Chapter 4

162 47 1
                                    

ALISHA

"Gising na si Aly!" ani Meg at sinulyapan ako. Napatingin ako sa paligid.

"Umuwi na ang kapatid mo. Sina Tita naman inasikaso ang bill."

Tumango ako. She snapped.

"Baka gutom ka na? Ilang oras kang natutulog," sabi niya at inihanda pa ang iilang pagkain.

"Ayos lang, Meg. Si Shau?"

"Umattend pa ng meeting. Hindi puwede na kaming dalawa sabay aabsent. At saka, presidente ng council iyon."

Tumango ako.

"Kain ka na kahit kaonti lang."

Sinunod ko ang utos niya.

"Andito ba...si Ate?" bulong ko.

Tumango siya. "Oo, siya ang kasama ni Alyzza kanina."

Nagbaba ako ng tingin. Naalala ko ang sinabi ni Alyzza kanina. My heart feels like being squeezed.

"Meg...kung ikaw nasa sitwasyon ko, sa tingin mo ba, okay lang na...magkabalikan kami ni Blake?"

Natigilan siya at umupo sa gilid ko.

"Kung ako...siguro hindi na. Cheating is a major red flag. Hindi natin alam na...magagawa niya pa iyon kasi nga nagawa niya na nga iyon noon. And you forgive him. If you will give him a chance, you are also giving him a chance to hurt you again."

Nagbaba ako nang tingin.

" Paano kapag...hindi talaga siya nagcheat. "

Naguguluhan siyang tumingin sa akin.

"Nagkausap kami ni Alyzza. She's the one who insisted it. The kiss."

Hindi siya nagsalita. Inasikaso lang ang pagkain ko.

"Meg..."

She shrugged. "If you want him back, you can. It's not that my opinion matters here a lot. After all, decision mo iyan. Kung gusto mo pa, then go."

Nag iwas ako ng tingin. Napabuntong hininga.

Malapit na ang intramurals namin at busy na kaming lahat. I am so busy too but I am finding an opportunity to talk to Blake. I wanna hear his side. To clear my mind.

But I guess, time knows how to play with us. Hindi kami nagtagpo kahit magkatabi lang ang room namin. Nauna na akong umuwi kesa kila Megan. Marami pa silang gagawin para preparation for the upcoming intrams. Hindi ko pa nabuksan ang gate, nakita ko na ang sasakyan na papalapit. Agad akong kinabahan.

Unang lumabas sa sasakyan si Ate at sinalubong ako. Ngumiti ako sa kan'ya. Sunod kong nakita si Mom. The fear starts to envelope within me. Her intimidating look makes me look down.

"Lumuwas sila agad dito no'ng tumawag si Shauna na nahimatay ka."

I glanced at Mom again. Papalapit na siya sa amin. Lumapit ako sa kanila ni Dad. Ngumiti si Dad at niyakap ako. Nang tumingin ako kay Mom, hindi siya umimik. Niyakap ko na lang din siya ng ilang segundo.

"Pumasok muna tayo sa apartment niyo."

Tumango ako at tuluyan ng binuksan ang gate. Pagkapasok namin sa bahay ay tinext ko ang mga kaibigan ko, sinabi kong nandito ang pamilya ko.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Dad checked on me. Tumango ako.

"Ayos na, Dad."

Ngumiti siya at inabot sa akin ang kan'yang dala.

"Anong oras darating ang mga kaibigan mo?" tanong ni Ate.

"Late silang makakauwi...dahil malapit na intramurals."

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon