ALISHA
Hindi ko alam. Pero kinabahan ako bigla.
Nakakunot-noo ako habang nandito sa sementong hagdan sa gym.
Inalala ko rin ang nakita ko kanina.
Si Megan at ang Hiro na 'yun...
I saw Megan ran away. Gusto pa sana habulin ang kaibigan ko pero nang natigilan at lumingon si Hiro sa akin ay para kong nanigas.
My eyes-widened after I saw him. Diretso ang kanyang mga tingin sa'kin samantalang ganoon din ako sa kanya.
Kung hindi ako nagkakamali...siya ang lalaking nakita ko noon sa kabilang building noong pauwi kami ni Blake. Siya ang lalaking 'yun! So that means..siya si Hiro!
The cold wind blows. My heart pump so fast and I don't know why this is happening.
Iniwala ko nalang 'yun sa isip ko at inisip si Blake. Malapit na ang lunchtime at hanggang ngayon, hindi ako niya ako tinext.
I mean, it's not really necessary to text me back everytime. Pero...hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. And everytime I call, kung hindi niya 'yun masasagot ay itetext niya ako kapag nagkakafreetime siya.
Tinawagan ko siyang muli. And again, I failed.
Tulala ako sa gym. I saw other members eating their lunch happily. Napatingin ako sa phone ko nang may huminto sa harap ko.
Nag angat ako ng tingin. Nakita ko si Alyzza. Nakatitig siya sa akin. Nakakunot noo at parang may kung sasabihin.
"A-Ayos ka lang ba?" Kinakabahan niyang tanong. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Oo, naman. Bakit?"
Tumingin ako sa paligid. I saw how people look at me. Napakunot-noo ako. Anong nangyayari?
"S-Si Blake?"
Lito akong napakibit-balikat. I look how people stare at me, may iba pang nagbubulungan. Kinuha ko ang tumbler at uminom, para maibsan ang pagtataka at nagsisimulang bundol sa puso ko.
"Hindi ko nga macontact, e. Pagkatapos niya akong ihatid kanina, hindi ko na siya macontact. Hindi ko rin naman nakita si Trey ngayon. Baka practice nila."
Kunot-noo kong sabi. Napahawak ako nang mariin sa tumbler.
"Alyzza! Nandito ka lang pala. May exam tayo. Bilisan mo!"
Narinig kong tinawag na si Alyzza sa kaklase niya. Ngumiti ako sa kanya. She's doubting about something, parang ayaw niya rin umalis at iwanan ako.
"Weird mo. Umalis ka na." Natatawang saad ko.
She gave me one last glance before she walk away. Sapo ang kanyang noo at kinuha ang kanyang cellphone.
Napatungo ako at tumingin sa mga kasama ko rito.
Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam, hanggang sa matapos ang practice. Maaga kaming natapos at nag-announce si Aljur nang iilan pang mga instructions bago kami nag dismissed.
I tried to call him again. Ring nang ring lang iyon. I texted Meg and Shau to ask if nakita ba nila sila Blake at Trey.
"Huy, hindi namin nakita ang dalawa! Hindi naman daw pumasok si Blake kaninang umaga. At si Trey naman no'ng lunch," ani Shau habang sinasagot ang tawag ko.
Napakunot-noo ako.
"Hindi rin sumasagot si Trey sa tawag ko. Hindi ko alam, Shauna. Napaparanoid ako."
Pabirong tumawa si Shau.
"Paranoid ka talaga! Oh, siya! Tawagan ko si Trey. Sabihan kong itext ka na. Atsaka, itext ko rin jowa mo para hindi ka mukhang tanga dyan!"

BINABASA MO ANG
The One I See
RomanceDream Series #1 - Dreams are something you never think that will come into reality. Not until it will ruin your life and make things more complicated. Alisha Yuri Cruz never knew that she experienced a traumatic past that caused her to have amnesia...