ALISHA
"Ano?! Kayo na ulit?" gulat na tanong ni Shauna.
Alinlangan akong tumango at tiningnan si Megan. Natigilan siya sa ginawa pero hindi siya lumingon sa akin.
Nakagat ko ang ibabang labi.
"S-Sorry. Alam kong maiinis kayo dahil nagpadala ako sa sarili kong nararamdaman at—"
"If you are together again, then that's okay. Mabuti nga, Alisha," ani Megan at kinuha na ang gamit niya. Nauna rin siyang lumabas.
"So, ano balik bahay na ba tayo nito? Ayoko!" ani Shauna.
"Nagkausap kami ni Alyzza at...sinabi niya sa akin ang totoo. "
Napaiwas ako ng tingin. Nagulat ako nang makita kong nandoon na rin pala si Blake sa pinto ng room.
"Umalis kayo sa mga bahay niyo?" biglang aniya.
Nagkatinginan kami ni Shauna.
"Susundan ko lang si Megan, Alisha..." biglang saad ni Shau at lumabas ng classroom.
Walang ibang tao sa room namin kun'di kaming dalawa na lang. Lumabas ako at nagpunta roon sa corridor. Sumunod naman si Blake sa akin.
"Alisha...anong ibig sabihin no'n?"
Nangilid ang luha ko at tinanaw ang malapad na ground. Mapakla akong napangiti.
"Nagalit ako kay Alyzza..."
Natahimik kami ng ilang segundo. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at napatitig ulit sa'kin.
"Can I see the place where you live right now?"
Nginitian ko siya at tinanguan. Tahimik si Blake habang pababa kami. I think, iniisip niya rin ang nangyari.
Napatingin ako sa gilid nang may namataan ako. Nasa kabilang building 'yon, nakatayo pero nakatingin siya sa banda namin. He's wearing gray hood, and black jeans and a white v-neck shirt. Nang magtagpo ang tingin namin, my heart thump fast.
"Bakit?" biglang tanong ni Blake.
Mabilis akong napalingon.
"W-Wala. May namataan lang ako sa kabilang building, pero..." Tumingin ulit ako roon. "Nawala na."
Tiningnan din ni Blake iyon.
"Hmm? Wala namang tao?"
Tinuro ko 'yon.
"Mayroon, kanina! Pero baka umalis na."
He just shrugged. Napatingin ulit ako roon. Wala na ngang tao. Weird.
Nakatanggap ako ng text mula kay Shau. Nakauwi na raw sila ni Megan. Napanguso ako.
Pinapasok ko si Blake sa apartment. Hindi nga lang bumaba sina Shauna at Megan sa mga kuwarto nila. I know they need further information from me.
Hindi magara ang apartment namin. Normal lang at simple. Wala ring gamit masyado maliban sa sofa, maliit na refrigerator, ibang utensils at stove.
"Kailan ka babalik sa inyo?"
I shrugged. Hindi ko rin alam kung kailan.
"How's your relationship with your Mom?"
Nilingon ko siya. Napansin niya ata ang reaction ko, napabuntong hininga ito bago ako nginitian.
"Nanay mo pa rin iyon."
I looked away. "Alam ko. Pero...hindi ko maiwasan isipin ang lahat, Blake..."
BINABASA MO ANG
The One I See
RomansaDream Series #1 - Dreams are something you never think that will come into reality. Not until it will ruin your life and make things more complicated. Alisha Yuri Cruz never knew that she experienced a traumatic past that caused her to have amnesia...