Chapter 3

184 51 2
                                    

ALISHA

I saw how the current flows below. Napalipat ako sa kabilang banda ng tulay para matingnan ang papel na inaanod ng agos.

I smiled after he held my hand.

"A-Ano—"

"T-That's the sign of our...f-friendship." Humarap siya sa akin. "B-Baka makalimutan mo ako."

Napatitig ako sa kwintas na may hugis puso sa gitna.

Umiling ako.

"Hindi. Hindi kita makakalimutan. Hanggang ang kwintas na ito ay nasa akin, hindi kita kalilimutan," I assured. Ngumiti ako at tumingin sa harap ng ilog.

Agad akong napaupo nang maramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. Napapikit ako nang mariin habang itinutukod ito sa aking tuhod.

"Alisha Yuri Cruz, kumain ka na, madam!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Shauna.

Hindi ako nakasagot agad dahil sa sakit ng ulo ko.

"Alisha, ano na? Gising ka na?" katok ulit ni Shauna.

"O-Oo. Uhm, oo, Shau!"

Mabuti na lang at nawala agad ang sakit sa ulo ko. Pero nang maglandas ang kamay ko sa aking mukha. Naramdaman kong nanunubig ang gilid ng mga mata ko.

Napakunot noo ako. I didn't know why I experienced weird dreams. Pero kapag nagigising naman ako ay hindi ko na 'yon maaalala at sumasakit na lang 'yong ulo ko. It's been years pero hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit nangyayari ito.

"Alisha? Gising ka na?" Muli kong narinig ang boses ni Shauna kaya agad na akong tumayo.

"Oo! Gising na!"

Nagmadali na ako sa pag-aayos para makapunta sa eskwelahan.

Pero hindi ko alam na hanggang doon ay iisipin ko pa rin kung ano ba talaga 'yung panaginip ko kanina.

"Attention! We will be having a seatwork next meeting. Be sure to have your attendance and be on time." Napatingin pa siya sa gawi namin. "I won't consider latecomers."

Sabay kaming nagkatinginan at nagsiyukuan.

Nagsireklamo naman 'yong mga classmates namin.

"Sir, magreready pa po kami sa intramurals-"

"Kasali ka ba sa maglalaro, Galvez?"

Natawa kaming lahat. Napayuko naman si Earl at napaismid.

"Si sir Cagay, nagpaparinig. Late ka raw kasi noong isang araw-" ani Meg sa akin.

Napasinghal ako.

"Isang beses lang naman ako na-late sa subject niya. At mind you, gaya ng sabi mo may lagnat—"

"As if lang naman iyon, bijj! Malay mo hindi pala naniwala si sir!"

"People at the back. Are you listening?"

Malamya kaming nagsitanguan.

Nagsimula na naman siya sa discussion niya. Napanguso ako at kinagat ang ballpen dahil bored na bored na talaga ako.

The One I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon