21: August

1.7K 49 13
                                    

Aira

August

Monday

Nasa flag ceremony kami ng nakita kong nagmamadaling sumingit sa linya si Yumi. Late sa first day ng pagiging grade 9 representative. Kumaway ito sa akin at ngumiti.

Ng matapos na ang program ay agad na kaming dumiretso sa classroom. Habang naglalakad ay nakita kong magkasama si Tim at si Yumi.

Ang aga-aga dumi-deskarte na kaagad ah!

Hinayaan ko nalang ito at hanggang sa classroom ay magkatabi din sila. Nagtataka ako kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Natapos na ang first period at TLE na namin. Ngayon lang napaghiwalay si Yumi at si Tim kasi syempre seperate ang lalaki at babae.

"Nakapag usap na ba kayo ni Tim?" Sabay tabi kay Yumi.

"Uy. Oo, kawawa naman siya no?"

"Oo nga eh. Palagi namang ganyan ang mama at papa niya."

"Nag sorry nga siya sa akin kasi di siya nakarating sa dinner namin pero sinabi ko naman sa kanya na marami pa namang time."

"Buti naman understanding ka."

"Oo naman no. Dapat lang."

"Sabay ba kayong kakain ni Tim mamayang lunch?"

"Oo. Sabay kana sa amin."

"Naku wag na! Date niyo yan eh."

"Hahahha. Date talaga? Mag lu-lunch lang naman kami eh."

"Di na. Thank you pero kayo naman. Sasabay kami ni Camille kumain."

"Talaga? Sige."

Ngumiti ito sa akin at lumabas na naman ang mala-naruto niyang dimples and I just can't help but to stare.

"Uy! Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

"Huh?! Ah- wala!"

"Eh bat ganyan ka makatingin?"

"Hindi... kasi ano.. yung ano kasi.."

"Alam mo kakatawa ka. Hahahahah."

"Huh?! Bakit naman?????"

"Basta! Hahahah"

"Yumi naman eh!!!"

"Yumi naman eh!!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hahahaha. Ayan! Mas lalo kang nagiging cute pag naka nguso ka!! Hahahahha"

"Ms. Flores at Ms. Tan, kung gusto niyong mag harutan ay makakalabas na kayo." Saway pa sa amin ng aming teacher.

"Sorry po Ma'am."

Nagtinginan nalang kami ni Yumi at ngumiti.

Lunch time

Kasama ko si Camille na kumakain sa canteen. Hindi namin kasama si Tim kasi nga magkasama sila ni Yumi.

"Talaga??? Di ko alam yan ah. So okay din yung dinner niyo?"

Halos hindi maka paniwala si Camille na kami ang magkasama ni Yumi nag dinner last friday at hindi si Tim.

"Oo nga. Bati na nga kami eh."

"Wow!!! That's great!! Ikaw lang naman yun nang-aaway sa kanya eh!!"

"Oo na! Sige na, ako na. Okay na naman ngayon eh. Tsaka hindi naman pala siya ganun arte. Cool nga siyang kasama eh."

"Uyyyyy. Baka mawalan na ako ng best friend niyan ha! Selosa ako Aira, alam mo yan!!"

"Duh!! Okay kalang?! Kayong dalawa lang ni Tim yung best friends ko."

"Hahahaha. Pero boto ako kay Yumi para kay Tim. Bagay sila diba?"

"Boto na ako ngayon. Oo, bagay sila pero sana mag-tino na yang si Tim. Tignan mo yung ginawa niya sa mga ex niya. Diba sa una lang yun todo effort?!"

"Oo nga naman Ai. Si Tim kasi masyadong chick boy eh."

"Pero feeling ko di naman ganun ka easy to get si Yumi eh."

"Ay Oo nga. Feeling ko din mahihirapan si Tim dito."

"Buti nga para di na mag-loko yun."

"Hahahaha. Pero ma iba ako Ai, kamusta yung pakiramdam mo?"

"Okay naman. Medyo di na inaatake ng hika. May mga times na naninikip lalo na pag medyo crowded."

"Hayyyyy. Wag ka kasing magpagod. Alam mo namang mahina yang puso mo eh."

"Alam ko naman Cams."

"Siguro kailangan mo na din ng lovelife! Hahaha"

"Hahaha. Para ka ding si Tim. Kung choosy ka, mas choosy ako nu!"

"Di kaya ako ganun ka choosy. May standards lang."

"Pareho din yun! Tsaka masaya ako ngayon. Di ko kailangan niyan."

"Talaga? Masaya ka kasi bati na kayo ni Yumi?"

"Oo naman. Masayang masaya."

"Edi sana matagal kanang nakipag-bati sa kanya para matagal kanang naging masaya."

"Ginawa ko to para kay Tim. Hindi para sa akin."

"Alam mo, di kita ma gets. Why are you always making it so hard when it comes to Yumi? Matagal mo na pala gustong makipag-bati pero di mo ginawa."

"Di ko alam. Nahihiya ako sa kanya eh. Pero ngayon ok na nga diba?"

"Hayyyy nako Aira. Oh!! Andiyan na pala silang dalawa oh!"

Pagligon ko ay nakita kong papalapit si Tim tsaka si Yumi. May dala itong mangga tsaka piña para sa amin.

"Wow!!! Sarap naman nito!!" Sabi pa ni Camille.

"Para sa inyo yan. Kainin niyo na." Sabay upo ni Tim sa tabi ko. Pangiti ngiti naman si Yumi sa gilid at umupo ka din sa tabi ni Camille.

"So okay kana ba Tim? Kamusta Mama mo?" Tanong naman ni Camille sa kanya.

"Ayun, puro pasa na naman. Di ko nga alam kung paano ko siya paiintindihin na walang kwenta yang si Papa eh."

"Hayyy. Kawawa naman si Tita. Eh asan na ngayon ang Papa mo?" Tanong mo naman.

"Pinalayas ko na nga diba? Ang gulo ng buhay ko. Buti nalang nandito si Yumi. She's gave me peace."

"Abaaaaaaaaaaaa!!!!!! Matindi ah!!!!"

"Ang korny mong mokong ka!!!!!"

Natawa naman si Yumi sa mga reaction namin ni Camille sa hirit ni Tim.

"Kanina pa nga ganyan yang kaibigan niyo eh. Puro hugot lines lahat. Hahahah" Sabi pa nito.

"Uy hindi kaya. Hahahaha. Binu-buking mo 'ko dito ha! Hahahaha!"

Masaya kaming nagtatawanan hanggang sa nag ring na ang bell at kailangan na aming bumalik sa classroom.

Masaya akong masaya si Tim ngayon dahil nandiyan si Yumi. Kahit hindi pa siya sinasagot nito ay napapaligaya na niya ang kaibigan ko sa ibang paraan.

Alam kong mabuting tao si Yumi. Mali lahat ng first impression ko sa kanya. Dahil doon ay gusto ko ng bumawi sa mga atraso ko sa kanya. I'll be a true friend.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon