Chapter 13

110 24 6
                                    

ALISHA

Malakas ang buhos ng ulan. Napakalakas.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay pagtulo ng luha ko.

Mabilis nabasa ang damit ko. I also feel the rain's harsh downpour. Masakit iyon sa balat pero parang wala ako sa tamang pag iisip.

Natigil ako sa isang waiting shed. Napatitig din ako daan. Wala akong pakialam sa mga taong dumadaan at tumitingin sa akin. They don't know me and my pain.

May naramdaman akong umupo sa gilid ko. I slightly look at him pero nagulat ako nang makita ko ang taong iyon.

Nagulat siya nang matunghayan ako pero muli ay tumikhim siya. I think he knew me also based on his reaction kahit wala kaming formal na introductions.

Nagulat ako nang may kinuha siya sa kanyang bulsa at inilahad ang panyo sa akin.

Tahimik ako habang nasa lilim kami ng waiting shet. Nakatuon ang atensyon ko sa daan kahit nanginginig samantalang siya ay ganoon din.

"Y-You're...Hiro," nauutal kong anas.

Lumingon siya sa akin. Nakakunot-noo. I tried to look away.

"Do you remember me?"

Malalim ang boses niya!

Tumango ako sa tanong niya.

"Ofcourse..." Ngumiti ako nang bahagya. "Megan's friend. Or maybe...special friend?"

I heard his grin. Nagulat ako nang bigla niyang inabot ang payong sa'kin at agad tumalikod.

Oh? What the heck was that?

"Alisha!"

Lumingon ako. Nakita ko si Trey at agad na sumilip sa nakababang glass window ng sasakyan.

"Pasok ka."

Mabilis kong binuksan ang payong na ibinigay ng lalaking 'yun. Lumingon pa ako sa daan pero nakita kong tumakbo siya papalayo sa waiting shed.

"Alisha, dali na ihatid na kita! Sino ba ang tinitingnan mo dyan!" Inis niyang bulalas sa akin.

Nagmadali akong pumasok sa kanyang sasakyan. Bahagya pa akong nakonsensya dahil basang-basa ako at mababasa ko ang sasakyan niya.

Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ay doon ko naalala ang nangyari kanina.

Tahimik kaming dalawa ni Trey habang nakatingin sa harap.

"Hindi ko alam kung bakit ganoon..." Panimula niya sa akin.

Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa harap.

"Actually, Aly, sinabi niya na sa akin ang tungkol dito noong nakaraang linggo. Nagalit ako syempre. Kasi, kaaayos niyo lang. Akala ko mababago na talaga ang desisyon niyang 'yun..."

Hindi pa rin ako nagsalita.

"Akala ko, nababago ang desisyon niyang 'yun dahil nandito siya kaninang umaga at magkasama kayo. Pero nagulat ako nang hindi siya pumasok. Kaya umabsent ako kaninang tanghali para mapuntahan siya. Pero sinabi ng kasambahay nila na umalis na raw sila—"

"Sinabi niya sa aking hintayin ko siya. Sana sinabi niya lang ang totoo para hindi ako magmukhang tanga," I said coldly.

Lumingin si Trey sa akin na parang naaawa siya sa akin. "Gago pala siya e!"

Mas lalo akong pinalingiran ng luha.

Hinatid niya ako sa apartment. Papasukin ko pa sana siya kaso sabi niya ay uuwi na muna siya. Nakalimutan kong broken hearted nga pala siya!

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon