55: Weak

451 13 2
                                    


"Ma, ano daw sabi ni doc?"

"Hinihintay nalang yung last laboratory mo anak. Doon na agad mag dedesisyon kung anong susunod na gagawin."

Tatlong araw na ako dito at ang dami dami pang ginagawang result. Pakiramdam ko mas lalo akong humihina. Madalas din akong hinihingal na parang hinabol ng aso.

Padalas ng padalas ang paninikip ng dibdib ko na parang ang hirap hirap huminga. Minsan umaabot ang sakit sa lalamunan at nawawalan akong ganang kumain.

Congenital heart disease. Nalaman nalang namin ito noong elementary ako. Palagi akong nahihimatay dati sa school at buti nalang nandiyan palagi si Tim at Camille.

Maya-maya lang ay nakatulog ulit ako at pag gising ko ay nandito na si Tim at Camille

"Nandiyan pala kayo? Wala nabang class?"

"Umabsent kami ni Tim ng last period para dalawin ka? Kamusta ka Ai? Kelan ka lalabas? Tanong ni Camille

"Di ko pa alam eh. Hinihintay pa yung mga result." Mahina kong pagkasagot.

"Parang ang hina-hina mo ah. Anong nararamdaman mo?" Alalang alala si Tim.

"Parang ang pagod lang tsaka ang bigat ng katawan ko."

"Hayyy. Pagaling kana Aira. Ay wait, mag pinabibigay si Yumi." Sabay abot nito ng maliit na box.

"Ano to?" Tanong ko.

"Buksan mo nalang."

Agad ko din itong binuksan.

"Ang cute naman niya Tim. Ang thoughtful masyado ni Yumi no?"

Isang maliit na snow globe na sobrang ganda.

"Niyaya ko siya kaso baka daw hindi mo magustuhan na nandito siya kaya umuwi nalang." Paliwanag ni Tim.

Ngumiti lang ako. Sa totoo lang ayokong makita ako ni Yumi na ganito ang sitwasyon. Pero masaya ako sa regalo niya. Kahit papaano ay ngumiti ang puso ko.

"Yan, ngiti kalang kahit ang putla putla mo." Asar pa ni Tim.

Daming kinuwento nila Camille at Tim sa akin hanggang sa di ko namalayan naka tulog na pala ulit.

~~~~~~~~~~

Nagising ang diwa ko sa boses ni Mama at ni Tita Carla, yung ate ni Mama. Gising nga ako pero nakapikit parin. Parang wala akong lakas imulat ang mga mata ko.

Narinig kong umiiyak si Mama at pinag uusapan nila ang operasyon ko.
Kailangan na daw talaga ng heart transplant sa soon as possible.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero nangingibabaw ang takot. Ang dami daming tanong na sabay pumapasok sa isip ko. Kung kakayanin ko ba ito? Kung makakatulong ka talaga sakin ang operasyon? o kung mamatay na ako?

Ang dami dami ko pang gustong gawin.
Masyado pa akong bata para mawala. Ayokong iwan ang pamilya ko pati na mga kaibigan. Awang awa na ako kay Mama kasi alam kong pagod na pagod at nahihirapan nadin siya sa akin.

Bahala na kung anong mangyari sa akin pero gusto ko lang maging masaya sa mga matitirang araw ng buhay ko.

~~~~~~~~~~~

Dalawang araw na ang lumipas

Masaya ako kasi makakauwi na kami. The doctor advised na sa bahay nalang daw ako magpapahinga. Medyo naging normal na daw kasi ang heart rate ko kaya maaring sa bahay nalang muna.

Miss na miss ko na ang kapatid ko at ang kwarto ko.

Tanghali ng dumating kami sa bahay at sinalubong ako ni Camille. Sinamahan ako nito sa kwaro para bantayan.

"Wala kabang gagawin ngayon araw?" Tanong ko sa kanya.

"Meron, samahan ka. Unless kung gusto mong mapag-isa?"

"Di naman. Hehe kamusta pala sa school? Tapos na ang ang graduation?"

"Oo, kahapon. Wait, anong nangyari sa inyo ni Calvin? Bat puro broken hearted qoutes yung laman ng wall niya?"

" Wala na kami Cams."

"What?! Bakit?!" Nanlaki ang mata ni Camille

"Hiniwalayan ko!"

"But why? Kwentuhan mo nga 'ko"

"I just felt na hindi lang talaga ako yung para sa kanya. I feel guilty everyday kaya ayoko ng patagalin."

"Are you serious? Hindi ba to dahil kay...."

"Alam nga nya eh."

"Ano?! Alam niyang ano?!"

"About how I feel for Yumi."

"Oh my goodness sinabi mo sa kanya? Umamin ka?!"

"Hindi. Sabi niya nahahalata niya daw pero di na sinabi sakin kasi gusto niyang isipin na mali siya."

"Oh no! Kawawang Calvin. Is he mad at you?"

"He's not. Sabi pa niya he won't judge me and wanted the best for me. Sobrang buti niyang tao Cams."

"Oo nga. Kung ibang lalaki lang yun, siguro pinag kalat na niya na tomboy ka."

"Mas lalo kong na realize na hindi ko sya deserve. Tsaka sa Davao na siya next school year. Kukunin na siya ng Dad niya."

"Hayyy ang sad. So anong plano mo? Aagawin mo si Yumi kay Tim? Hahahaha"

"Baliw kaba? Kahit kailan di ko gagawin yun."

"So whats your plan?"

"Heart transplant, I guess?"

"Totoo Ai?"

"Yup, yun ang dinig ko kay Mama. As soon as possible daw."

"C'mon seriously?"

"Yeah. So sulitin mo na lahat ng araw nakasama mo pa ako."

"You crazy?! Kaya nga magpapa transplant para gumaling diba?!"

"What if hindi? What if it might go to worst?"

"Wag ka ngang ganyan! Nakakainis ka naman eh!"

"Hahahah. Seryoso ako Camille"

"No! Everything will get better ok? Kailan ba operation mo?"

"Di pa namin napag uusapan ni Mama eh. Di naman siya nag kukwento sa akin pero feeling ko sa US. Sa Tita ko, yung nurse. Mas magagaling daw doctor doon eh."

"Ok lang kahit iwan mo kami dito basta magpagaling ka doon ha!" Bakas ang lungkot sa mga mata ni Camille.

"Oo naman. Dami ko pang gustong gawin eh!"

"Yan! Thats the spirit! Jojowain mo pa si Yumi!"

"Hahahaha! Impossible na yun!"

"Bakit naman? Walang imposible basta magpagaling ka! Aagawin natin siya kay Tim! Hahahahahahah"

"Ayoko ko nga ng ganyan. Mahal ko si Tim. Mas mahal ko siya kesa kay Yumi."

"Haha joke lang yun! Pero naka pag thank you kana ba sa kanya?"

"Kanino kay Yumi?"

"Sino pa ba? Ang cute kaya ng binigay niya sayo."

"Hindi pa nga eh. Iniisip ko na nga tawagan siya o ichat"

"Tawagan mo nalang go na!"

"Nahihiya ako."

"Magpapasalamat kalang naman eh."

"Call her now na!"

"Di ako sure if same parin number niya."

"Just try! Go na kasi!"

Parang gusto kong sundin ang sinasabi ni Camille pero natatakot ako. May part na gusto ko ng mag move on totally pero may part din na gusto kong ayusin kami.

Ang gulo! Simula noon hanggang ngayon ang gulo talaga ng isip ko pag si Yumi na ang pinag uusapan! Kainis!

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon