Yumi
Wednesday
Pagdating ko ng school ay agad na nagsimula ang klase. I am expecting Aira na lapitan ako sa ginawa ko sa bag niya pero hindi ito nangyari. Tapos na ang first period namin ng narinig kong nagsalita si Tim. Nasa classroom parin kasi kaming at nag hihintay sa next teacher namin.
"Aira!!! Anong nangyari diyan sa libro mo?! Hahahahahhaa."
"Ahhh... natapunan ko ng ketchup kahapon."
Nagulat ako sa sagot ni Aira. Di ko maintindihan kung bakit niya ginagawa. Nagbabait baitan kaagad?
"Eh halos hindi na mabasa to ah! Pati yang notebook mo matapunan lahat?!"
"Natapon sa loob ng bag ko eh."
"Yan kasi ang burara mo!"
"Lumayo ka nga dito kung wala kang magandang sasabihin!"
"Hahahaha. Diyan ka na nga!"
Nagtataka talaga ako kung bakit ganito si Aira.
Chemistry
Dahil partner kami ni Tim sa lab ay di ko maiwasang tanongin siya tungkol kay Aira.
"Anong nangyari sa kaibigan mo?"
"Huh? Sino?"
"Yung kaibigan mong masungit"
"Hahahaha. Si Aira ba?"
"Oo. Siya nga."
"Wala naman. Bakit?"
"Para kasing nag babait baitan."
"Hahahahaha. Sabi ko nga sayo diba? Mabait talaga yan! Hahahaha"
"Ang weird lang kasi."
"Anong weird dun?"
"Di man lang niya ako sinusungitan."
"Ayaw mo ba nun?"
"Kasi... ahhhmm... wala. Nevermind nalang."
"Alam mo ikaw, ang gulo mo din eh no? Hahahah. Mga babae nga talaga kayo."
Ngumiti nalang kay Tim hindi na nagsalita.
TLE
Papasok palang ako ng TLE classroom ay nakita sinalubong ako ng aming Teacher. Lagot na, for sure hahanapan na ako ng project nito.
"Good morning po Ma'am. Yung project ko po kasi.....-"
"Yung project mo Ms. Tan ay napaka creative. Buti naman ay natapos mo at naipasa ko on time."
Nalito ako sa sinabi ni Ma'am. Anong project ang pinagsasasabi nito?
"Ahhh Ma'am? Anong project ho????"
"Edi yung cross stitch. Ipinasa mo to diba kaninang umaga sa table ko. May pangalan mo pa nga sa likod."
Pinakita sa akin ni Ma'am ang cross stitch na naka frame. Tama nga siya, naka sulat ang pangalan ko sa likod. Lalo akong nagtaka kung sino ang nag pasa nito pero may kutob akong si Aira.
Possible nga bang si Aira?
Hinayaan ko nalang si Ma'am at hindi nasumagot pa. Habang nasa klase na kami ay hindi maalis sa isip ko kung si Aira ba talaga o hindi. Gusto ko siyang tanongin pero nahihiya naman ako dahil sa ginawa kong pag ganti sa gamit niya. Mas lalo tuloy akong na gi-guilty.
Pasulyap sulyap ako kay Aira pero parang wala itong sa mood at naka simangot pa. Para itong inaantok at matamlay. Hindi yung usual na naka bungis-ngis palagi.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece (GXG)
RomantikRemembering everything about my world and when she came. Wondering the change she'd bring means nothing else would be the same. I wasn't exactly sure when it happened o kailan ito nag simula. Ang alam ko lang ay araw araw gusto ko na siyang makasama...