35: Unfair

1.5K 40 11
                                    

Aira

"Ai, Tara bilis!" Sabi ni Tim habang hinihintay ako sa labas ng gate.

Magkasama kaming tatlo ni Camille papuntang school. Hindi ko alam bat ang aga-aga ng mga to eh hindi naman Monday ngayon.

"Oo ayan na. Bye Ma." Sabay halik ko sa pisngi ni Mama.

"Bat ang aga-aga niyo namang dalawa?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Di ko alam dito kay Tim." Sabi ni Camille.

"Syempre mas magada pag hindi tayo late diba?" Sagot naman ni Tim.

"Talaga? Nakakapanibago ka." Sabi ko naman.

"Hahahaha. Palagi kaya akong early."

"Oo na! Sige na."

Sabay kaming sumakay ng taxi papuntang school at pagdating namin doon ay wala pang masyadong estudyante pero nandoon na si Yumi. Ng makita ko siya ay nagpasya muna akong magtungo muna sa Editor's office.

"Alis muna ako ha? Wala pa naman eh." Paalam ko kay Tim. Wala na si Camille kasi dumiretso din sa Student's council office.

"Uy saan ka?" Tanong ni Tim na tipong pipigilan pa ako.

"Sa Editor's office. Bakit?"

"Tara na muna sa classroom."

"Wala pa naman eh."

"Sige na, may sasabihin ako sayo." Sabay hawak nito sa aking kamay.

"Mamaya nalang. Ang dami pa naman nating oras eh."

Pagtingin ko sa bintana ay nakatingin din sa amin si Yumi kaya kumalas ako kay Tim at nagmadaling lumakad palayo.

Inalagay ko muna sa locker ko ang aking camera at naghintay hanggang sa mag ring yung bell at agad ng lumabas.
Pagdating sa classroom ay nandoon na ang aming teacher kaya dumiretso na ako sa aking upuan.

Chemistry

Magkaharap ang table namin sa table nila Tim at Yumi. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila pero tawa sila ng tawa at panay tingin sa akin ni Tim. Hindi ko maintindihan ang tingin niya pero para may iba itong ibig sabihin. Nagkukulitan silang dalawa ni Yumi sa harap ko na hindi naman usual nilang ginagawa sa loob ng classroom.

Lunch time

Habang papalabas kami ng Chemistry Lab ay niyaya ako ni Tim at Yumi na kumain.

"Saan tayo kakain?" Tanong nito sabay akbay sa akin.

Timing din na nakita ko si Calvin sa harap ng classroom namin at nakahanap ako ng lusot.

"Ah- kasi magkasama kaming kakain ni Calvin eh. Kayo nalang muna ni Yumi kumain. Daan niyo nalang din si Camille."

"Ganun ba? Okay." Sabi pa ni Yumi."

"Sige, next time nalang ha?"

Nagmadali na naman akong umalis at hinabol si Calvin. Hindi ko alam kung saan ito pupunta pero bahala na.

"Calvin! Calvin!"

"Oh, Aira! Saan ka? Kakain kana ba? Sabay na tayo."

"Sige ba, tara na?"

Hinawakan ko si Calvin sa braso at lumakad na kami papuntang canteen.

"Bat naisipan mo namang sumama sakin? Akala ko ba sila Tim at Aira kasama mo?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayaw mo. Gustong gusto ko nga na kasama ka palagi eh. Syempre naninibago lang ako."

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon