2: Not again

3.6K 74 0
                                    


Kinabukasan ay maaga pa akong dumating sa school. Kailangan kong unahan si... si... nakalimutan ko yung pangalan niya pero basta yung transferee na nang agaw sa akin ng upuan. I need to be early para ako ang maka una sa upuan ko at bahala siyang mag hanap ng mauupuan niya.

"Oh Aira, ang aga mo pa ah! Di mo man lang kami hinintay ni Camille." Sabi ni Tim.

"Sorry ha? I just need to be early eh."

"Bakit naman? Tsaka bakit ka nandiyan? Saan uupo si Yumi?"

"Ahhh. Yumi pala pangalan nun!"

"Oo! Yumi."

"Wait lang! Diba upuan ko to? Inagaw niya lang sakin kahapon to eh. Dahil nauna ako, siya na ngayon ang uupo sa likod."

"Hala. Kawawa naman siya."

"Edi ikaw dun sa likod. Siya diyan sa upuan mo! Hero ka eh!"

"Ang aga-aga ang sunggit mo!"

"Ang aga-aga ang bwiset mo!!!"

Hindi na sumagot si Tim at pumunta na sa upuan niya. Maya-maya pa ay dumating na si Yumi at dumiretso sa seat ko. Nagulat ito ng nakita niya akong naka upo dito at napa tayo nalang sa harap ko habang ako naman ay pangiti ngiti lang sa kanya. I think she's really pissed.

"Uhmmm Yumi!! Dito kana oh." Sabi pa ni Tim. Ang lalaking to talaga masyadong epal!

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Sige na, halika na."

"Eh saan ka uupo?"

"Don't worry, doon nalang ako." Sabay turo niya sa upuan ko kahapon sa likod.

At ayun na nga, umupo din siya sa upuan ni Tim na dalawang upuan lang ang pagitan sa akin. Pa ngiti ngiti lang si Tim sa akin sabay senyas ng naka 1 point daw siya but I just rolled my eyes on him.

English class na naman with our terror teacher. I'd better behave now at baka tumayo na naman ako sa likod gaya kahapon.

Fast forward

Last period na namin ngayon umaga before mag lunch. Chemistry ang subject namin ngayon. Nasa laboratory kami when our teacher asked us to check something under our seats.

Parang game lang to sa mga birthday party ah.

Agad kong tinignan kung anong meron under my seat at kinuha ko ang sticky notes na may nakasulat na element sa periodic table. Fe ang nabunot ko. Hindi namin alam lahat kung anong gagawin namin dito hanggang nag explain na ang teacher namin.

"Alright class??? Nakuha niyo na ba lahat yung note under your seats?"

Sabay naman kaming lahat na sumagot.

"Okay, may tag-dadalawang element akong nilagay sa upuan niyo, libutin niyo ang buong lab at hanapin kung sino ang magiging partner niyo dito sa lab for the whole school year."

Si teacher talaga, mahilig masyado sa mga gimick.

Nagsimula ng gumulo ang buong lab at naghahanapan na ng partner. Habang ako naman ay naghihintay lang sa upuan ko. Okay na sa akin kahit sinong mapili basta wag lang yung Yumi.

Nakailang tanong na ang mga kaklase ko sa akin hindi ko parin nakikita ang partner ko until I saw Yumi na naghahanap parin until now gaya ko.

"Who else ang hindi pa naka hanap ng partner nila?" Tanong ng teacher.

Nakita kong nag raise ng hand si Yumi kaya kinabahan na ako. Lumapit ito sa teacher namin at pinakita ang hawak niyang sticky note.

"Sino ang naka bunot ng Fe????"

Lagot! Partner nga kami.

Agad akong tumalikod at dahan dahang nag raise ng aking kamay.

"Oh, there. Ms. Tan, puntahan mo na si Ms. Flores at siya pala yung partner mo."

Gusto kong sumigaw sa sobrang pagkapikon at bakit siya pa ang naging partner ko sa dinami dami namang iba dito.
Agad na lumapit si Yumi sa akin para tumabi at mukhang bad trip din ito sa akin.

"We don't need to be friends. If ayaw mo, mas ayaw ko to."

Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya sa akin pero hindi na ako sumagot at baka ma mura ko lang siya. Tumango nalang ako at hindi na kumibo.

Nag discuss lang ang teacher namin ng few topics na tatahakin at nag paalam narin.

Salamat naman at lunchtime na.

Chemistry na yata ang pinaka hate kong subject.

Habang palabas ako ng lab ay nakita ko ng naghihintay na si Camille para sabay kaming kumain. Kasama sana namin si Tim pero may meeting daw siya sa team niya.

"Oh? Nasabugan kaba agad ng chemicals?" Tanong niya habang papunta na kami ng food court.

"Huh?"

"Eh naka simangot ka kasi!!"

"Ang malas malas ko naman kasi Cams. Sa dinami dami ng pwedeng makapartner eh si Yumi pa. Ang taray taray niya!!! Urggggggg!!!"

"Hahahahah talaga? Ano ba sinabi sayo?!"

"If ayaw ko daw siyang maging friends, mas ayaw niya din."

"Talaga? Sinabi niya sayo yun? Hahahaha! Eh baka naman kasi inunahan mo."

"She started first not me!!"

"Hay nako. Tama na. Kumain na lang tayo."

Umorder na ng pagkain si Cams at naiwan akong naka upo. Naiisip ko ng mag drop sa chemistry subject namin at sumali nalang sa chemistry ng ibang section o di kaya kausapin ang teacher namin na magpalit nalang kami ni Tim ng partner. Gusto naman siyang ka partner ni Tim eh. Tama! Yun na lang nga ang gagawin ko para malayo lang sa anino ng bruhang yun!

Hayyyyyy! Pag minamalas nga naman talaga oh!





The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon