Chapter 9

126 44 1
                                    

ALISHA

Ngumiti ako nang matanaw ko ang papalubog na araw. I almost jumped after he tickled my waist.

"Harap ka rito!" I heard his voice.

Nilingon ko siya. Nagulat ako sa kanyang hawak.

"Woah! Mayroon ka nito? Ang mga kapatid ko mayroon nito," gulat kong saad.

"How about you?"

Natigil ako sa pagsasalita, napatitig sa polaroid. "Wala..."

"Ikaw na humawak. Ayaw ko na rin niyan. Ibibigay ko sa'yo 'yan, pero sa akin na ang litrato."

Nanlaki ang mga mata ko at sobrang nagalak. "Talaga?!"

Ngumiti siya tumango. Ginulo niya pa ang buhok ko kaya ngumisi ako.

We posed and captured every moments.

"Harap ka sa akin tapos dyan ka pumwesto." Turo niya sa bench.

Tumango ako. Nasa likod ko ang papalubog na araw, at nasa harap ko siya.

Masakit na naman ang ulo ko pagkagising. Mariin ang hawak ko rito at napayuko pa sa kama. Akala ko nasasanay na ako sa ganitong sakit ng ulo pero parang mas lumala pa ata ngayon!

Pinagpawisan ako nang sobra sobra hanggang sa nawala ang sakit ng ulo ko. Napalunok ako at bahagyang kinabahan.

Kakaiba ang sakit ngayon kaya napapikit ako.

Hindi ko na naman naalala ang mga panaginip ko!

Hindi ko naiintindihan. Tuwing may panaginip akong ganoon, sumasakit ang ulo ko. Hindi kaya nagkaamnesia ako?

Shit. Gaga! Saan ka naman nabagok, Alisha!

Nagpunta ako sa banyo. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Habang patuloy ang nagtotoothbrush ay biglang may pumasok sa isip ko.

Polaroid!

Yeah! I remember it! May polaroid na ibinigay sa akin!

Pero...

Who gave me that?

Shit, Alisha! Panaginip lang 'yon! Don't make it a big deal!

Dreams are just dreams!

Bumaba na ako ng matapos ako sa sariling ritwal. Nakita ko si Megan na kumakain. Nagulat pa siya nang makita ako.

Usually kasi, kapag walang pasok, late ako gumigising.  Umupo ako sa harap niya at kumuha ng hotdogs.

"Aga mo?"

Nagsimula na akong maglagay ng tubig sa baso.

"Ah! Pupunta ako ng bahay..."

Inilapit niya ang upuan sa mesa.

"Ayos na talaga kayo? Paano nangyari?"

Nginitian ko siya at inalala ang nangyari kahapon.

"Nag prepare siya ng breakfast ko. At...humingi siya ng tawad sa nagawa niya."

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon