19: Election day

1.7K 42 6
                                    

Yumi

Friday

Pagka-tapos ng Flag Ceremony yung program para sa election. Magbibigay ng speech ang bawat parties na kasali at ang bawat candidate sa harap ng lahat ng estudyante. Medyo kinakabahan ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Memorize ko na ang mga sasabihin ko kaya dapat maging smooth na ang pagsasalita ko mamaya.

Napaka overwhelming naman ng supporta ng mga classmates ko pati na ni Camille.

Nagsimula na ang program and we are waiting for our turn to deliver our speech. Habang naka upo ako sa kilid ay nakita kong nag pipicture si Aira sa harap.

I feel strange kasi kumaway ito sa akin at ngumiti. Nakakapagtaka lang kasi bigla itong naging mabait sa akin at hindi na nagsusungit. May sakit siguro to eh. Kahit hindi man kami nag uusap sa loob ng classroom ay feeling ko nag iba talaga ang pakikitungo niya sa akin. Ngumingiti na ito sa akin na para bang friends na talaga kami. Kung ano man tong ginawa niya ay gusto ko to.

Now it's my turn to speak at nakita ko siyang pumwesto sa harap ng stage para picturan ako. Hindi ako nailang sa dami ng tao sa harap ko kundi sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya talaga ako pag nakatingin ito sa akin. Para akong matutunaw sa gitna ng stage habang nasa harap ko siya. Sa awa ng Dios ay nairaos ko din ang speech ko ng hindi nagkakamali. Dali-dali akong lumakad papuntang back stage at huminga ng malalamin.

"Ang galing mo ah." Paglingon ko ay si Aira.

"Di ba halatang kinakabahan ako?"

"May kaba na pala yun? Parang relax na relax ka nga eh. Congrats. Alam kong ikaw ang mananalo."

"Thank you ha? Sana nga."

Ngumiti ito sa akin at nagpaalam.

~~~~

After ng program ay didiretso na sa mga classroom para bumoto. Suspended ang buong classes namin ngayon araw kasi after ng lunch time ay  bibilingin na lahat ng votes at para ngayong araw din malalaman kung sino ang nanalo.

Pagkatapos kong bumuto ay nakatambay na ako sa office ni Camille with our party.

Pinutahan ako ni Dave at may dala itong pagkain. Si Dave yung kasama ko sa dance troop na nanliligaw din sa akin. Kinamusta ako nito at sinabayan sa pagkain. Medyo consistent din ito sa panliligaw at napaka maginoo.

Habang kumakain kami ni Dave ay may tumawag sa akin.

Si Tim at si Aira na may dala dalang pagkain.

"Uy. Kain tayo." Yaya ko sa kanila.

Nakita kong naging malungkot ang mukha ni Tim ng makita niyang kasama ko si Dave na kumakain.

"Sige. Binilhan din pala kita ng pagkain oh. Para lang sayo to." Sabay abot ni Tim ng pagkain sa akin.

"Wow. Dami naman nito. Sabayan mo na kami dito oh. Upo kayo."

"Wag na. Tapos na kaming kumain ni Aira eh."

"Eh di pa naman tayo kumakain ah!"

"Tapos na tayo diba? Diba? Diba?!!!!!!"

"Ah Oo nga Yumi. Kaka-kain lang pala namin. Sige. Alis na kami." Sabi pa ni Aira.

"Sige. Thank you dito ha?"

"You're welcome. Goodluck mamaya. I know ikaw ang mananalo."

"Thank you ulit Tim."

"Sige, bye!"

Nagpaalam na nga silang dalawa at lumakad palayo. Nagpatuloy kami sa pagkain ni Dave at kwentuhan.

Naghihintay na kaming lahat ng result at nandoon din si Dave kasama ako until the final count.

Nag naipost na ang result ay masaya akong nakita ang pangalan ko na nakatanggap ng pinaka maraming boto at halos lahat kami sa party ay nanalo. Malakas talaga ang grupo ni Camille at magagaling.

Masaya akong sinalubong ng mga classmate at proud daw sila sa akin.
Habang nagsasaya kami ay lumapit si Tim sa akin.

"Congrats Mi. I knew it."

"Thank you Tim ha? Pero bakit parang malungkot ka?"

"Hindi ah. Masaya nga ako para sayo eh."

"Yung totoo. Dahil ba to kay Dave?"

"Kayo naba?" Seryoso nitong tanong.

"Sabi ko na nga ba eh. Hindi. Nanliligaw lang din siya."

"Ganun ba? Ahmmm. Pwede ba kitang yayaing kumain mamaya? Mag celebrate naman tayo oh. Libre ko!"

"Oo ba, kung mahihintay mo ako. May meeting pa kasi kami mamaya ng 4:00 PM sa Student's council eh."

"Oo naman. Hihintayin kita. Kahit habang buhay hihintayin kita."

"Hahahaha. Ang corny mo!"

"Ganyan ako ka seryoso sayo Yumi."

"Talaga??? Hmmmmm. Okay."

Ramdam ko ang pagka-sincere ni Tim sa mga tingin nito sa mata ko.

~~~~

5:30 PM ng matapos ang meeting naming ay nakatanggap ako ng text kay Tim na naghihintay daw siya sa isang Japanese restaurant na malapit sa school namin.

Agad naman akong pumara ng taxi at nagtungo doon.

Pagdating ko ay hindi ko siya mahanap.   Umupo muna ako ay tinawagan siya.

After 15 minutes ay may dumating na. Nagulat ako ng hindi ito si Tim.









Si Aira. Si Aira na may dala-dalang malaking stuffed toy.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon