Chapter 2

207 50 8
                                    

ALISHA

"Shauna knew what happened! I can't believe he just defended him!"

Hindi ako nagsalita. Tumulo ang luha ko at mabilis ko iyon pinunasan bago pa man makita ng kaibigan ko.

"Bwiset na lalaking iyon! Hindi iyon worth it sa mga luha mo kaya punasan mo 'yan!" Gigil pa rin niyang sabi kahit ngayon ay nasa loob na kami ng jeep.

Buti na lang at kami pa lang ang pasahero kahit nakita kong panay ang sulyap ng driver sa amin.

Tuloy tuloy pa rin ang agos ng luha ko.

"Sorry if you find this thing offensive Shauna, huh, but since the day he cheated on her, our friendship ends too. Kapal ng mukha!"

Napalunok ako at nagbaba ng tingin. Shauna remains quiet too.

"I understand your worry about him dahil naging kaibigan naman natin iyon. NOON! But I really can't fathom to forgive him for this. Friendship over na kami!"

"Hayaan mo na, Meg. Shau can still be friends with him. Even you-"

"Excuse me! Not anymore! Over my dead gorgeous body!"

Pagkarating sa apartment ay agad akong pumunta ng kuwarto. I stared at our picture in the table. Kinuha ko iyon at itinago sa kinailaliman ng cabinet. Napahiga ako sa kama pagkatapos kong magbihis. Naalala ko ang nangyari kanina. Naramdaman kong nangingilid ulit ang luha ko.

May kumatok sa pinto kaya agad akong napabalikwas at tumayo na para pagbuksan 'yon. Malungkot na ngiti ang sinalubong ni Megan sa akin.

"Ayos ka lang ba? Kumain na tayo..."

Tumango ako at sabay na kaming bumaba. Nakaupo na roon si Shau. Nakasimangot nang makita niya si Megan.

Tahimik kaming tatlo hanggang sa makakain na. I am not used to it. Pero ang dalawa kong kaibigan, nagpapataasan ng pride.

"Okay fine! Sorry na sa sinabi ko kanina. Alam kong insensitive 'yon. Naawa lang ako sa tao."

"Wow! Naaawa? Awa my ass!" inis na saad ni Meg.

"Sorry na nga! Kalerki!" nakangusong tanong ni Shau sa amin. "Anong mali kung sasabihin ko sayo na masyado ka ngang harsh sa part na 'yon? Hindi lang naman si Alisha ang nasasaktan sa nangyayari."

"Ay, nasaktan din pala siya? Sana inisip niya 'yan bago siya nagloko, 'no? Manipulative sad boy?"

Masamang tingin ang ipinukol ni Meg kay Shau kaya napatikhim ako.

"Hindi naman kasi 'yan ang point ko, Meg. Ang sinabi ko lang, masyado kang harsh kanina."

Umirap si Meg. "Oh e 'di sige, sorry na rin. Tangina naman. Ako pa nag a-adjust ngayon para sa lalaking iyon. At saka, he deserved that!"

"Enough na nga. Para naman kayong mga bata e," pagtitigil ko sa kanilang dalawa.

"Baklang 'yan kasi. Pabibo masyado."

Naglapat ang mga labi ko. Parang mas sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'to kesa sa nangyari kanina, ah.

"Ewan ko sa inyo! Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa!"

Tumayo na ako para ilagay ang plato ko sa sink.

"You don't have to worry about me. If you guys still want to be friends with Blake, I have no problems with that."

Nakita ko pa ang pag-ismid ni Meg bago ako umakyat pabalik sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay agad akong napapikit, muling nilukob ng lungkot.

Kinaumagahan ay maagang umalis sina Megan at Shauna since they'll be doing something for the organization. I don't know if they already settled their arguments last night. I hope they did because fighting over those things are not worth it.

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon