44: Right thing

2.1K 47 30
                                    

2 months after

Ilang buwan na rin ang dumaan at ngayon ay December na. Masyadong mabilis ang mga araw at hindi ko akalain na magpapasko na naman ulit.

Saturday ngayon at walang pasok. Nagising ako sa tawag ni Calvin.

"Goooooood morning sungit! Happy monthsary and Merry Christmas!"

"Hahahaha. Ang aga mo namang nagising. Hindi ako masungit no! Tsaka, December 1 palang po. Malayo pa po ang pasko! Hahaha! Happy monthsary din!!"

"Eh ano naman? Excited na 'ko!! Heheh. Kagigising mo lang ba? Pakiss naman sa lablab ko."

"Hahaha. Di pa nga ako naghihilamos eh. Ayoko nga!"

"Bakit naman? Okay lang sakin kahit amoy laway kapa! Hahahah"

"Hahahah. Talaga?! Sige! Hahahah."

"Haha. Miss na kita agad. Ang pangit ng umaga pag hindi kita nakikita! Hay nako!"

"Ang OA mo naman. Buong araw naman tayong magkasama kahapon ah!"

"Ganyan kita ka mahal eh. Ano naman ngayon?"

"Sus! Talaga?"

"Duda kapa talaga no?"

"Naniniwala na 'ko. Heheh. Sige na lablab maghihilamos muna ako ha?"

"Okay lablab. Mag breakfast ka narin agad ha? Magkita tayo mamayang hapon okay? I love you so much Aira ko."

"Hahahaha okay! Okay! Sige. I love you din. Bye!"

Oo, kami na ni Calvin dahil sinagot ko na siya noong October pa. Noong una ay parang hindi tama ang nararamdaman ko pero ngayon parang okay nalang din naman. Mahal ako ni Calvin at ramdam na ramdam ko yun. Alam na niya ang tungkol sa sakit ko at nangako naman ito sa akin na hindi niya daw ako sasaktan at paiiyakin kailanman.

Botong boto si Camille at Mama sa kanya pero si Tim ay hindi masyado. Hindi parin niya pinapansin si Calvin kahit nag sorry na ito sa kanya. Hindi ko alam kung ano pa ba ang ikinagagalit ni Tim kay Calvin kahit ilang beses na siya nitong kinausap. Hanggang ngayon ay hindi parin naging sila ni Yumi. Mukhang nagkakalabu-an na din sila. Hindi na sila madalas magkasama ni Yumi at si Tim din ang may sabi na parang nawawalan na siya ng gana kay Yumi. Hindi ko naman nakakausap si Yumi kasi parang siya naman ngayon ang naging cold sa akin ng naging kami ni Calvin. Oo, aaminin ko na miss ko na ang dati naming closeness pero siya na talaga ang lumalayo sa akin eh.

Aaminin ko rin na hanggang ngayon ay naiisip ko parin siya. Kahit kami na ni Calvin ay hindi parin nagbago ang pagtingin ko sa kanya. May mga oras na pinagmamasdan ko parin siya habang nasa classroom kami. May mga araw na gusto ko siyang makasama at maka-kwentuhan pero everytime I approach her ay umiiwas ito at iniiba ang usapan. Minsan nga nagtataka ako kung bakit siya ganito eh. Hindi naman siguro siya magkakaganito ng walang rason o talagang assuming lang ako na affected siya. Ang sakit sa ulo isipin, bahala na.

Hapon na ng tawagan ko si Tim at Camille na pumunta sa bahay para tikman ang ginagawa kong cup cakes. Agad naman silang dumating sa bahay ng sabay.

"Wow!!!!!! Mukhang inspired ka ngayon mag bake ah! Ang dami naman niyan!" Sabay kuha ni Camille ng cup cake sa mesa.

"Syempre inspired kay lablab niya!" Sagot naman ni Tim.

"Hahaha. Monthsary kasi namin ni Calvin now. Oh, ano lasa? Okay ba?"

"Oo naman! Ganun parin yung lasa Ai, walang pinagbago." Sabay akbay ni Tim sa akin.

"So feeling mo masasarapan si Calvin?"

"Ewan ko nalang sa taste ng boyfriend mo!"

"Tim naman! Bat ba ang bitter mo parin kay Calvin until now?"

"Wala akong tiwala sa kanya eh. Concern lang ako sayo kasi mahal kita Ai."

"Alam ko naman yun Tim pero pwede bang wag mo nalang siyang awayin?"

"Oo nga Tim. Magkipag-bati kana kasi Calvin para mas maging happy na si Aira."

"Okay-okay!"

"Talaga???????"

"Oo na!"

"Yehey! Thank youuuuuuu!" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Pero kapag pina-iyak ka ng mokong na yun, lagot talaga siya sakin."

"Hahaha. Bakit? Susuntukin mo?"

"Tatadyakan, sasakalin at ihahampas pa sa pader!"

"Ouch! Hahah sige, babalaan ko na siya ngayon palang. Hahahah!"

"Eh kayo ni Yumi, Tim? Ano na?" Tanong naman sa kanya ni Camille.

"Mas gusto ko na si Andrea eh.

"Huh???!!! Bakit???!!!"

"Wala naman yata akong chance kay Yumi. Sobrang tagal ko ng nanliligaw oh! Di ko na nga siya pinapansin masyado."

Agad kaming nag tinginan ni Camille.

"Bakit?"

"Ano ba nakita mo sa Andrea na yun? Mas maganda naman si Yumi dun eh."

"Mas daring si Andrea eh. Mas aggressive. Hahah!"

"Manyak mo! Bwiset ka!" Sabi pa ni Camille.

"Kung ganyang lang naman pala ang habol mo sa mga babae eh tamang tama naman pala na hindi naging kayo ni Yumi. Desenteng babae siya kaya hindi siya pwede sayo." Sabay duro ko sa dibdib ni Tim.

"Uy!  Chill. Ang OA niyo naman masyado. Sino ba best friend niyo? Ako o si Yumi? Eh wala naman yata akong chance dun eh. Tagal tagal ko na kayang nanliligaw!!!"

"Eh parang di ka naman seyryoso sa panliligaw mo eh". Sabi pa ni Camille.

"Masyado kang mayabang para kay Yumi. Mas mabuti pa nga na kay Andrea ka nalang. Sayang lang si Yumi sayo." Sabay talikod ko sa kanila."

"Ang seryoso mo naman ay!! Bumalik ka nga dito." Sigaw pa ni Tim habang ako naman ay paakyat na ng hagdan.

"Maliligo na ko. Aalis kami ni Calvin."

Naiwan silang dalawa ni Camille sa baba at nang matapos na akong mag ayos ay wala na sila.

Mayamaya pa ay dumating na ang sundo ko. Nanood kami ang movie at kumain sa labas. Simpleng date lang ay ok na sa akin. Bago mag 9:00 PM ay nasa bahay na ako at hinatid din ni Calvin.

Sobra akong napagod sa paglalakad sa mall kaya nakatulog na agad ako. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako nakapag reply sa mga text at tawag ni Calvin. Siguradong pikon na pikon na naman sakin yun.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon