43: Sport Fest (last day)

1.4K 43 10
                                    


Last Day na ng Sport Fest at Finals na ng lahat ng mga laro. Awarding narin mamaya kaya excited na ang lahat kung sino ang magiging MVP. Hindi makakalaro si Dave at Calvin at lalong lalo na si Tim. Grade 10 ang nanalo at makakalaban nila sa finals ang Grade 9. Hindi pumasok ngayon si Tim kasi nagpapahinga siya.

Buong magdamag kaming nag usap ni Calvin kagabi kasi tinawagan niya ako. Hindi naman daw masama ang loob niya kay Tim eh pero kay Francis daw Oo. Panay sorry siya sa akin dahil sa nangyari kay Tim. Hindi narin daw niya nagustuhan ang nangyari pero wala na siyang magagawa.

Kinaumagahan pagdating sa school ay sinalubong na ako ni Calvin sa gate. Kasama ko si Camille pero nauna na ito sa Studen't council habang kami naman ni Calvin ay sabay na naglalakad papuntang classroom. Kitang kita sa mga mata niya na malungkot siya kaya niyaya ko muna itong kumain ng noodles sa labas para naman makapag-usap kami. Bago yun ay dumaan muna kami ng classroom para sa attendance ko.

"Ai, kamusta si Tim?" Tanong ni Yumi sa akin habang naka upo sa silya niya at nakikipag usap sa iba naming classmates.

"Oo nga Ai, okay naba siya???" Dugtong pa ni Marie.

"Medyo masakit parin daw. Nabali talaga eh. Kawawa nga siya."

"Ay kawawa naman si Tim."

"Sige, alis muna ako ha? Kakain lang kami ng noodles sa labas. Pag hinanap ako ni Camille dito pakisabi kasama ko si Calvin ha?" Pakiusap ko sa kanila.

"Ahhhhhh. Yung boyfriend mo? Hahaha okay!" Asar pa ni Marie sa akin habang si Yumi ay tahimik lang.

"Shhh! Hahaha sige ha? Mi, alis muna ako."

Hindi ito sumagot at tumango lang kaya agad naman akong umalis. Mukhang hindi naman yata nakatulog ng maayos si Yumi ah, ang aga-aga eh naka simangot na.

Paglabas ko ng classroom ay nandoon na si Calvin na naghihintay. Lumabas kami ng school at nagtungo sa kainan sa gilid lang.

Habang nag hihihintay kami ng order ay parang wala parin sa mood si Calvin kaya naisipan kong mag joke.

"Anong tawag sa babaeng pari?"

"Huh?!"

"Ano nga tawag sa babeng pari?"

"Madre?"

"Mali ka! Hahaha"

"Eh ano pala?"

"Edi Mari! Hahahahah. Pari, Mari! Hahahahah!"

"My goodness Aira, joke ba yun?! Turn off na 'ko!!"

"Uy ang sama mo! Nakakatawa kaya yun! Hahahaha. Turn off pala ha? Okay!"

"Sige na. Okay tatawa na nga lang ako! Hahahah!"

"Ayan! Mas gusto ko pag nakangiti ka!"

"Talaga? Bakit? Mas pomo-pogi ako?"

"Hmmmmm. Medyo!"

"Ayun oh! Hahaha!"

"Hahaha Oh heto na pala eh. Kain na tayo."

"Uy wait, hingi tayo ng chopsticks para parang korean talaga. Korean noodles to diba?"

"Ang arte naman ng lalaking to. Okay!!"

"Sige na kasi. Hehhe"

Tinawag ni Calvin ang ale at humingi ng chopsticks at nagsimula na kaming kumain.

"Ang galing mo din pala huh?" Puna ko sa kanya."

"Oo naman. Palagi kaya ako kumakain sa mga shabu-shabu!"

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon