29: Roof Top

1.6K 40 1
                                    

Aira

Friday

Last day na ng aming celebration para sa buwan ng wika. Kahapon ay puro palaro lang at ngayon na ang mga main events.

Nandito ako ngayon sa Student's council office at nag mamakaawa na wag ma akong isali sa unspoken words poetry na yan pero ayaw talaga pumayag ni Camille at inilista na ang pangalan ko.

"Cams please! Hindi ako nakapaghanda. Wala akong sasabihin mamaya dun. Please naman."

"Sinabihan na kita diba? Bat di ka nag handa?"

"Eh ayaw ko kasi. Nahihiya ako."

"Free style ka nalang. Kahit ano nalang ang pumasok sa isip mo. I know kaya mo yan."

"Paano pag na blanko ako? Camille naman oh!"

"Never kang na blanko. Tsaka naipasa ko na yung name mokaya wala ng bawian Ai."

"Nakakainis ka naman eh. Gusto mo talagang mapahiya ako."

"No! Gusto kong makita nila ang talent mo. Gusto kong manalo ka."

"Eh ano nga sasabihin ko dun?!"

"Kahit ano nga. Yung mga nasa isip mo. Yung laman ng puso mo. Yun lang. kayang kaya mo yan! Ikaw pa!"

"Ikaw talaga ang papatay sakin!!!"

"Hahahaha. Hindi ah! Malay mo, pag nakita ka ni Calvin dun mas ma iinlove siya sayo tapos liligawan kana niya."

"Sinabi niya liligawan niya na daw ko eh."

"Huh?! Talaga? Sinabi niya?! So ano sabi mo? Pumayag ka?!"

"Sinabi ko bahala siya."

"Edi pumayag ka nga!!! Hahahahahahhaa. Uyyyyyy!!!! Ayan na bes! Malapit kanang magka love life. Take it easy ha? Mahirap na. Hahahah"

"Hahahaha. Ayoko naman siyang sagutin agad eh. Tsaka sabi ni Yumi dapat kilalahin ko daw muna ang tao bago pumasok sa isang relasyon."

"Tama nga naman si Yumi. I know you can trust him. Kilala ko si Calvin. Mabait na tao yan."

"Hayyyy! Ang ganda ko no?"

"Hahahah. Oo na! Sige na, ikaw na ang may manliligaw!"

"Di pa nga alam ni Tim to eh."

"Ay Oo nga no? Feeling mo magagalit siya?"

"Di ko alam. Matagal na naman yung alitan nila ni Calvin eh.

"Siguro okay na sa kanya."

"Pero kilala natin si Tim. Pag ayaw niya, ayaw niya talaga."

"I'll talk to him nalang Ai."

"Okay. Sayang wala siya dito no? Kamusta na kaya laro nila ngayon?"

"I know mananalo sila."

Out of town ang mga varsity ng foot ball ngayon kasi may game sila. Sayang wala siya dito, saya pa naman ng mga events ngayon.

"Maghanda kana para mamaya ha? 2 PM pa naman yun eh. 9:30 AM palang naman so marami kapang time."

"Okay-okay! Bahala na!"

Habang kausap ko si Camille ay biglang dumating si Yumi kasama ang iba lang officers.

"Uy, Hi Aira." Bati nito sa akin.

"Hi Yumi."

"Di ka nagsasabi na kasali ka pala mamaya sa unspoken words poetry ha?"

"Ah- yun ba?! Si Camille may pakana nun! Ayoko ngang sumali pero inilista niya name ko eh."

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon