32: Sleep over

1.6K 42 11
                                    

Aira

"Napagod ka no?" Tanong ni Camille habang naka upo ako sa silya ng dinning table namin.

Kakahatid lang namin kay Yumi at Tim sa labas at nagpaiwan dito si Camille para tulungan ako sa pagliligpit.

"Medyo pero okay lang. Para naman sa inyo to eh."

"Ayeeeeee. Ang sweet ng best friend ko. Umupo kana lang diyan at ako na ang magliligpit nito."

"Ngayon lang naman to eh. Umuwi kasi  si Manang kaya wala kaming katulong dito."

"Kaya pala hindi ko siya nakita dito."

"Umuwi nga ng ilo-ilo. 2 weeks na nga eh. Nanganak daw yung anak niya."

"Ahhhh okay. Fine, ako na maghuhugas ng plato dito."

"Ay salamat naman. Thank you Cams!"

Sinamahan ko si Camille habang naghuhugas ito ng plato at nakikinig lang kami ng music.

"By the way, kamusta naman pala yung hugot mo? Para kay Yumi yun no?"

"Huh?! Hindi ah! Bat naisip mong para sa kanya agad?"

Nagulat ako sa sinabi ni Camille.

"Eh sino ba yung kinaiinisan mo? Diba si Yumi lang?? Diba? Diba?"

"Hinaan mo nga yang boses mo!Mamaya baka marinig ka diyan!" Lumapit ako sa kanya at sumandal sa lababo.

"Kilala kita Aira. Sus!!"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko din naman alam ang sasabihin ko in the first place eh.

"Uy! Magsalita ka nga!"

"Pwede bang mag sleepover ka nalang dito?"

"Hahahha. Oo naman. Samahan mo muna ako sa bahay at magpapaalam lang ako at kukuha narin ng damit. Okay?"

"Sige, tulungan na kita diyan para mas maging madali."

"Sige, bilisan natin kasi alam ko na marami kang sasabihin sakin."

"Hayyyy. Okay."

Nagmadali kaming tapusin ang paghuhugas ng plato at agad na nagtungo sa bahay nila Camille. Nagpaalam nga siya sa parents niya at kumuha ng mga gamit niya. Pinayagan naman siya nito kasi sabado naman bukas at walang pasok.

Pagdating na namin sa bahay ay nauna akong nag half-bath. Nasa kwarto ko lang siya at naka-upo lang sa kama.

After 25 minutes ay lumabas na ako ng banyo at nadatnan ko siyang naka-upo sa study table ko at nakatingin sa loptop.

 "Uy anong ginagawa mo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uy anong ginagawa mo?"

"Ano to? Bat may ganitong folder ka dito?"

Pinaharap niya sa akin ang loptop ko at inopen pala niya ang folder na puro picture ni Yumi.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon