54: Goodbyes

487 17 3
                                    


Aira

"Bat di ka sasama? Eh dati naman pinapayagan ka ni tita diba?"

"Ok kay mama pero wag na muna this summer. Dami pa kasi naming gagawin ni Calvin."

"Kasi ba kasama si Yumi?"

"Hindi ah. Oo, medyo hindi kami ok pero hindi yan ang dahilan"

"Hanggang ngayon hindi ko parin ma intindihan kung anong alitan ang meron kayo. Bat ba pag tinatanong ko kayong dalawa wala man lang akong makuhang sagot?"

"Sorry Tim"

"Sorry? Alam mo gustong gusto ko ng isipin na may namamagitan sa inyong dalawa."

Nagulat ako sa sinabi ni Tim. Hindi ko alam ang issasagot ko sa kanya kaya nanahimik nalang ako.

"Ano Ai? Ano ba talaga?"

"Masama ang pakiramdam ko Tim, pwede bang sa susunod nalang tayo mag usap? Kailangan ko na yatang mag pahinga."

"Hayyyyyy. I'm sorry Ai. Ang gulo lang kasi. O sige, magpahinga kana. Alis na 'ko."

"Pasensya kana ha? Sige mag ingat ka."

~~~~~~

Buong magdamag kong inisip ang sinabi ni Tim. Halos hindi ko ma imagine ang magiging reaksyon nya kapag nalaman niya kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa girlfriend niya. Parang gusto ko nalang mawala para matakasan ko nalang lahat ng gulong nasa isip ko. Gusto ko umalis at iwan lahat ng nararamdaman kong ito. Habang nakikita ko si Tim at Yumi ay nadudurog lalo ang puso ko.

Hindi ko mapigilang umiyak gabi-gabi. I feel guilty para kay Calvin at Tim.  Minsan naiisip kong hiwalayan na lang si Calvin pero wala akong maisip na rason. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya kung anong nararamdaman ko kay Yumi. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para tanggapin lahat ng pang huhusga ng mga tao sa paligid ko.


Kinabukasan

"Hindi ka papasok nak?" Tanong ni Mama habang ako naman ay naka pulupot lang sa kama.

"Aira?? Jusko ang init mo ah! Masama ba pakiramdam mo?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero parang hinang hina ako ngayong araw. Yung parang ang layo ng tinakbo ko tsaka ang sikip pa ng dibdib ko.

Agad naman kumuha ng gamot si Mama at pinainom sa akin. Tinawagaan din nito ang doctor ko.

"Anong masakit sayo anak? Nahihirapan kabang huminga?"

"Hindi naman Ma, parang may mali lang sa katawan ko. Parang ang pagod na." Mahina kong pagkakasagot.

Hindi na nag aksaya ng oras si Mama at dinala na agad ako sa ospital.


~~~~~~~~~~

Gabi ng nagising ako at unang kong nakita ay si Calvin.

"Babe?" Sabay hawak ni Calvin sa aking kamay.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"It's almost 10 PM na babe. Nandito kanina si Camille kaso umuwi na sya eh."

"Buong araw na pala akong tulog. Asan si Mama?"

"Bumaba lang saglit sa pharmacy. May gusto kaba babe?"

"Tamang tama lang pala at nandito ka."

"Syempre naman. Pwede bang hindi? Sobrang alala ko sayo Aira."

"Calvin kailangan nating mag usap."

"Sure babe. What is it all about?"

"Makinig kang mabuti sa akin ha?"

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon