Chapter 11

99 30 2
                                    

ALISHA

"Alisha! Sure ka ba na hindi ka magpapasama sa amin? Umabsent ka nalang kaya?"

Nag-alalang anas ni Meg habang sinulyapan ako. Mula kaninang madaling araw ay hindi na sila natulog muli. Maaga nalang silang naghanda para sa school.

Hindi naman naging matagal ang sakit sa ulo ko. Ilang minuto lang yun at nakatulog ako ulit. Gumising lang ako nang malapit na mag-six para makapaghanda na rin.

"Huwag na..." Iwas ko ng tingin at inayos ang uniform ko.

"Tigas talaga ng ulo nito. Ano ang sasabihin namin kay Ate Alyanna kapag nalaman niya ang nangyari kagabi?"

I stop Shauna from calling my sister. Kaya hindi na rin niya ginawa. Walang kaalam alam ang pamilya ko sa nangyari.

"Normal na sakit sa ulo lang naman 'yun, Megan..." Iwas ko ng tingin.

"Ayan! Ayan, Alisha! Kapag 'yang ugat mo sa ulo puputok! Kami magkakape, ikaw nakahimlay. Sige ka!" singhal ni Shauna sa akin.

Nginiwian ko siya. "OA! Alam ko naman ang limitasyon!"

"Tsh! Ipacheck-up nalang kaya natin?" sabi ulit ni Meg.

Ngumiwi ako sa kanya.

"Huwag na nga!"

Inirapan niya ako habang inaayos niya ang kanyang buhok.

"So, puntahan ka ni Blake dito?"

Tumango ako. "Oo."

"Baka papasok ka lang dahil pupunta rito si Blake? Baka gusto mo lang makasama 'yun?" Nagdududa niyang tingin sa akin.

Inismiran ko siya. "Kung gusto kong makasama si Blake, aabsent nalang kami at manatili dito sa apartment-"

"Hoy, kadiri ka! Gawin mo pang motel 'to!"

Natawa ako.

" Umalis na nga kayo ni Shau!"

"Hintayin ka namin sa room!" Nakangiwi niyang sinabi at malakas pang sinarado ang pinto.

Maaga pa kaya kumain muna ako.

Tumunog ang cellphone kaya sinagot ko ito. Akala ko si Blake 'yun pero nagulantang ako nang makitang si Trey ang tumatawag sa akin.

"Sila Megan?" Masungit niyang saad.

"Nakaalis na, bago lang. Antayin mo nalang dyan. Bye!"

Agad kong in-end call bago napangisi. For sure, umuusok na naman ang tenga ng isa kong kaibigan!

Nagpatuloy ako sa pagkain at nagpatuloy sa pag-aayos. Matapos ang ilang minuto ay natanggap ko na ang mensahe na nasa labas na si Blake. Kinuha ko na din ang bag ko na nasa itaas.

For the last time, I stare at myself infront of the mirror. Sa tagal namin, minsan naco-conscious pa rin ako. Pero hindi niya naman ako sinabihan na pangit ako. Well, minsan. Pero it's normal! At alam ko naman na joke lang 'yun.

I pouted while looking in my reflection. Hindi na ako maputla, kagaya kaninang madaling araw.

Napabuntong hininga ako at mabilis na rin akong bumaba.

I saw him staring at the ground or thinking about something? Nakakunot pa ang noo niya. He's serious if he's like that.

I fake a cough. Agad naman siyang napatingin sa'kin. He stared at me bago ngumiti.

"You look good."

Di ko maiwasan ang pagngiti. "Really?"

He then checked me. Natawa ako at hinigpitan ang paghawak ng bag ko.

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon