38: Recovered

1.5K 38 11
                                    

Aira

"Ilang beses bang sasabihin sayo na bawal kang magpagod. Aira naman, mag papakamatay ka ba?! Malinaw na malinaw na bawal sayo yun pero ginawa mo parin."

Pinakikinggan ko lang si Mama mula kagabi sa hanggang ngayon sa mga paulit-ulit niyang sermon. Halos kabisado ko na ang mga pinagsasa-sabi niya.

Nandito parin kami sa ospital pero lalabas narin mamayang tanghali. Laking gulat ko kagabi na pag gising ko ay nasa ospital na pala ako. Huling naalala ko ay nandilim ang paningin ko at napaluhod ako. Ng magkamalay ay hinanap ko ang cellphone ko pero hawak-hawak ito ni Mama. Medyo nahihilo parin ako at naninikip ang dibdib pero kaya ko naman.

Tinanong ko si Mama kung nasaan si Yumi at sabi naman niya ay umuwi na daw kasama si Camille. Gusto ko sanang kunin sa kanya ang phone ko pero ayaw niya, kailangan ko daw magpahinga ng maiigi at bawal muna gadgets.

Nahihiya ako kay Yumi ngayon sa nangyari sa akin. Tinanong ko din si Mama kung nasabi ba niya kay Yumi ang tungkol sa condition ko pero sabi niya hindi naman daw. Ayokong sabihin kay Yumi to. Ayokong kaawaan niya 'ko. Gusto ko ay normal padin ang tingin niya sa akin at hindi yung may sakit na alagain.

2:00 PM ng nakauwi na kami sa bahay. Pinahiga muna niya ako sa kama at pinag-pahinga. Bago niya ibigay sa akin ang cellphone ko ay kinausap muna ako nito.

"Anak bakit mo naman naisipan na magpagod dun? Ha? Alam mo kung gaano ka delikado sayo yun? Paano kung na untog ka? Sa susunod talaga di na kita papayagan."

"I'm sorry po Ma. Nag eenjoy lang naman kami ni Yumi eh."

"Simula ngayon bawal kanang umalis pag di mo kasama si Camille o si Tim."

"Ma naman!"

"Para sayo to Yumi. Mas mabuti kung kasama ko kahit isa lang sa kanila para naman may nagreremind sayo."

"Eh paano pag ayaw nila akong kasama?"

"Edi di aalis."

"Ano ba yan ma! Ang OA mo naman masyado eh."

"OA na kung OA anak pero kalusugan mo ang pinaguusapan dito."

Niyakap ko nalang si Mama at di na sumagot. Alam ko naman na nagaalala lang siya para sa akin eh.

"Ayan na naman. Dadalhin mo lang talaga ako sa mga yakap mo no?"

"I love you so much po Mama!" Sabay kiss ko sa kanya.

Matapos kong maglambing kay Mama ay agad naman itong bumaba para maghanda ng makakain. Naiwan akong nakahiga sa kwarto ng maisip ko na tawagan si Camille.

📞 "Cams?" Hello?"

"Aira!!! Kamusta? Okay kana ba?"

"Oo naman. Okay naman talaga ako eh."

"Wow ha! Ilang oras ka kayang di nagising!"

"Hahaha. Okay na 'ko ngayon. Wag kanang mag alala."

"Buti naman kung ganun. Galit kapa daw ba kay Tim? Gusto ka niyang dalawin eh."

"Di na. Sabihin mo sa kanya na okay na kami."

"Ay buti naman kung ganun. Tsaka si Calvin pala nagaalala din sayo. Gusto ka din niyang dalawin. Okay lang ba?"

"Dalawin ni Calvin dito sa bahay?"

"Oo naman. Syempre, asan kaba ngayon eh diba nasa bahay na? Alangan naman sa ospital eh wala kana dun!"

"Nahihiya ako. Alam ba niya condition ko??? Sinabi mo?!!"

"Hindi no! Sinabi ko na over-fatigue kalang. OA nga yung reaction eh. Hahaha!"

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon