42: Sports Fest (part 3)

1.4K 39 8
                                    

Aira

3rd day na ng Sports Fest at may laro mamaya sila Calvin. Kakalabanin nila ang grade 8. Pagnanalo sila dito ay makakalaban nila ang grade 9 sa finals. Ito na ang pinaguusapan ng lahat. Papunta palang kami ng school ni Tim ay panay trash talk na ito sa grade 10 na maglalaro mamaya at lalong lalo ka kay Dave.

"Puro pa cute lang naman sa court yun eh. Tignan mo mamaya. Hahahah"

"Sino? Si Calvin." Tanong ko."

"Hind, si Dave pero yang Calvin mo pa cute din!! Pa angas-angas sa court wala naman noong sinipan ko."

"Ayan kana naman."

"Oh bakit totoo naman ah! Bakit? Inlove kana ba sa mokong na yun!"

"Tim naman! Ayoko lang maulit yung nangyaring gulo last time."

"Di naman mauulit yun kung di ako uunahan ng grupo nila eh. Mas lalo ng iinit ang ulo sakin ng tropa nila, binasted ni Yumi si Dave eh. Hahaha"

"Tim ayoko ng gulo ha!"

"Good boy na kaya ako! Basta wag lang nila akong uunahan! Diba?"

"Kahit na. Magparaya ka nalang kasi"

"Sus! Tapos?! Di pwede yun! Eto mamaya makakalaban nila si Francis, syempre alam nila na pinsan ko yun kaya papahirapan nila yan sigurado."

"Di naman siguro. Wala naman silang ayaw ni Francis eh!"

"Oo nga pero pag pinuruhan talaga nila yung pinsan ko humanda sila sakin!"

"Kakasabi ko lang ng ayaw ko ng away diba? Tim naman please?"

"Hayyyyy."

"Sige na please? Please?"

"Okay-okay! Pipilitin kong maging kalmado"

"Promise yan ha?"

"Di ko mangagako. Gagawin ko nalang. Okay?"

"Okay!!!"

"Good!"

Pagkatapos dating namin sa school ay dumiretso kami kaagad sa classroom. Nandoon nakatambay ang iba naming classmates at ang iba naman ay nanunuod ng board games at badminton. Hinanap namin si Yumi pero wala ito doon kaya pinuntahan siya namin ni Tim sa Student's council at baka kasama siya ni Camille.

"Oh! Bat ngayon lang kayo?" Tanong ni Camille sa amin ni Tim.

"Si Aira kasi ang bagal eh. Si Yumi wala ba dito?"

"Nanunuod ng badminton si Yumi."

"Ganun ba? Tinatawagan ko siya pero di siya sumasagot eh."

"Eh nandito phone niya oh! Naka charge!"

"Ahhhhhh. Kaya pala!!!!!!"

"Sige punta na 'ko doon! Sama ka Ai?"

"Dito nalang muna ako Tim."

"Okay!"

Nagmadaling umalis ni Tim para puntahan si Yumi. Ako naman at naiwang naka upo si table ni Camille.

"Kamusta yang puso mo?" Tanong nito habang naka upo sa tabi ko.

"Huh?! Okay naman. Di naman ako nagpapa-pagod eh."

"Alam ko. What I mean is yung laman ng puso mo."

"Ayyyyy. Hahahahah!"

"Si Calvin na ba talaga?"

"Hmmmmm. Ginagawa ko lang yung sinabi mo Cams."

"Talaga? Buti naman kung ganu. Pero yung totoo? Sino na?"

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon