siya't lumapit na rin sa mesa para tulungan si Megan.

"Hindi na ba ulit sumakit ulo mo?" ani Megan.

Agad akong umiling. "Hindi naman na."

"How about ipa-check up na kaya natin 'yan, Aly? Baka ano na 'yan e," concerned niyang sabi.

Agad na lang akong napailing. Mapapagastos pa kami. Kagabi ay masakit ang ulo ko pero ayos lang naman. Hindi naman siya sobrang sakit.

"Alam ba ni Ate Alyanna? O ni Alyzza man lang?"

Umiling ulit ako. "Huwag niyo na isipin iyon. Baka dahil lang iyon sa mainit na panahon kahapon."

"Oo nga, Aly! Sunod sunod na 'yang pagsakit ng ulo mo, e. No'ng isang araw, nagpunta lang tayo malapit sa bahay ninyo, agad na sumakit ang ulo mo."

Naalala ko ang nangyari no'ng isang araw. Hindi ko rin alam. Sumasakit ang ulo ko. I just wanted to go near the house without them noticing me. Pero iyon talaga ang nangyayari sa akin.

"Baka dahil sa-"

Hindi natuloy ni Shau ang sabihin nang kurutin ni Meg ang kan'yang braso.

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon