33: September

1.5K 38 12
                                    

Aira

September

Unang araw ng buwan at excited na ang lahat sa darating na sports fest ng school. Kahit hindi ako sporty ay ito ang pinaka-paborito kong event sa school. Syempre, basket ball ang pinaka inaabangan ng lahat. Kasali si Tim sa basket ball team ng grade 9 at si Calvin naman ang star player ng grade 10. Sa isang basket ball game din sila nagka-alitan ni Calvin kaya hindi siya bet ni Tim para sa akin. Nagka-pikonan lang at bigla nalang nag suntukan sa loob ng court. Sana naman ngayong year eh wala ng away.

~~~~~~

"Ai, pahiram naman ng notes mo sa Chemistry oh." Sabay hawak ni Yumi sa bewang ko habang nagbubura ako ng white board sa Chemistry lab.

"Hihiramin din ni Marie eh. Sa iba ka nalang humiram." Palusot ko sa kanya.

Nagsimula na kasi akong umiwas sa kanya last week pa. Kaya kung meron itong favor sa akin ay agad kong tinatanggihan. Malimit ko narin siyang kausapin at kung kina-kailangan lang. Minsan kapag nakikita ko siya ay nagbubulag-bulagan nalang ako para makaiwas.

"Eh meron din naman siyang notes ah! Bat pa siya hihiram sayo?"

"Ah- eh.. Hindi ko alam. Kay Tim ka nalang humiram. Sigurado papahiramin ka nun!"

"Hayyyyy. Okay. Sige, thank you?"

Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Lumakad ito palayo ng walang imik kaya di narin ako nagsalita.

"Ai?"

"Oh? Bakit?" Pero hindi ako lumingon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh? Bakit?" Pero hindi ako lumingon.

"Aira." Tawag pa ulit niya kaya lumingon nalang ako.

"Bakit Yumi?"

"Ahmmm. Sino kasama mong mag lunch?"

 Sino kasama mong mag lunch?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Di ako kakain eh. Bakit?"

"Bakit naman?"

"Ahhh. Kasi...ano...May mga tatapusin pa kasi ako."

"Ganun ba? Sige."

"Sige

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sige."

Agad na umalis si Yumi at naiwan akong mag-isa. Hindi ko gusto ang ginagawa ko sa kanya pero ito ang tama. Naaawa ako sa kanya kapag nag re-reach out ito sa akin tapos tinatanggihan ko. Kakain naman talaga ako eh, kaya ako nagsinungaling sa kanya kasi baka yayain pa ako. Inaamin ko, malungkot ako. Gustong gusto ko na siyang kausapin gaya ng dati. Gustong gusto ko na siyang kamustahin pero pinipigilan ko. Ayokong mahulog ng lubusan sa kanya kaya tama lang siguro to.

Sa katunayan ay wala talaga akong kasamang kumain kasi may practice si Tim tsaka nasa ibang school si Camille para sa school journalism contest. Ayoko namang sumama sa mga classmates ko kasi kasama nila si Yumi.

Dumiretso ako sa Editor's office para iwan muna doon ang mga gamit ko. Dito nalang kasi ako kakain para hindi ako makita nilang nagiisa. Lumabas ako at nagtungo sa canteen para bumili ng pagkain ng nakita ko si Calvin habang nakapila.

"Aira!! Mag-isa kalang ba? Sabay naman tayo oh!" Yaya pa nito sa akin.

"Huh? Di ako kakain dito eh."

"Hahahah. Eh saan mo pala planong kainin yang dala mo? Sa ilalim ng puno?"

"Hahaha. Hindi ah! Sa Editor's office ako kakain eh. Nandoon gamit ko."

"Edi doon narin ako. Pwede ba ako dun?"

"Hindi pwede mga pangit dun eh. Dapat mga magaganda at pogi lang kasi." Biro ko sa kanya.

"Aba Aba!!! Pangit pa pala tong mukha na to para sayo? Huh? Hahahah!"

"Hmmmmmm. Medyo pero sige na nga! Sa ngayon eh papayagan na muna kita! Hahaha"

"Yes!!! Hayaan mo magpapa-pogi ako palagi para sayo."

"Sus! Di na kailangan! Hahahah!"

"Sabi ko na nga ba eh! Hahaha. Tara na?"

"Sige tara!"

Sumama si Calvin sa akin sa Editor's office at dala-dala niya rin ang pagkain niya. Medyo hindi na ako naiilang sa kanya kasi madalas na kaming mag-usap. Sinununod ko ang payo ni Camille na bigyan ko ng chance na makilala namin ang isa't isa.

Mabait si Calvin at hindi mayabang. Napaka caring at minsan naman ay makulit din. Palagi niya akong pinapatawa kaya mabilis kaming naging close. Halos gabi-gabi ay magkausap kami sa phone at magkatext. Ang dami niyang time para sa akin kaya ngayon ay mas na-aapriciate ko na siya.

"Uy kainin mo yang gulay oh! Masarap yan!" Sabi nito sabay turo sa tinabi kong ampalaya.

"Ayoko ng lasa niyan eh."

"Healthy yan. Try mo, di naman ganyan kasama ang lasa niyan eh."

"Ayoko ko. Mapait eh."

"Sayang naman. Akin nalang ha?" Agad itong kinuha ni Calvin sa plato ko at agad na isinubo.

"Penge din ng konting rice. Heheh" Sabay abot din niya ng rice ko.

"Hahahaha. Ayan oh. Kainin mo na."

"Ayaw mo na ba? Sayang naman kasi eh."

Kinuha na ni Calvin ang plato ko at kinain ang tira kong pagkain ng walang ka arte-arte. Ginamit pa nito ang kutsara at tinidor ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siyang simutin ang laman ng plato ko. Bigla tuloy akong napa-isip na pwede ko din naman pala siyang magustuhan bukod sa physical niyang anyo.

Pero kahit na kasama ko si Calvin ay hindi ako ganun ka saya gaya ng nararamdaman ko kapag kasama mo si Yumi. Hindi ko parin siya mawala sa isip ko. Kahit sa pagtulog ko ay siya parin ang mga nasa panaginip. Simula ng iniwasan ko siya ay tatlong beses ko na siyang napapanaginipan. Feeling ko kapag iniiwasan ko siya ay mas lalo ko siyang namimiss.

Hindi ito madali para sa akin pero kailangan. Ayokong masira ang friendship namin ni Yumi pag nalaman niyang iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lalong ayaw kong masira kami ni Tim dahil dito. Wala naman to eh, kaya ko pa tong pigilan. Alam ko kayang kaya ko to.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon