ALISHA
Nagising ako sa malakas na kalampog sa pinto. There's something falling. I immediately stand up and go outside.
Akala ko si Shauna ang nandoon. But I realized, nasa bahay ako ngayon at wala sa apartment.
I sighed and opened the door.
Ngunit, laking gulat ko nang makita ko si Mom. Hawak ang isang tray na may lamang pagkain. Nasa baba ang kanyang paningin pero nang nabuksan ko na tuluyan ang pinto ay nag-angat siya ng tingin sa akin.
Lito akong nagbaba ng tingin. Nakita kong may mansanas doon sa sahig.
"Oh, pasensya na. P-Papalitan ko lang," she hurriedly said. "You s-should eat your breakfast now. It's late already."
Lito pa rin ako, lalo na noong inilahad niya sa akin ang tray na hawak niya.
Kunot noo akong kinuha iyon. She slightly smiled at me, bago siya tumalikod sa akin.
Napakurap ako at napatingin sa hawak na pagkain. My tears suddenly formed in the corners of my eyes.
Naalala ko ang nangyari kagabi. We had a big fight. Kagabi lang iyon nangyari. After that, narinig kong sila ang nag-aaway roon. And I am here in my room. Crying helplessly.
Inilapag ko ang tray sa table na nasa loob ng kuwarto ko. Nanatili akong tulala. After that fight last night. Hindi ko aakalain na nandito siya sa harap ko, may hawak na pagkain, at ngumiti pa sa akin.
All my life, I've been dreaming for this to happen.
Habang tinitingnan ang omelet, hotdog at isang basong orange juice sa harap ko ay mas lalong nangilid ang luha ko.
I pinch my cheeks more to confirm if I'm dreaming or not pero gusto kong batukan ang sarili sa sariling katangahan. Dahil nasaktan ako ay totoo nga ito! Gising ako at nangyayari ito!
"Bakit hindi mo ginalaw ang pagkain mo?" Halos mapatalon ako nang marinig ko ulit ang boses niya. Agad akong napaupo sa harap ng table. Kumuha ako ng omelet at uminom ng tubig.
"Dahan-dahan lang."
Parang mas nabulunan ako. Ano ba 'to! Pati ang luha ko ay nag uunahan sa pagbagsak. I immediately wiped it out. Uminom rin ako ng juice.
Bakit siya nandito? At bakit siya nandito sa kwarto ko?!
Napatitig ako sa kan'ya. Nakatingin lang din siya sa akin.
I find it awkward kaya nagbaba ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa pagkain.
Pero tumayo siya at tiningnan ang mga gamit ko sa loob ng kwarto ko.
I grab that opportunity to stare at her. Bawat expression, bawat kunot ng noo, bawat galaw, pinagtuonan ko ng pansin. Kailan ko nga ba nagagawa ang ganito?
I remember the words she said to me last night. It hurts me again. I remember the words she said to me the day before I left. It hurts me more. And I remember again those words she told me when I was younger.
Walang kuwenta. Walang silbi. Black sheep.
Hindi ko namalayan na nangilid muli ang luha ko. Mabilis ko 'yong pinunasan at nagtuloy sa pagkain kahit pilit na tumatakas ang luha sa mga mata ko.
Muli kong sinulyapan si Mom pero nasa picture frame ko siya nakatingin. Katabi ng picture frame na 'yon ang picture namin ni Blake!
Para akong pinagsakluban ng kaba.
Pero nagulat ako ng sinulyapan niya lang 'yon at mas itinuon ang atensyon sa litrato ko.
Napayuko ulit ako at tinapos na ang pagkain. Nang nakainom na ako ng tubig ay ang saktong paglingon niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The One I See
RomanceDream Series #1 - Dreams are something you never think that will come into reality. Not until it will ruin your life and make things more complicated. Alisha Yuri Cruz never knew that she experienced a traumatic past that caused her to have amnesia...