Chapter 7

123 42 1
                                    

ALISHA

Dumating ang tanghali ay nagpaalam akong aalis. Magkikita kami nila Meg para sa isang event. It's just like a fan gathering.

I want to see my old friends which I haven't seen for years now. Huling pagkikita namin ay dalawang taon na ang nakalipas.

May plano sana si Blake para sa araw na 'to para sa aming dalawa but since Megan's plan for today was planned already since last month, nakakahiya namang hindi ako tumuloy.

Good thing Blake was very understanding about it. In fact, gusto niya na rin sumama sa amin mamaya para hitting two birds in one stone daw. Magkikita kami ng mga kaibigan ko and at the same time, magde-date kami.

I also wanted to go because Meg told me na isasama niya ang lalaking ka-text niya noong nakaraan. I am so curious about that guy, okay?! Titingnan ko kung better ba itong ipinalit niya kay Trey.

Blake texted me a while ago. Nasa mall na siya at naghihintay sa akin. I immediately called him nang makapasok na rin ako sa mall.

"Where are you now?" Linga ko sa paligid.

I saw him looking around too. Nasa gilid siya ng escalator ng matanaw ko. He's wearing his typical white shirt and dark jeans. Nang makita niya ako ay agad niya akong nginitian.

"Hi! You look good." Bungad niya.

Ngumiti ako. "You too. By the way, kanina ka pa?"

Mabilis siyang umiling. "Actually ngayon lang din ako nakarating. Sabi ko naman sa'yo na ako na lang sumundo sa'yo."

Inangkla ko ang braso ko sa kan'yang braso.

I told him about my friends while paakyat kami sa event place. He listens to it naman kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Actually, last last year kami huling nagkita. Nakakalungkot nga minsan na puro video calls nalang kami."

"Hmm, atleast now. You can see them."

Ngumiti ako at kinurot ang pisngi niya.

"Kaya nga, I'm thankful dahil pumayag ka."

Ngumuso siya at nginisihan ako.

"Kung ganyan ka kaexcited na makita sila, can I afford to change the mood? I understand, Aly."

Ngumiti ako lalo. The ecstatic and satisfying feelings that he gave to me were the reason why I couldn't stop myself from smiling.

Nang nasa tamang floor na kami ay rinig na rinig ko na ang mga tugtog. I suddenly feel excited about it!

"I heard, may bagong transferee? Sa room niyo ata ilalagay. Matalino raw 'yon," biglang aniya. Napangiwi ako.

Month of August? Transferee? Lakas!

"I don't know about it yet. Kanino mo nalaman?"

"Kay Trey. Baka talkshit na naman 'yon."

Natawa ako. "I'll ask Meg about that."

Speaking of—

"Blake," tawag ko. Bahagya siyang lumingon sa'kin. Napanguso ako. "I think Megan is dating someone right now."

Natawa siya. "Kawawa naman ang kaibigan ko kung ganoon."

Natawa rin ako. Trey publicly express his feelings to Megan. I thought there was a progress before pero base sa nakikita ko ngayon, the chances are very low.

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon