22: Crush

1.8K 42 5
                                    

Yumi

Nasa student's council ako at naka-tambay kasama si Camille at ang iba pa naming ka grupo. Gumagawa kami ng schedule para sa darating na buwan ng wika. Vacant time din kasi namin at 1:00 o'clock pa ang next class kaya nandito ako.

"Ang dami namang activities. Paano kaya natin mapapakasya to sa dalawang araw?" Tanong ni Camille sa amin.

"Siguro sa 2nd day nalang yung mga main event gaya nitong folk dance, unspoken poetry tsaka itong singing contest diba?"

"Tama si Yumi. Tapos 'tong mga palaro sa 1st day nalang."

Nag agree naman ang iba naming kasama at maiigi naming pinakasya ang schedule of events, 2 weeks nalang kasi ay magsisimula na yung event.

Ng matapos naming gawin ay nagyaya si Camille na kumain, tamang tama ay lunch time na.

"Magkasama ba kayong kakain ni Tim?"

"Hindi eh. May practice daw siya ngayon eh."

"Ahhhh. So sama ka nalang sa amin ni Aira."

"Sige ba."

"Tara na. Daanan nalang natin siya sa Editor's office."

Agad kaming nag tungo ni Camille doon at nadatnan naming natutulog si Aira sa computer table.

Agad naman itong pumasok at ginising ang mahimbing na pagkakatulog ni sleeping beauty.

"Uyyyy! Bat ka natutulog dito? Gumising ka!" Sabi ni Camille habang inaalog-alog siya.

Ang cute niyang tignan habang himbing na himbing sa pagkakatulog.

"Luh! Nakatulog na pala 'ko!" Sabi ni Aira habang kinukusot ang mga mata.

"Magsuklay ka at kakain na tayo." Sabay abot ni Camille ng suklay.

Inayos ni Aira ang sarili niya at umalis na nga kami.

Habang nasa canteen ay tulala parin si Aira. Parang wala pa ito sa mood mag salita. Ni hindi niya ginagalaw ang kanyang pagkain.

"Okay kalang ba Ai?" Tanong ko.

"Ah-Oo naman."

"Oo nga Ai. May sakit kaba?" Dugtong pa ni Camille.

"Wala. Inaatok pa kasi ako."

"Ano na naman ba ginawa mo kagabi?" Tanong ko.

"Di kasi ako makatulog kagabi. Galaw ako ng galaw."

"Ano ba iniisip mo? May nagpapa-stress ba sayo?"

"Parang wala naman. Ewan ko nga eh."

"Sure ka? Di ako sanay na matamlay ka."

"Talaga??? Lagi naman akong tahimik ah."

"Hindi kaya. Ang ingay mo kaya sa classroom tapoa tawa kapa ng tawa. Oo, minsan tahimik pero hindi ganyan ka tamlay."

"Ganun? Hahhaha! Sige na nga!! Whoooooo energy!!!" Sigaw pa niya. Baliw din talaga to.

"Hahahahah. Ayan ok na!! Apir!"

"Buti naman. Apir!!"

"Uuhhhhhhhhh!!!  Ang cute niyong tignan. Mas bagay kayong maging friends kesa sa magka-away." Sabi naman ni Camille na nakatitig lang pala sa amin the whole time.

"Buti nga lang nahipan ng mabuting hangin tong kaibigan mo at naging mabait sa akin."

"Aba!!! Ikaw nga tong may topak eh." Sagot pa ni Aira.

"Hahahahha. O kita mo na Cams? Defensive no? Hahahhaha"

"Oo na. Sige na. Ako na!!"

"Para kang grade 1 pag ganyan ka. Hahahahaha."

"At least cute na grade 1."

"Hahaha wala naman akong sinabing cute ah!!"

"Girls, ayun yung tunay na cute! Si Calvin." Sabay turo ni Camille sa kabilang table.

Sabay naman kaming lumingon ni Aira sa lalaki.

"Oo nga Cams. Ang cute niya. Grade 10 naba yan?"

"Oo Mi. Ang pogi no? Magaling mag basket ball yan tsaka gitarista din. Crush nga dati ni Aira yan eh. Diba Ai? Uyyy!"

"Talaga Ai? Pogi siya. Crush mo pala yun ha!! Uyyyyyy si Aira!! Ayeeeee!" Asar ko sa kanya.

"Di naman ganun ka crush no! Medyo lang. chick boy din naman yan eh."

"Ayeeeeee. Denial Queen ka talaga. Aminin mo na kasi."

"Di nga!!"

"Hay nako Yumi, kahit anong gawin mo eh hindi aamin yang si Aira no. Di kaya nagpapahuli ng buhay yan."

"Hahahahahah. Oo nga Cams. Ano naman kung crush niya yun eh pogi naman talaga."

"Dati lang yun no! Di na ngayon."

"Hahahahahah. Kita mo na Mi? Denial talaga eh no? Pero kung makatitig wagas"

"Hahahahahahha. Oo nga! Sus!!! Ikaw Aira ha!"

"Tawagin ko nga kung hindi mo na talaga crush!" Banta pa ni Camille.

"Uy ano ba!! Camille!!!"

"Oh? Bat ka na tetense? Akala ko di mo na crush?"

"Wag na nga lang kasi. Ano ba! Bahala ka! Tawagin mo."

"Okay, sige. Calvin!!!! Calvin!!!! Hi!!"

Tinawag nga ni Yumi si Calvin at habang may kausap ito at lumapit naman ito sa amin.

"Hi Calvin!!! Kamusta?"

"Okay naman Cams. Ikaw?"

"Okay din. You remember my friend Aira, right?"

"Oo naman. Hi Ai, kamusta??"

Halos matawa ako sa reaction ni Aira habang kinakausap siya ng Calvin. Kulang nalang ay isubsub niya ang mukha niya sa loob ng kanyang bag kaka-yuko.

"H-hel-hello. Okay din naman." Sagot naman nito.

"Buti naman. Sige, balik muna ako dun ha?"

"Sure. Sige. Bye!" Paalam naman ni Camille sa kaya.

Ng makalayo na ay agad na naman naming inasar si Aira.

"Akala ko ba di mo yun crush?! Eh daig mo pa yung batang di pa marunong magsalita sa sobrang pagka-utal eh! Hahahahah"

"Oo nga Mi! Notice mo rin pala yun?! Hahahahahahhaha. Nakakatawa ka Ai."

Tahimik lang si Aira at nanlulumo sa amin.

Halos hindi maipinta ang mukha ni Aira sa kaka-asar namin ni Camille sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Halos hindi maipinta ang mukha ni Aira sa kaka-asar namin ni Camille sa kanya. Kahit ganun ay ang cute cute niya padin.

I don't know why pero sobrang na cu-cutan talaga ako sa reaction niya kapag inaasar siya. Nakakagigil. Sarap kurutin.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon