40: Sports Fest

1.4K 44 15
                                    


Ngayong araw na ang opening ng Sport Fest. Napaka colorful na ng school namin at busy na lahat ng estudyante. Habang ako'y nasa Student's council, biglang dumating si Aira kasama si Calvin at hinahanap nila si Camille.

"Uy, Yumi!!! Si Camille nandito na ba?"

"Ah-Oo. Nasa loob. Pasokin niyo nalang."

"Sige, tara Vin!"

Dumiretso silang dalawa sa loob at mabilis ding lumabas.

"Alis muna kami Mi. Goodluck sa cheering mamaya." Sabay apir nito sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita at tumango nalang ako sa kanya. Agad naman silang lumabas ni Calvin at nagkukulitan pa. Nakakairita tignan.

"Bagay sila no?"

Nagulat ako ng paglingon ko ay nasa tabi ko na pala si Camille. 

"Ha?! Sino??????" Kunwari ay hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Edi si Aira at Calvin. Palusot kapa eh tinititigan mo sila hanggang sa makalayo eh. Hahaha!"

"Uy hindi ah! Iba tinitignan ko."

"Sus! Kunwari kapa. Hahah. Pero bagay sila dba?"

"Ah O-Oo naman. Silang dalawa na ba?"

"Hindi pa. Bakit?"

"Sabi kasi ni Dave silang dalawa na eh."

"Hahahah. Sino daw may sabi kay Dave? Imposible!"

"Si Calvin daw. Bakit imposible?"

"Sus! Assuming lang yang si Calvin. Ahhaha. Imposible kasi iba ang gusto ni Aira."

"Huh? Sino?"

"Ah-ano.. I mean, iba pa ang gustong gawin ni Aira at hindi pa yung pumasok sa isang relasyon. Yun!!"

"Ahhhhh. Akala ko kasi talaga sila na eh."

"Eh ano naman? Diyan naman silang dalawa pupunta for sure."

"Wala lang. Tama ka naman, diyan naman talaga sila pupunta."

"Eh bat ang lungkot mo? Di kaba masaya para kay Aira?"

"Huh? Di ako malungkot no! Masaya nga ako eh. Okay na okay sakin." Sabay ngiti ko kay Camille.

"Ahhhhh. Ako din masaya para kay Aira. So kamusta pala kayo ni Tim? Mamaya na yung first game nila oh."

"Di kami nagpapansinan ni Tim eh. Nagseselos siya kay Dave. Eh wala naman siya sa lugar magselos eh. 1 week na kaming di nag uusap. Di niya alam binasted ko na si Dave."

"Loko talaga yang si Tim. Hayaan mo nalang muna. Sigurado siya naman ang unang lalapit sayo."

"Di ko nga siya maintindihan eh. Minsan ang bait bait niya sakin tapos ang sweet minsan naman parang ayaw akong pansinin."

"Talaga? Sira ulo kasi talaga yan. Pagpasensyahan mo nalang siya ha?"

"Di ko na nga lang pinapansin eh."

"Hahaha. Buti pa nga."

Naputol ang usapan namin ng tawagin na ako ni Marie para mag make up na at magbihis. Naghahanda na kasi kami para sa cheering mamaya. 10 AM pa ang opening kaya marami pa kaming oras maghanda kasi 7:30 palang naman.

Hindi ko alam pero parang nagwoworry ako. Merong mabigat sa loob ng dibdib ko na pumipigil sa akin na ngumiti. I feel so down right now na parang gusto kong umiyak.

Ilang oras din ang lumipas ay nagsimula na ang opening ceremony ng  event. Makikita mong hyper ang halos lahat ng estudyante.

Cheering na at nagsimula ng sumyaw ang grade 7. Medyo okay din naman sila pero mahina, humanda sila sa sayaw namin. Natapos na ang grade 8 at sa wakas ay kami na. Habang sumasayawa kami ay hinahanap ko kung nanunuod ba sa amin si Aira. Nakita pero hindi ko siya mahanap kaya nag concentrate nalang ako sa ginagawa ko.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon