26: Sunday (part 2)

1.5K 34 2
                                    

Aira

Mahimbing ang pagkakatulog ko ng biglang may lumundag sa aking kama. Pagtingin ko ay si Tim pala.

"Bat ka nandito?! Ang aga-aga ah!!!!" Reklamo ko habang ginigusot pa ang mata.

"Anong maaga? Tanghali na huy! Bumangon kana at may plano tayo ngayon araw!"

"Ano na nama! Inaantok pa ako! Bumaba ka nga dito sa kama ko!" Sabay sipa sa kanya pababa ng kama.

"Uy ano ba! Mahuhulog ako! Gising na kasi!!!"

"Napuyat ako sa pag hatid kay Yumi kagabi! Patuligin mo muna ako!"

"Yun na nga eh. Galit si Yumi ngayon sa akin. Sorry na. Oo, bobo ako. Kasalanan ko."

"Buti naman alam mo no!"

"Tulungan mo ko. Please Please please please please!"

"Hay! Ano ba yung gagawin?!"

"Ayan!!!! Yes!!!!!!!!"

"Nagtatanong palang kaya ako. Sinabi ko bang tutulungan na kita?"

"Aira naman eh. Alam ko naman na di mo ko matitiis."

"Akala mo lang yun!"

"Aira naman!!!! Aira please!!!!!"

"Ano nga kasi ang plano mong gawin?"

"Gusto ko sanang ipag-bake natin siya ng cup cakes. Peace offering para sa kanya."

"Ipag-bake natin siya ng cup cake?! Ginawa ko na to dati sa ex mo ah!!"

"Eeeeeee!! Iba naman to! Sige na. Tara na sa grocery. Bili tayo ng ingredients. Tara na! Bumangon kana!!!"

"Bumaba ka dito sa kama ko at tatayo na ko!"

"Yessssssssssss!!!!! 'To na!!"

Wala na naman akong nagawa kay Tim at agad na akong naligo para pumunta ng grocery. Pagkatpos kong magbihis ay nag lalaro na ng xbox ang kapatid ko tsaka si Tim. Si Mama naman ay hawak-hawak ang tablet niya.

"Hoy tara na! Wait lang. Malapit na akong manalo."

"Ibaba mo na yan. Tara na!"

"Wait lang Ai. Matatalo ko na si Liam oh!!!"

"Bahala ka, ikaw nalang umalis. Magbibihis na ako sa taas." Sabay akyat ko sa hagdan pero hindi ako nilingon ni Tim. Patuloy parin ito sa paglalaro. Wa-epek ang drama ko.

"Tim ano ba!!!! Tara na! Liam tama na yan. Aalis na kami."

"Woooooooo!!! You win! Narinig mo yun Liam?! Whhoooo!"

"Okay-okay. Para kang bata! Tara na."

"Hahahahah. Tita, alis po muna kami ni Aira ha? May bibilhin lang." Sabay beso naman ni Tim kay Mama.

"Ma, alis muna kami."

Habang nasa kotse na ay ang daming tanong ni Tim.

"Syempre hinatid ko. Nag taxi kami hanggang sa condo nila."

"Buti nalang pala nandiyan ka no? Hayyyy. Ang bobo ko talaga."

"Pasalamat ka at nandoon ako. Eh kung wala pala ako dun kawawa naman si Yumi! Bobo ka naman talaga. Seryoso kaba talaga sa kanya?"

"Hayyyyy. Bakit? Seryoso din ba siya sakin? Ang dami niya kaming mga lalaki sa school."

"Anong sagot yan?! So para saan tong panliligaw mo?!"

"Syempre para maging girlfriend siya. Gusto ko si Yumi."

"Gusto mo ba talaga? Yung totoo ha!!"

"Aira naman. Gagawin ko ba to kung wala lang siya sakin?"

"Baka kasi gawin mo lang din sa kanya yung mga ginawa mo sa ex mo."

"Wait, bat parang nasa side kana ni Yumi ngayon? Sino ba best friend mo?"

"Ikaw. Pero ayokong saktan mo si Yumi  Tim. Mabait siya. Naawa nga ako sa kanya kagabi eh. Pinapatawa ko nalang kasi mukhang nalulungkot."

"Hayyyyy. Pinapa-guilty mo naman ako eh."

"Totoo naman kasi."

"Oo na. Alam ko naman kasalanan ko. Kaya mga mag sosorry tayo sa kanya diba?"

"Hay nako Tim. Sarap mo i-untog sa pader!"

"Hahahaha. Paano yan? Wala kanang poging best friend?"

"Pogi kaba? Di naman ah!"

"Hahahahahhahaha. Kainis ka!"

Pagdating namin sa mall ay agad na kaming dumiretso sa grocery at namili ng mga gagamitin para sa cup cakes.

"Gusto ko ilagay mo yung may sorry ha?"

"Hahahaha. Sige, pero ilalagay ko kung "sorry bobo ako." Hahahahah. Okay ba yun?" Asar ko sa kanya.

"Ang pangit naman niyan. Sorry lang. wag na yung bobo ako."

"Hahaha. Mas maganda pag may ganun para ma realize niya."

"Ma realize niya na bobo ako tapos di niya ako sagutin?"

"Hahahahhaah. Oo!"

"Hala!!!!! Ayaw mo ba na maging girlfriend ko siya?"

"Di naman sa ayaw pero na aawa ako sa kanya. Ang ganda-ganda niya, ang sexy, ang talino tapos sayo lang mapupunta? Hahahahha"

"Grabe ka sakin! Pogi naman ako. Varsity ng foot ball. Medyo matalino din naman ako. Ano pang hahanapin niya diba?"

"Yung tanong, stick to one kaba? Eh napaka chick boy mo kaya!"

"Sus! Dati pa yun! Good boy na to! Promise!"

"Hahahahah. Tignan natin!"

Ng matapos na kaming mamili ni Tim ay dumiretso agad kami sa bahay at nagsimula ng magluto.

"Bilisan mong magluto ha? Ihahatid pa natin yan sa bahay nila!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bilisan mong magluto ha? Ihahatid pa natin yan sa bahay nila!"

"Ha?! Ano ka? Ikaw maghatid dun mag-isa!!"

"Aira naman. Samahan mo ko. Last ma talaga to!"

"Ayoko! Tapos ano gagawin ko dun?!"

"Edi thirdwheel!"

"Edi mag-isa ka!!"

"Hahahahha. Joke lang!! Eto naman ang KJ. Sige na kasi. Promise! Mabilis lang tayo dun! Hatid ko lang to."

"Hay nako!!! Okay!!!!"

~~~~~~~

4 PM na ng matapos kong gawin ang cup cakes para kay Yumi. Ilang beses ko din kasi itong inulit kasi parang hindi ko feel ang lasa ng mga nauna. Syempre para sa kanya to kaya dapat special at masarap.

Naligo ako at nag bihis at agad na naming sumakay ng kotse para ihatid ito. Sana naman magustuhan ito ni Yumi at mawala na ang tampo niya kay Tim para wag na akong kulitin ng mokong na to.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon