46: Tim's Birthday

735 23 8
                                    


8:30 PM ng dumating ako sa bahay nila ni Tim. Dito din kasi ang venue ng party niya. Malaki ang bahay nila ni Tim at may pool pa. Pagdating ko ay marami ng tao. Agad naman niya akong sinalubong at pinatuloy.

"Yumiiiii!!! Thank you at nakarating ka." Sabay yakap niya sa akin.

"Kanina paba nag start? Heto pala gift ko sayo." Sabay abot mo naman nga dala kong regalo.

"Uy thank you ha! Nag abala kapa."

"Eh ano naman? Birthday mo eh!"

"Thank you talaga. Halika ka. Pasok na tayo. Kanina pa naghihintay mga classmates natin sayo. Pati si Aira."

"Nandiyan na pala si Aira??"

"Oo naman. Kanina pa."

"Kasama ba niya si Calvin?"

"Syempre hindi. Hindi naman yun invited dito sa birthday ko eh. Hahaha"

"Ganun ba? Edi mabuti."

"Ayaw mo rin ba sa kanya? Akala ko boto ka dun para kay Aira?" Gulat na pagkatanong ni Tim sa akin.

Maging ako ay nagulat din naman sa sinagot ko sa kanya pero hindi lang ako ngapa halata at ngumiti nalang sa kanya.

Papasok sa sala nila ay hawak-hawak ako ni Tim sa kamay.

"Guys!! Nandito na si Yumi!"

Halos completo na ang buong section namin maliban kay Aira. Siya lang ang wala dito pero sabi ni Tim ay kanina pa daw siya nandito.

Marami mga hindi familiar na mukha dito sa party pero ok lang kasi nandito naman ang mga kaibigan naman.

"Yumi, kumain kalang diyan ha? Wag kang mahiya. Babalik lang ako, pupuntahan ko muna ang iba kong bisita."

"Dont worry. Sige lang, l'll be fine."

Habang kumukuha ng pagkain ay nilapitan ako ni Camille.

"Bat ngayon kalang?"

"Uy Cams! Dumaan pa kasi ako ng mall  para ibili ng gift si Tim eh."

"Ahhh. Ganun ba? Siguro na traffic ka no?"

"Oo. Sobrang lala kaya ng traffic kanina. Halos masuka ako sa byahe."

"Okay lang yun. At least nandito kana."

"Oo nga eh. Si Aira pala? Bat di ko siya nakita dito?"

"Ah- nasa kusina. Tinutulungan yung cook nila Tim na ihanda yung desserts."

"Ahhhh. Okay."

"May tanong ako sayo."

"Sure. Ano yun?"

"Kamusta na pala panliligaw ni Tim sayo? May progess ba?"

Nagulat ako sa tanong ni Camille at hindi ko alam ang isasagot.

"Tagal na niyang nanliligaw ah. Naunahan pa yata kayo ni Aira at Calvin."

"Ah- Oo nga eh." Tipid kong pagkasagot.

"Binasted mo na ba si Tim?"

"Hindi pa naman."

"Eh bakit wala parin? May iba ka bang gusto Mi?"

"Huh??? W-wala naman Cams!"

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon