ALISHA
Natapos ang event ng alas sais. Unang umuwi si Megan dahil tinawagan siya ng Mommy niya at pinapauwi. Hindi ko na tuloy nakita ang kalandian niya.
Nagdinner kami ni Blake sa isang fast food chain dito lang din sa mall. Pagkatapos ay nanood kaya ng sikat na scifi movie sa sinehan.
It was fun indeed. This day I think is the best so far after that 5 months of loneliness.
Nasa apartment kami ngayon at naglalaro ng cards nila Shauna nang tumunog ang cellphone ni Blake.
Sumulyap muna siya sa akin. Sinenyasan ko siyang sagutin 'yon. Nagpunta muli ako sa sala at pinagpatuloy na lantakan ang pizza na bigay ni Shau dahil hindi namna namin maipagpatuloy ang paglalaro.
Nasa labas na si Blake. Medyo matagal pa bago siya nakabalik.
Nakita kong nagpang abot ang kanyang kilay kaya natigil ako sa pagkain.
"A-Ayos ka lang?"
Nag-iwas siya at pilit na ngumiti.
"I...I have to go..." Wala sa sarili niyang saad kaya napatayo ako.
"Ayos ka lang ba, Blake?" nag-aalala kong tanong. Hinawakan niya lang ang pisngi ko bago siya tumalikod.
Sinundan ko siya hanggang sa labas. Tiningnan niya lang ako ng isang beses bago siya ngumiti at sumakay na sa sasakyan niya. Bumusina nalang siya at agad na umalis.
Nagtaka ako masyado sa ginawa niya. Pero baka pinauwi sa kanila?
"Nangyari do'n, bijj? Inaway mo?"
Napabuntong hininga ako at umiling.
"Ewan ko."
I immediately went to my room. Same old routines, browsing and doing my assignments. I look at the clock and saw that it's already nine. I wonder where is Megan right now.
Napanguso ako't napangisi. Who's that Hiro? Bigla-bigla naman atang dumating at umeksena.Nakarinig ako ng may naglalakad kaya napatayo ako at nagpunta sa labas ng kuwarto.
Nakanguso pa siya at diretso sa pagpasok sa loob ng kwarto ko. Hawak niya pa rin ang bag niya kanina, hindi pa siya rin siya nakapagbihis man lang.
"Ayos ka lang?"
"Oh putangina mo ka, Alisha Yuri Cruz! Bakit ka nanggugulat diyan!"
Natawa ako at napakunot noo. "Seryoso mo? Anong nangyari?"
"Wala! Bumisita ang pinsan ko at...alam mo na. Hindi kami bati."
"Gusto mong pag-usapan?"
Ngumiti siya at umiling. "Hindi na. Okay lang. Strong independent woman kaya ako."
"Ikaw bahala...pero, hindi ko nakita 'yong Hiro na sinabi mo. Likod lang."
Natawa siya. "Isa pa 'yon! Nagpapakita ng interest pero sa iba pala talaga interesado! Gagong iyon! Pinaasa ako!"
Nagulat ako nang nangilid ang luha niya.
"Minsan...napapaisip ako. Maghahabol ba ako? It's really obvious that he doesn't love me-"
BINABASA MO ANG
The One I See
RomanceDream Series #1 - Dreams are something you never think that will come into reality. Not until it will ruin your life and make things more complicated. Alisha Yuri Cruz never knew that she experienced a traumatic past that caused her to have amnesia...