ALISHA
Weird.
That's all I can say.
Bakit niya ako kilala? Bakit hindi ko maalala? Do we know each other for a short time kaya nakalimutan ko agad?
Tulala akong naglalakad. Hindi ko alam, pero agad akong napabalikwas nang nakita ko si Shau na nakahilig sa gilid ng gate ng apartment. Parang inaasahan na darating ako any moment.
"Nasaan na ang sinabi naming magtext ka, Alisha Yuri Cruz?"
Napanguso ako. "May binili lang naman—"
"Nasaan ang plastic kung gano'n?"
"Chichirya binili ko. Kinain ko na rin doon sa 7 eleven!"
Sinamaan niya ako ng tingin.
Bumuntong hininga ako at nakayukong nilampasan si Shau. Hindi ko nakita si Megan sa sala kay tuloy tuloy nalang kong umakyat papuntang kwarto ko.
Pagkabukas ko ay bigla akong nagulantang nang makita roon si Megan. Nasa may bintana siya at nakatanaw sa labas. Nang maramdaman niyang nasa kwarto na ako ay bigla siyang napalingon sa akin.
"Kumusta?"
Nilapitan ko si Megan at mabilis siyang niyakap. Sa aming tatlo, kay Megan ako pinakamalapit. Siya ang may alam ng lahat lahat sa akin.
"H-Hindi ba ako...sapat?" naiiyak kong tanong.
"Alisha, no! Anong nangyari? Saan ka galing?"
Umiling ako. "I met his mom..."
Mapakla akong ngumiti. Isinandal ko lalo ang ulo ko sa balikat niya. Halatang natigilan siya sa sinabi ko.
"As usual, hindi niya talaga gusto para sa anak niya. Sinabi niyang...umalis si Blake. Para sa iba... He's courting someone. Habang inaayos din ang sa amin. Isn't that unfair, Meg? Hiniwalayan ko siya noon dahil akala ko nagkamali siya. Bakit niya ako gagaguhin ngayon? I love him so much. Bakit niya ako niloloko."
"Alisha..."
"Meg maiintindihan ko naman kung sasabihin niya talaga na ayaw niya na sa akin. Sana hindi niya nalang ako ginulo ulit. Sana hinayaan niya nalang ako magalit sa kanya sa mga panahon na 'yun. Sana hinayaan niya nalang akong maging tahimik. Sana naniwala nalang ako sa iyo. "
" Alisha...marami pang lalaki dyan. Sabi mo nga, there's a lot of fishes in the sea. We are too young to be stress because of love. Ang dapat nga nating gawin ay humarot lang at hindi nagseseryoso tungkol sa bagay na 'yan... "
Tumango ako." Susubukan ko, Meg... "
Ngumiti siya at hinarap ang ako. She touched my face.
"Hindi mahina ang Alisha Yuri Cruz na kilala ko. Hindi ang isang katulad ni Blake ang titibag sa' yo. At higit sa lahat, hindi ang katulad ni Blake ang magiging dahilan ng mga luha mo. Tandaan mo 'yan, Aly..."
Ngumiti ako at bahagyang kinurot ang braso niya.
" Seryoso mo... "
Pabiro siyang tumango." Nabagok lang ng slight. Ayusin natin bukas ha? Sasayaw ka pa."
Sinimangutan ko siya. Naalala ko ang sinabi ni Hiro kanina. Gusto ko sanang tanungin si Megan tungkol doon pero ayaw ko namang malaman niya na si Hiro ng nagcomfort sa akin kanina.
Sa sobrang pag iisip ko sa nangyari kay Blake. Nakalimutan ko ng intramurals na bukas at mas importante 'yun.
"Bakit nga ba ang puso 'pag nagmamahal na, ay sadyang nakapagtataka!" I heard someone sings and I'm sure that's Shauna' s voice, pestering me again.
BINABASA MO ANG
The One I See
RomanceDream Series #1 - Dreams are something you never think that will come into reality. Not until it will ruin your life and make things more complicated. Alisha Yuri Cruz never knew that she experienced a traumatic past that caused her to have amnesia...