28: Clingy

1.8K 45 7
                                    

Aira

Maaga pa akong dumating sa school kasama si Tim at Camille. May flag ceremony kasi kaya bawal ma late si President.

Pagkatapos ng ceremony ay nagtungo na kami sa classroom.

Nakita ko si Yumi naka upo. Hindi na naman umattend ng flag ceremony tong babae na to. Late na naman siguro.

"Late kana naman no?"

"Uy! Hi Aira. Hindi ah."

"Anong hindi? Wala ka kaya sa flag ceremony."

"Nandoon kaya ako. Di mo lang siguro ako nakita."

"Whe???  Wala ka kaya dun!"

"Paano mo nalaman? Hinanap mo 'ko no?"

"Huh? Hindi no! I just noticed na wala ka!"

"Sus. Palusot pa more! Hahahah."

"Baliw!" Sabay lakad mo palayo sa kanya at naupo na sa upuan ko.

Nagsimula na ang first subject namin at tuloy na tuloy na hanggang sa last period sa umaga.

Lunch time na ang magkasama kaming kumain ni Camille. Wala si Tim kasi sabay daw sila ni Yumi at sa labas daw sila kakain. Kami naman ni Camille ay dito lang sa canteen.

"Bat parang ang excited mo yatang pumasok ngayon Ai? Nauna kapang nagising sakin kanina ah." Tanong ni Aira.

"Di naman. Maganda lang talaga tulog ko."

"Uyyyyy. Siguro dahil kay Calvin no? Nag tetext parin ba kayo?"

"Di masyado eh."

"Uyyy. Ayaw mo pang aminin ha????"

"Hahahha. Wala nga kasi."

"Di mo nirereplayan?"

"Hindi. Hahahhha"

"Uy snob ka ha!!"

"Di naman sa ganun. Busy kasi ako buong araw kahapon."

"Ano ba ginawa mo?"

Ikinuwento ko sa kanya ang mga ginawa namin ni Tim kahapon at tuwang tuwa naman ito.

"Loko talaga yang si Tim. Kaya pala todo bawi siya kay Yumi hanggang ngayon."

"Oo nga eh. Buong araw akong busy kaya siguro mahimbing ang tulog ko kagabi kasi pagod."

"Siguro nga. Pero okay na sila ni Yumi ngayon?"

"Okay na. Nawala ang tampo ng matikman ang cup cake ko."

"Uy. Miss ko na yung cup cake mo! Wala na bang tira???"

"Wala na eh. Next time mag bi-bake ulit ako."

"Turuan mo kasi ako. So nasarapan ba si Yumi?"

"Hahaha. Oo nga. Pati mga kuya niya nga daw nasarapan eh."

"We should bake often. Para naman makapag-practice ako."

"Sige, pag di kana busy."

"Yehey! Kain kana! Heheh"

"By the way, kailan na nga pala yung buwan ng wika celebration natin?"

"Next week new. Uy sumali ka naman sa Unspoken words poetry oh! Sige naaaaa!"

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon