ALISHA
Hinarap ko si Alyzza. Kami lang ang nandito sa sasakyan kasi may binili sila Mom and Dad kasama si Ate.
Wala kaming imikan kanina pa pero alam ko naman ang rason kung bakit ganoon iyon.
"Alyzza..."
"Alisha, I'm really sorry for what happened. Honestly, nahihiya ako lalo na sa iyo. But I swear, nagbago na ako."
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ayos na. I just...miss this."
Nangilid ang luha niya at mabilis akong niyakap.
"May binili akong tickets!" parang bata na sabi ni Ate. Nang mapansin niya ang pananahimik namin ay agad siyang tumikhim.
Buong araw kaming nasa star city. May takot ako sa heights, ganoon din si Alyzza. Pero atleast sa akin, nagagawa kong sumakay pa rin sa rides kahit takot ako. Samantalang hindi iyon kaya ni Alyzza.
Alas-kwatro na ng hapon at nagtitingin-tingin kami sa mga pictures na nasa camera ni Ate. Nakita kong tumayo si Alyzza kaya napatingin ako sakanya.
"W-Where are you going?" takang tanong ko.
"May souvenier shop. Bibili ako-"
"Sama ako!"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya agad akong tumayo at tumabi sa kanya.
"Sama ako..."
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"S-Sige..."
Maraming mga stall na nakahilera sa tabi tabi. Natagpuan ng mga mata ko ang puting dream catcher. Nanliit ang mga mata ko kahit kinakabahan. Namalayan ko nalang na papalapit na pala ako rito at agad 'yung hinawakan.
"Nako, mura lang 'yan, hija! One-fifty!"
Parang hindi ko narinig ang sinabi ng tindera. Naramdaman ko nalang na bahagyang sumakit ang ulo ko habang tinitigan 'yun.
"Ayos ka lang, Aly?" Narinig kong saad ni Alyzza.
Nilingon ko siya at tumango.
"Medyo sumakit lang ang ulo ko," sabi ko nalang at tinitigan pa rin ang dream catcher..
"Bumalik nalang tayo sa sasakyan?"
"No, I'm fine. It's bearable."
Tumitig siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Bibili muna ako sa kabila. Dito ka lang muna?" mahinang aniya kaya napatango ako.
"Gusto mo ba 'yan, hija? Bibilhin mo ba? Nako! Magandang pangitain 'yan. Bilhin mo rin itong isang kapares niyan, hija! Puwede to ibigay sa nobyo mo! Maraming nakapagsabi, magtatagal kayo ng nobyo mo kapag ibibigay mo 'to."
Nilingon ko siya. "Talaga po?"
"Nako! Oo! At alam mo ba, sa tinagal tagal ko rito. May mga bumibili ng mga ganyan at hanggang ngayon, sila pa rin. May pumupunta dito taon taon at kinakausap pa ako!"
BINABASA MO ANG
The One I See
RomanceDream Series #1 - Dreams are something you never think that will come into reality. Not until it will ruin your life and make things more complicated. Alisha Yuri Cruz never knew that she experienced a traumatic past that caused her to have amnesia...